"Hala!" sabi ko nang mapatingin ako sa relo ko.
Teka... ay baliktad pala pagkakasuot ko XD Whew. Akala ko late na ko.
June 13, 2011
Monday
6:54 am
Weather: Fair
Location: Impecunious Institute of Caloocan (IIC)
Uy. Ang agang nakapasok ng mga kaibigan ko ah! :D
Dumiretso na ako sa isang bakanteng upuan at inayos ang mga gamit ko. Pagkatapos ay pumunta na ako sa grupo ng mga kaibigan kong nag-uusap tungkol sa mga nangyari nung nakaraang taon.
"Hi Cloudia!" narinig kong sabi ni Fatalis sa kaibigan kong emo.
Ahahaha. Pinopormahan nanaman nito si Cloudia. XD Di pa talaga siya sumusuko ah! After all this years! Rejected naman palagi! AHAHAHA!
"He-hello," tugon naman niya.
Hindi naman sa pintasera ako (kahit ganun naman talaga) pero parang ganun talaga ang tingin ko kay Cloudia. Napakatahimik naman kasi! Kahit kasama siya sa grupo namin, feeling ko others pa rin siya at isa siyang kahong may napakatibay na padlock. -_-
Ilang minuto pa ang lumipas at may pumasok na teacher sa classroom namin, dahilan para magsiayos na kami.
"Good morning students!" sabi niya ng may malaking ngiti sa mukha.
Wow. Ang gwapo rin naman pala nitong teacher namin eh! :D
"Good morning! Sir!" tuwang bati ng mga kaklase ko. Gayunpaman, mahahalata mo talagang mas natutuwa't kinikilig ang mga babae sa room.
"You may now take your seats."
"I'm Newton Mix. You can call me Sir Newton." nakangiti siya habang sinusulat ang pangalan niya sa chalkboard.
"Wala naman tayong formal lessons for today kaya... *lumakad na siya papunta sa pinto* You can do whatever you wanna do! YOLO! Bye!" huli niyang sabi matapos ay sinarado ang pinto.
Wow ha. XD First time kong makakita ng teacher na ganun. Pasok, sulat pangalan, then, bye. Hahaha! Pero atlis ngayon makakapagkwentuhan kami. ^_^ Let's see... meron bang trans--- uy! Meron, kaya lang lalaki, tsk.
Nakatingin ako sa lalaking tahimik lang sa gilid at nakatingin sa labas ng bintana. Kung tama ang hinuha ko'y nagdadaydreaming siya.
"Hoy! Sinong tinitingnan mo diyan?" tanong ni Martin.
"Type mo ba Nathalie? Ayieee!" panunukso naman ni Danica.
"Wew. Dun pa rin ako kay Clover! Simula pa noon, siya na ang lagi kong sandigan pag may problema ako! Atsaka, 'di ko type yung mga ganyang lalaki ah! Masyadong tahimik at misteryoso! Creepy!" sabi ko naman.
Hindi ko alam kung namalikmata lang ako, pero nakita kong nag-iba ang ekspresyon sa mukha nitong si 'transferee boy' ng marinig niya ang sinabi ko.
HA! Ano ka ba naman Nathalie?! Napakaimaginative mo talaga! -_-
Nang makalipas ang ilang minutong pagkekwentuhan namin ay nakaramdam si Martin ng pagkabagot kaya nagpapansin siya.
"Uy! Mga kaklase! Kilalanin natin ang isa't-isa!" tuwang-tuwang sabi niya tsaka siya pumunta sa harapan.
BINABASA MO ANG
RCG : Decipher Love [DL] ⌨ (COMPLETED)
Teen FictionDecipher means to DECODE, interpret o figure out. Paano madedecode dito ang hidden love sa pagitan nila Nathalie Schwartz (codename: tinierme) at Christopher Erickson? ☜(*▽*)☞ Ano ang kinalaman ni Christopher sa nakaraan ni Nathalie? ☜(*▽*)☞ Sino...