Part 33 = Masquerade Ball I

195 3 0
                                    

July 24, 2011

Sunday

6:23 am

Weather: Fair

Location: Erickson Residence

"Sure thing. Mag-iingat kayo. Martin, ingatan mo si Danica mo ah." pagkasabi ko'y agad na namula si Martin. 

Hah. I'd hit a nerve.

"Huh? Ah...ah...oo naman." nahihiya namang sagot niya. Binatukan siya ni Danica na halata namang kinikilig. Nang isasarado ko na ang pintua'y bigla akong tinawag ni Danica.

"Chris," tumakbo siya papalapit sa akin.

"Mag-iingat ka." 

Natawa ako sa sinabi niya.

"Oo naman."

"Chris, hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin 'to eh. Pero pakiramdam ko kasi, may masamang nag-aabang sa'tin sa masquerade ball. Kahit na alam ko naman na yun dahil sa sulat, para bang higit pa dun yung makikita natin.

Something na hindi pa natin na-eencounter noon, isang bagay na kahit kailan hindi natin inecpect na maeencounter natin. Natatakot ako para kay Nath," tuluyan nang napaiyak si Danica. Bumalik naman si Martin para i-comfort siya.

"Huwag ka mag-alala Danica, kung balak nilang tuluyang patayin si Nathalie, hindi na nila siya dadakipin pa. Iniwanan nila tayo ng isang invitation. Ibig sabihin nun, tinatago nila si Nath para makuha ang atensyon natin at mapilitan tayong umattend sa masquerade ball.

Listen, I believe they took Nathalie for a reason. And that reason's concerning her, me or even all of us. There's no sense of using Nath as a hostage kung talagang sasaktan lang nila siya," napalunok ako sa sinabi ko. Mukha namang satisfied si Danica at tuluyan na silang umalis.

Nang maisarado ko ang pinto, napahawak ako sa dibdib ko. Nang hindi ko namamalayan, sunod-sunod na pumatak ang luha sa mga pisngi ko.

Totoo ba talagang hindi nila sasaktan si Nathalie? 

Naiiyak ako lalo sa pag-iisip na baka nga sinasaktan nila si Nathalie.

Kasalanan ko 'to. Lumapit pa kasi ako sa kanya eh. Bakit ko ba ginawa yun?! Nadadamay na tuloy siya sa mga gulo ko.

Alam kong kahit gaano ko pa kamuhian ang sarili ko, hinding-hindi ko maililigtas si Nathalie. Liban na lang kung magagamit ko ang emosyong yun para mailigtas siya.

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang luha ko't nagsimula ng mag-ayos.

Hindi pa rin ako naniniwalang pumapanig na talaga sa amin si Anthony. I really have to keep an eye on him. -_-"

July 24, 2011

Sunday

6:13 pm

Weather: Fair

Location: Inside Christopher's car near Camelot's hotel entrance

{play multimedia}

"Alright we're here." naririnig na namin ang mga taong nagdadaldalan sa loob at ang magandang musika na kung hindi ako nagkakamali ay Four Seasons ni Vivaldi. Lumalakas ang kabog ng dibdib ko habang papalapit kami sa entrance. Habang pinapark ko ang kotse ay inihahanda namin ang mga pwesto ayon sa plano. Si Martin ay in-assign ko na magiging watch out namin mula sa labas. Si Danica naman ang magpepwesto ng mga camera na siyang magagamit din ni Martin. Si Sir Newton ang wingman ko. 

RCG : Decipher Love [DL] ⌨ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon