☜(˚▽˚)☞ ≧✯◡✯≦✌
█║║█║▌║█║▌█║║█║▌║█║▌█║║█║▌║█║▌█║║█║▌║█║▌
June 27, 2011
Monday
5:45 am
Weather: Sunny and windy
Location: Impecunious Institute of Caloocan (IIC)
⌦ CLOUDIA'S POV ⌫
Nagbabasa si Cloudia ng guide tungkol sa pag-aalaga ng mga rodents. Ang maintenance ng mga kulungan, pagkain, breeds, etc.
*hinahawak-hawakan niya ang mga alaga niya.
Nakaugalian niya na kasi simula pa last week ang pagdadala ng mga ganito.
"Ang cute-cute niyo talaga Skittles at Furby! ≧ω≦ " sabi ko habang hinahawakan ko sila.
Nang makarating ako sa 3rd floor ay nagulat ako nang biglang may babaeng tumakbo sa harapan ko at humawak sa window grills.
"WAAAAWWW! Ang ganda talaga ng view dito! ≧❀‿❀≦ "
Muntikan niya na akong mabangga, at matutumba pa sana ako kung hindi ako nakailag.
Tiningnan ko siya. Halatang manghang-mangha siya sa view sa 3rd floor, kaya hindi niya na siguro napansin na meron siyang nabangga. Tinuloy ko na lang ang paglalakad ko papunta sa classroom bitbit ang mga alaga ko.
......
Pagkaabot ko sa room namin ay napagpasyahan kong umakyat pa sa 4th floor para maibalik sila sa kulungan nila sa biology club. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa classroom at umupo sa upuan ko. Nagsimula nang magkumpulan ang mga kalaro ko.
Nang lumipas ang ilang minuto ay dumating na si Nathalie. Ang kaibigan kong nasaktan nung nakaraan. Base sa mukha niya ay halatang stressed na stressed siya. Mukhang hindi pa nga siya nakakuha ng enough na tulog kaya mas naging visible ang eyebags niya.
Pagkapasok na pagkapasok niya ay tiningnan niya kaagad si Christopher na nakayuko sa desk niya.
Nakita ko rin si Fatalis (pronounced as feytalis) na nakatingin kay Nathalie at pagkatapos ay kay Christopher. Hindi naman niya ito masyadong inisip at binaling ang tingin niya kay Danica na nagsasalita tungkol sa isang new student.
"Sabi ng mga kachika ko, kababata daw niya si Christopher!" sinisikap niyang ibulong sa amin pero rinig pa rin naman ang lahat ng sinasabi niya ng buong klase na palihim rin namang nakikinig dahil interesado rin sila.
"Atsaka, nature-lover daw siya!" dugtong pa niya.
Ahhh.... mukhang siya yung babaeng nakita ko kanina. Yung babaeng nakabangga sa'kin.
Obvious naman na nature-lover siya eh. Kanina para' siyang nakakita ng kayamanan nung maktia niya ang view mula ito sa 3rd floor. Gayunpaman, nakakacurious at exciting ang entrance niya dahil late na siya pumasok at may away pa si Nath at Chris.
Magagamit ko kaya ang mga taong tulad niya sa operasyon namin ngayon?
Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na si Sir Newton kaya nagsipagbalikan na kami sa mga upuan namin.
⌦ CLOUDIA'S POV ⌫
"Good Morning my dear students of Section-Cattleya!" masaya niyang pagbati. Halos patalon-talon pa siya habang naglalakad. Kung makakilos siya'y hindi mo aakalaing matanda na pala talaga siya.
Ang galing rin nito ni Sir Newton, everyday parang hindi nauubusan ng energy. :D
"Today... we have a new student!"
Here she comes... *^_^*
"New student! Lalaki po ba sir o babae?" tanong kagad ng mga babae.
"Sino kaya siya? Nakakacurious naman!"
"Hahaha! Sige, papasukin na natin siya. " binuksan na ni Sir Newton ang pintuan at pumasok ang isang babaeng may maikli at blondy-brown na buhok.
{MULTIMEDIA}.
"Ayy! Ang cute niya!"
"Wow ang ganda naman ni ate."
"CLASS! Tumahimik muna kayo!" sigaw ni Sir Newton nang umingay ang klase.
Sinenyasan ni Sir Newton si Krishna, tsaka ito nagsalita.
"God morgen (Good morning) Cattleya! Takk (Thank you)."
Good Morning, Thank you? Thank you ba dahil winelcome namin siya?
"Hva heter du? (What is your name?)" biglang nagtanong si Cloudia na nasa 3rd row.
"Jeg heter Krishna Bærøy, hyggelig å møte deg. (My name is Krishna Bærøy, pleased to meet you.)"
Wow. Marunong palang magsalita ng ibang lengwahe maliban sa english at tagalog si top 1 =.=
"Cloudia! Tanungin mo nga siya saan siya nagmula." request ni Martin na halos nakatayo na sa kinauupuan niya.
"Hvor er du fra? (Where are you from?)" muling tanong ni Cloudia.
"Jeg er fra Brønnøysund, Norway. (I'm from Brønnøysund, Norway)" mahinhing sagot niya.
"Snakker du engelsk?(Do you speak english?)" huling tanong ni Cloudia.
"Nakakapagsalita rin po ako ng tagalog." ngumiti siya.
(ノಠ益ಠ)ノ Kanina pa kami naoop sa paguusap nila tapos nakakapagtagalog naman pala siya!
"Nakakapagsalita ka naman pala ng tagalog! Ninonosebleed mo pa kami dito." mariing kinamot ni Martin ang ulo niya.
"Hmm... ngayon, saan ka kaya namin pauupuin?" kinakamot rin ni Sir Newton ang ulo niya pero gamit naman ang isang fountain pen habang naglilibot ng tingin sa room. Mayroon kasing mangilan-ngilang mga pwesto sa classroom na wala pang nakaupo.
"Ahmm Sir..." nagtaas ng kamay si Cloudia.
█║║█║▌║█║▌█║║█║▌║█║▌█║║█║▌║█║▌█║║█║▌║█║▌
Bakit nagtaas ng kamay si Cloudia?
May balak rin kaya siya kay Krishna?
Alamin sa susunod na part ... (っ◕‿◕)っ ♥
![](https://img.wattpad.com/cover/2521830-288-k41591.jpg)
BINABASA MO ANG
RCG : Decipher Love [DL] ⌨ (COMPLETED)
أدب المراهقينDecipher means to DECODE, interpret o figure out. Paano madedecode dito ang hidden love sa pagitan nila Nathalie Schwartz (codename: tinierme) at Christopher Erickson? ☜(*▽*)☞ Ano ang kinalaman ni Christopher sa nakaraan ni Nathalie? ☜(*▽*)☞ Sino...