Part 24 = Danica's whereabouts

256 7 0
                                    

July 09, 2011

Saturday

6:22 am

Weather: Rainy, Cloudy & Windy

Location: Erickson's Residence

"Magtatrabaho ako bilang maid dito sa bahay mo! Kaya please! Payagan mo 'ko!"

"Huh?" buong pagtatakang tanong sakin ni Christopher. Naiintindihan ko, sobra rin naman kasi ang paghingi ko sa kanya ng tulong. Nakakahiya tuloy! Hindi ko siya matitingnan sa mata! 

>.<

Lumapit siya sa akin at pinat ang ulo ko habang sinasabing: "Oo naman. Kaya lang merong kondisyon." nakaramdam ako ng kung anong eerie na aura na nakapalibot kay Christopher.

Ano nangyayari sa kanya?! o.O

Tumingala ako.

"ahmm...ano naman yun?"

"Hindi ka na pwedeng umalis. :)" seryosong-seryoso ang mukha niya. 

Wait wait wait! 

Let me process this.

Gusto niya akong makasama sa bahay niya ng matagal?! 

no... no...

habang buhay?!

Bumubuka-buka ang bibig ko dahil gusto kong sumagot pero hindi ko alam kung oo ba o hindi ang sasabihin ko.

"I'll be taking that as a yes then." humawak si Christopher sa railings at tumingin sa sala sa baba. "Dahil walang pasok ngayon, magtatrabaho ka na kaagad. Sakto rin, marumi ang bahay." 

"HA?! Anong marum----"

Tinitigan ako ng masama ni Chris.

"Magrereklamo ka na agad?"

Napayuko na lang ako.

"Maglinis ka ng bahay. Siguraduhin mong malinis yung toilet, walang labahan, at meron pagkain mamayang tanghalian."

"Ah.. oo :D"

Bago ako tuluyang bumaba ng hagdan ay naalala ko bigla ang bahay kong...uhh....parang di na ata bahay yun eh. Pero gayunpaman, naalala ko yung mga gamit ko sa so called 'bahay' ko. 

Tss... I guess nakamove on na ako. Wala na. Nangyari na eh. :( 

"Uhmm Chris?"

Napatigil si Chris na papasok na sa kwarto niya.

"Hmm?"

"Yung mga gamit ko sana. Inaalala ko lang. Lalo na yung laptop ko. Kasi ano eh..."

"I know, I know. Kukunin ko mamaya. Tutal ibabalik ko naman yung kotse na hiniram ko kagabi. Sige na magsimula ka na sa gawain mo." binagsakan niya ako ng pinto.

=_="

Since when did he get so bossy? 

Tsk. Tsk. Tsk.

Huminga ako ng malalim at nagsimula ng magtrabaho.

 ⌦ CHRISTOPHER'S POV 

Nalakasan ko yung pagsara ng pintuan!

RCG : Decipher Love [DL] ⌨ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon