Part 13 = Positive things to negative

368 12 2
                                    

July 04, 2011

Monday

6:39 am

Weather: Fair 

Location: Impecunious Institute of Caloocan (IIC)

Another week... ╯.╰ and today is monday. I hate mondays. Nakakatamad pumasok sa school lalo na ngayong wala naman akong gana. Naaalala ko lang ulit lahat ng nangyari last week.

*sigh

One month na rin pala since nakapasok ako sa Romantic Chatgroup. And since then, my life's saturation enhanced. Yun nga lang, lagi paring may bagyo. Tulad ngayon...

Hindi pa rin kasi ako makarecover. I feel so sad to think na yung taong pinagkakatiwalaan ko ang dahilan kung bakit ako naulila, nag-iisa at walang maasahang parents na kakalinga.

Inaamin kong there were a lot of times that I don't feel loved. But still, I do my best and pray to stop myself from having such thoughts.

Kasi, God loves me right?

Ang dami kong iniisip kagaya ng dati habang papunta ako sa classroom namin. Mabagal akong naglalakad. Ang bigat-bigat na ng bag ko dahil sa maraming books at wala akong locker, ang bigat-bigat pa ng loob ko. 

Meron pa bang hindi mabigat sakin?

*sigh

How depressing. 

Nasa likod ko pa naman si Christopher. Kaya lagi kaming nagkakatinginan within siguro mga 1-2 seconds? Tapos lalayo kaagad ako ng tingin.

Nang pumasok ako sa room ay marami na akong mga kaklase. Ang mga kabarkada ko'y magkakasama nanaman, at nakita kong nakapalibot kay Cloudia na may hawak-hawak na mga wistar rat. 

"Woww! Ang cute-cute naman nila!" tuwang-tuwang sabi ni Krishna na nasa gilid ni Cloudia at hinahawakan ang isang daga na kulay puti at pula ang mata. Marami pa akong narinig na pagpupuri sa mga daga na hawak ni Cloudia na tingin ko'y galing sa Biology Club. 

Cute na talaga sana eh. Kung wala lang yung buntot. -.-"

Habang nilalagay ko ang gamit ko sa upuan ko ay may napansin akong kung anong sumabit sa medyas ko. Tingin ko'y isa ito sa mga daga ni Cloudia. Hindi ako makagalaw dahil ang iniisip ko'y baka kagatin ako ng dagang 'to at magkarabies ako.

Wala pa naman akong perang pampagamot sa sarili ko!  T^T

Nang makita ng mga kaklase ko ang mukha ko, instead na tulungan ako ay pinagtawanan pa nila ako. 

Mga taong 'to! Hindi ba nila alam na pwede kong ikamatay 'tong maliit na dagang 'to?!

Sino bang nagpakawala dito at nakaabot 'to sakin?! 

»,« 

"*gulp A-alisin niyo...p-please. (>‘o’)> " nagmamakaawa na ako sa kanilang lahat. Pero hindi pa rin talaga nila ako tinutulungan. Hindi rin naman ako gumagalaw. Kahit kamay ko, ulo ko, hindi ko talaga ginagalaw. Kahit si Cloudia, ayaw nilang patulungin sa'kin! Pinapaupo lang nila ito everytime na susubukan niya akong puntahan. 

One wrong move is fatal. Sa dagang 'to nakasalalay ang buhay ko. 

(╥﹏╥) 

Nagtatawanan pa rin sila.

RCG : Decipher Love [DL] ⌨ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon