Michael's POV
Pffffffttttt!!!!
Pumito na si Coach Ian. Ibig sabihin ay start na.
Agad tumakbo si Ricky sa court. Dribble lang siya ng dribble kumukuha lang ata siya ng tiyempo para maipasa sa amin yung bola.
Agad nagpakawala si Ricky ng malakas na chest pass kay Matthew. Walang sinayang na pagkakataon si Matthew at agad ipinasa ang bola sa akin dahil malapit lang ako sa ring.
SHOOT!
Two points agad ang nakuha namin.
"Nice one!"
Sabi ko sa kanilang dalawa sabay brofist.
"Aira!!!"
Napalingon kami sa mga kababaihang sumigaw. Nasa may bandang bench sila. Mukhang kanina pa sila doon.
"Aira!!! Did you saw that?! Ang galing niya palang mag-shoo--..."
Agad na tinakpan ni Aira ata yun.. Yung bibig ng kasama niya. Bakit parang nahihiya siya?
"Brad fan girls mo.. Hahaha!"-Matthew
Huh? Bakit ako?
"Ako?! Baka kayo.."
Tumakbo na ako to end our conversation. Ang focus ko muna is basketball. Not girls.
"Go!!"
Sigaw ni Coach. This time kila Ron naman ang bola. Ang bilis tumakbo ni Ron. Mabilis niya ring naipasa kay Joshua ang bola pero di pa man nahahawakan ni Joshua ang bola ng matagal ipinasa agad niya ito kay Max at SHOOT!
Ang bilis nila. Nagpabitin-BITIN pa muna si Max sa ring bago tuluyang bumaba.
"That was fast! Haha!"
Tatawa-tawang sabi ni Ricky sa kabilang koponan.
"But we are better.. *smirk*"
Agad niyang dinribble ang bola at pumwesto. 3 points agad! Ang galing!
"Ayaw patalo ha?"-Joshua
Nagpatuloy kami sa paglalaro. Sa ngayon ang score namin ay tie na 47.
Kailangan naming makalamang kahit isang puntos sa natitirang last minute.
"Michael!!"
Sa akin ipinasa ni Matthew ang bola. Dali-dali akong nag dribble at tumakbo papunta sa ring pero hinarangan ako agad ni Ron...
Dahil Medyo nag-expect na ako ng mga possibilities na gagawin nila... Inikutan ko si Ron at saktong pagdating ko sa likod niya ay malapit na ako sa ring. Tumalon ako ng malakas at nag slam dunk!
Pfffffttttt.
"End of the game!"
Sigaw ni Coach.
"Woaaaahhhh! Lamang tayo ng isa!!! "
Proud na sigaw ni Ricky. Nagtatawa na lang kami sa kanya.
"Sus! Chamba lang yun Ricky!"
Bulyaw naman sa kanya ni Max.
"Boys come here."
Tawag sa amin ni Coach Ian kaya agad kaming lumapit.
"That was a nice game!"
"Yes!!"
Sobrang saya namin sa compliment na iyon sa amin ni Coach.
"All of you have different abilities when it comes in playing. Also the good thing is you know how to communicate with your groupmates and ou have the so-called... TEAMWORK."
Teamwork! Yan ang pinakamahalaga sa lahat :) Kakayanin naming lumaban sa lahat basta mapanatili namin ang aming teamwork.

BINABASA MO ANG
MY ABNORMAL CRUSH
Novela JuvenilItong story na po ito is dedicated for my lovable friends. May mga aral na mapupulot.... May inspirasyon kang makikita and also malalaman natin kung gaano kahalaga ang lahat ng tao sa paligid natin... KAIBIGAN mo man o kahit si CRUSH pa yan :))))