Part 32 = The codes

192 2 2
                                    

July 23, 2011

Saturday

8:12 pm

Weather: Fair

Location: Erickson Residence

"I'm gonna be helping you Chris." tinext sakin ni Anthony.

"Like I need your help. Ni hindi ka nga umayon sa plano natin nung nandun tayo sa island and now you still expect me to accept your help? Stop denying, you're on Krishna's side." pagreply ko naman habang hinahanda ko lahat ng hacking tools na meron ako.

"Fine. I admit na tinutulungan ko si Krishna, pero noon yun! Narealize ko na...na kaya kong mabuhay ng wala siya at dahil yun kay Nathalie. Minulat niya ang mata ko Chris. That's why ngayon tutulungan ko siya." 

Hindi ko alam bakit pero nabanas ako sa sinabi niya at nagreply,

"So ano ngayon? Karibal na kita? Nahulog ka na kay Nath?"

"Hmm... since you put it that way, what about we have a challenge?" 

Aba! Ang lakas pa ng loob nitong maghamon.

"Sure. What's the challenge all about?" napaupo ako sa kama habang nagtetext. 

"Whoever rescues her first wins." 

"What's the loser's consequence?" pagtatanong ko sa kanya.

"The loser will give up on Nathalie and hand her over to the opponent." nagdalawang-isip ako sa sinabi niya.

Heh. As if he'd win against me.

"I'm fine with that." sagot ko.

"Great. See you tomorrow then."

"Pero pag si Nathalie ay nasugatan o nagalusan man lang, di ka na makakauwi ng buhay." pagbabanta ko sa buhay niya.

"Same goes for you."

Hindi ko na nireplyan ang text niya. Bagkus ay natulog na lang ako dahil mamimili pa ako ng susuotin ko bukas.

⌦  End of CHRISTOPHER'S POV  ⌫

Huh? Nasaan ako?

Nararamdaman ko na bitbit ako ng isang payat na lalaki. Nakatakip ang mata ko at nakatali ang kamay at paa ko. Sa bawat pagtapak ay naririnig kong may papalapit na boses ng isa pang lalaking parang robot ang tono ng pananalita habang tumatawa. 

Maya-maya pa'y marahan akong ibinaba ng lalaki at tinanggal ang pagkakablindfold sa akin pati ang takip sa bibig ko. Pagkadilat ko ng mata ko'y tumambad sa aking harapan ang isang lalaking nakasuot ng wirdong maskara. Sa likuran niya'y may isang babae at mga lalaki na nakasuot din ng maskara. Naka school uniform sila pero hindi ko alam saang school sila nag-aaral.

"Nathalie Schwartz. The daughter of Marianne and Steven Schwartz. What is your company name again? Is it Schwartz Corp.? You've been an orphan since childhood and you've been a student of IIC too. Also, you parent's graves...are at the back of your school. I wonder why?hahahaha."

 "Anong kailangan mo sakin?"

Bakit ang dami niyang alam tungkol sa'kin?!

"I like your seriousness. Mukhang mas mapapadali ang lahat kung ganyan ka." strinetch out niya ang kamay niyang may papel at ball pen. "Give me the codes." tinanggal ng lalaki mula sa likuran ko ang pagkakatali ng kamay ko.

"Codes? Anong codes?"

Anong sinasabi nito?!

Inilayo niya ang papel at lumapit sa akin,"Stop playing dumb. We all know you have it."

"I wish I do because if you're doing these stupid things just for those nonsense codes, I'd be greatful to just give it right away."

"Mukhang nagsasabi po siya ng totoo. Baka wala po talaga sa kanya yun." sabi ng isang kasama niya sa likod.

"I knew this could happen. Sa pagkakakilala ko kay Cancer, ayaw niyang dinadamay ka sa mga problema niya. And one thing of keeping you out from this is not giving you the codes for the Furnace O' Schwartz. However, paniguradong pupunta siya dito para irescue ka, though you won't be free."

"Anong binabalak niyo kay Chris?! Atsaka sino ka ba?!" galit na tanong ko sa lalaking nakamaskara sa harap ko.

"Knowing who I am won't do you any good. I've heard that a girl's hair is their crowning glory. I wonder if you'll speak once I cut it off?" sinenyasan niya ang dalawang lalaking may hawak na gunting at ginupit nila ang buhok ko. 

Buhok lang naman 'yan eh.

"Eh? You're just gonna glare at me? Tch. You're no fun at all." pang-aasar sa akin ng lalaking nakamaskara. Tinititigan ko lang siya ng masama dahil wala rin naman akong magagawa para makalaban eh. Nanghihina pa ako sa gutom.

*growl

"Ano yun?!sigaw ng lalaking nasa likuran ko.

"Baka may sumasalakay sa'tin! Dumating ang mga sasakyan nila!"

"Ihanda niyo yung mga armas niyo."

"Maghanda kayong lahat para s--"

"Umm... tiyan ko ata yun." singit ko naman. Tiningnan nila akong lahat. Nagbuntong-hininga ang lalaking nakamaskara na kausap ko.

"Give her food. Make sure she has the energy for tomorrow's event."

July 24, 2011

Sunday

6:23 am

Weather: Fair

Location: Erickson Residence

⌦  CHRISTOPHER'S POV  ⌫

"Good Morning Chris. Nandito na lahat ng pinapadala mo." pagbati sa akin ni Danica habang inaabot niya sa akin ang dalawang bag na may lamang bulletproof vests at ilang mga baril.

"Salamat Danica." kinuha ko ang mga iyo't inilagay sa sala. 

Lumipas pa ang ilang minuto at dumating na rin sila Martin at Anthony. Tinawagan ko rin si Sir Newton. Sinabi ko kasi na hindi ko siya sasaktan kapag tinulungan niya ako. Ngayo'y kakailanganin ko lahat ng tulong na pwede kong makuha.

Nang maayos na namin ang mga dadalhin namin mamayang gabi, umalis na ang lahat para magbihis at mag-ayos ng sarili.

"Let's meet here in my house again after a few hours, okay?"

"Yeah,see ya'." 

"Bye Chris! Text mo 'ko pagnabalitaan mo si Nath ah!" may tonong pag-aalalang sabi ni Danica. 

RCG : Decipher Love [DL] ⌨ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon