Part 21 = Dissolving a mask with a code

315 7 0
                                    

July 07, 2011

Thursday

6:35 am

Weather: Windy & Cloudy

Location: Impecunious Institute of Caloocan (IIC)

 CHRISTOPHER'S POV 

Tsk. Tsk. Tsk. Now that things got worse, I can't leave Nathalie's side.

Not now na mas malaki ang possibility na madamay nanaman siya sa mga kagagawan ko noon. 

X/

Nakakainis naman 'to.... XP

Umaakyat na ako ng hagdan. I've been thinking what may happen next. 

Who's this guy that knows me by the way?

Pagkarating ko sa room ay marami nang estudyante. Parang isang normal na araw lang sa school. Pakapasok ko ay nakita kong nakatitig sa akin ang grupo nila Nathalie. Syempre, magugulat sila na bigla akong pumasok. 

Ang iba ko namang kaklase, ay nagtanong kung bakit ako absent. At ako naman, di ko sila pinapansin. Sino ba sila para pakelaman ang buhay ko? -_-" Mga tsismoso't- tsismosa lang silang wala naman talagang pakelam sakin at ang tunay na interes lang ay ang malaman ang dahilan ng pagabsent ko sa school. :P

Ibinaba ko na ang bag ko at umupo sa upuan ko. Nasa gilid ko ang grupo nila Nathalie. Laging wala sa ayos ang mga upuan sa first and second row dahil pumapabilog sila tuwing umaga para magkwentuhan.

 END of CHRISTOPHER'S POV 

Nagkikipagdaldalan ako kanila Martin nang biglang may pumasok sa room. Mahina ang pagbukas ng pinto kaya kahit nakatalikod ako ay alam ko na kaagad kung sino ang pumasok. At nung lumingon ako...

Tama nga ako. Si Christopher nga.

Wow pumasok siya!

Napansin kong pare-parehas kami ng mga reaksyon. Umm... maliban siguro kay Cloudia? Lagi namang expressionless yan eh. =.=

Papunta palang si Christopher sa upuan niya ay marami na kaagad ang nagtatanong sa kanya.

"Uy, bakit ka absent?"

"Anong nangyari sayo? Bakit wala ka kahapon?"

"Nagkasakit ka ba?"

Sunod-sunod ang mga tanong nila pero niisa ay walang sinagot si Chris. Ibinaba lang niya ang bag niya at umupo. Ipinatong niya ang kanang kamay niya sa desk at pinatong naman ang baba niya sa kanang palad niya. Halatang may iniisip nanaman siyang ubod ng lalim. 

Kakausapin ko ba siya? 

>.<

Napaisip nanaman ako. Habang tinatanong ko ang sarili ko ay may napansin akong sumusundot-sundot sa may tagiliran ko. Nakatitig lang ako kay Christopher nun. 

"Ano?" naiinis na tanong ko pero hindi pa rin ako tumitingin sa sumusundot sakin.

"Kausapin mo na siya. Chance mo na 'to." sabi naman sakin ni Danica. Bakit nga ba di ko napansing mahaba ang kuko ng sumusundot sakin? 

Nilingon ko na siya. Ngumiti ako dahil naappreciate ko ang kagustuhan niyang magkaayos kami ni Chris. Pero... napabuntong-hininga na lang ako. 

Hindi ko kasi alam kung kaya ko bang kausapin ulit si Chris. Parang wala pa akong enough guts para gawin yun. >,<

RCG : Decipher Love [DL] ⌨ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon