Part 25 = Don't go

231 4 0
                                    

 Hit vote and see what happens to the text. 乂⍲‿⍲乂

█║║█║▌║█║▌█║║█║▌║█║▌█║║█║▌║█║▌█║║█║▌║█║▌

July 09, 2011

Saturday

5:42 pm

Weather: Cloudy & Windy

Location: Erickson's Residence

 ⌦ CHRISTOPHER'S POV 

"I and this paper are your only source of information with Danica's whereabouts."

"F-fine! Fine! "

"Good good. Ito na yung tanong."

Teka. Ano nga bang itatanong ko dito? 

Ah! Alam ko na! :D

"Ang tagal mo naman mag-isip. Baka napano na si Danica!"

"When was your first kiss?*gulp* "

Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto. 

"Ahmm... siguro yu--"

"Siguro? Hindi ka sigurado?"

"Tingin ko hinalik-halikan ako ng parents ko nung bata pa ako. Kaya..."

Parents?!  Parents daw ba?! Hindi ba niya....naalala?

"Dapat sigurado ka. Tingin mo lang naman yan eh."

Hindi ko madiretsong tanungin kung naaalala niya ba. -_-"

 ⌦ End of CHRISTOPHER'S POV 

"Ahmm...basta...kung sino man ang makakakuha ng first kiss ko. Gusto ko, yung taong yun ay mahal na mahal talaga ako. Yung tunay ah! Hindi yung nakakain ng laho."

Nagbuntong hininga si Chris at ngumiti.

"Buti naman dahil ang nakakuha ng first kiss mo ay mahal na mahal ka talaga kaysa sa sarili niya."

Ah. Baka ang tinutukoy niya ay si papa. 

Napakaassuming ko naman kasi na iba yung tinutukoy niya XD

"Oo, mahal na mahal niya nga ako." ngumiti rin ako at inabot ko na ang papel na hawak niya. Binitawan niya naman ito. 

Parang masyado naman ata siyang gulat dun sa sinabi ko. Bahala na! Ang importante nakuha ko itong papel.

Pagkatalikod ko'y naramdaman kong inabot ni Christopher ang kamay ko. Nilingo ko naman siya.

"Don't go," kinakitaan ko ng pagkaseryoso at pag-aalala ang mukha niya. "I'm asking you not to go." dugtong pa niya.

"Chris, this is my friend Danica at stake. Kung hindi ko siya pupuntaha---" naudlot ako sa pagsasalita dahil umiling-iling si Chris at ayaw talagang bitawan ang kamay ko.

"Don't go."

"Sino ka ba sakin para utusan ako?!" agad-agad ay napabitaw si Chris at yumuko. Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa nakasaad na lokasyon.

Uh-oh. Medyo masakit ata yun ah. Pero kasi, kailangan ko talagang puntahan si Danica! 

 CHRISTOPHER'S POV 

"Grrr... She's...so...stupid." 

That person, bakit ang dami niyang alam tungkol sa amin ni Nathalie?  Stalker kaya siya ni Nath?!

"Setting that aside, dapat hindi ko binigay yung papel! ARGH!"

 End of CHRISTOPHER'S POV 

 Ano ba 'to?! Saang lupalop ba ng mundo matatagpuan 'to?!

Nagtanong-tanong si Nathalie sa mga taong makakasalubong niya hanggang sa mapuntahan na niya ang lugar na nakasulat sa papel.

Ayon sa mga pinagtanungan ko, dito na daw yun. Hmm... sabagay mukha ngang pwede ditong magtago ng isang tao bilang hostage.

Ang taas ng building na 'to kahit mukhang abandonado. 

Binasa ko ulit ang nakasaad na lokasyon sa papel.

"Isang malaking tuldok? Saan naman ako makakakita ng isang malaking tuldok dito?" nilibot ko ang tingin ko sa buong lugar. Sa may tapat ng building, doon ko natagpuan ang isang malaking pulang tuldok na nakasaad sa papel. Tumakbo ako papunta doon sa paga-akalang makikita ko na talaga si Danica. Pero ng makalipas ang ilang segundo kong pagbababasa at pagsusuri ng nakasulat sa papel...

"NATHALIE! ABOVE YOU!"

Tumingin ako sa itaas at nakita kong may dalawang lamesang bakal ang nalalaglag papunta sa kinaroroonan ko. 

Ilang segundo na lang at paniguradong tatama na sa akin ang mga ito.

Sa wakas, makikita ko na kayo, Mama at Papa. 

Mariin kong pinikit ang mga mata ko.

*BOOOOGSH *grunt

Dahan-dahan ay dinilat ko ang mata ko. 

"I told you not to go, didn't I? But at least you're alright. I'm glad." biglang nawalan ng malay si Chris.

Siya pala yung sumigaw kanina!

Sinipa ko ang mga lamesa at agad kong inalalayan si Chris nakapa ko ang dugo sa ulo niya at sa iba pang parte ng katawan. 

"TULONG! TULUNGAN NIYO KAMI! Chris!" buti na lang at dumating si Kyle. 

Lu-lumabas siya ng building?!

Nanlulumo ang reaksyon niya at may tinatawagan siya sa telepono.

Inalis ko muna ang mga haka-haka ko at dinala si Christopher sa ospital.

RCG : Decipher Love [DL] ⌨ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon