Lumipas muli ang isang linggo paulit ulit lang ang nangyayari at masaya naman. Masyado ng busy ang mga estudyante dahil papalapit na ang Christmas. Napaka ganda ng mga ilaw tuwing gabi sa iba't ibang lugar dito sa Maynila.
May mga christmas tree sa mga bayan o di kaya naman mga christmas lights na nakapalibot sa mga naglalakihang puno.
Kasabay pa ng malamig na simoy ng hangin damang dama na ang kapaskuhan. May mga street foods tuwing umaga pero kadalasan marami kapag gabi.
Papauwi na ako ngayon sa condo ko habang nakatingin sa daanan sakit na ata ito dahil traffic na naman palagi. Medyo may kadiliman na rin dahil mag gagabi na.
May mga nag sisimula ng mag prepare na mga sarili nilang mga pwesto. Habang ako ay hinihintay na umandar ang nasa unahan kong kotse. Dadaretso na sana ako sa daan papunta sa condo ko pero nag text ang aking ama.
Sa mansion daw ako mag dinner... napaisip ako bigla 'yung araw na pinakilala ko si Callix kay mom naging okay naman ang lahat.
Pero hindi ko pa ito napapakilala kay dad. Nag pupunta naman ako sa mansion mga isang beses sa isang linggo para makita at kamustahin sila pero I wonder how sinabi na kaya ni mom kay dad? Yung tungkol sa amin ni Callix kasi wala naman na babangit sa'kin si dad, e.
Siguro sa susunod na araw na lang. Nag tungo lang ako papuntang mansion. I sighed. Binuksan ni manang ang gate "Thank you po" I smiled.
Pumasok ako sa pinto at sinalubong ako ng aking ina. "Hi Tasha" saad nito. "Hello mom" sagot ko.
"The dinner is not yet cooked but you can wait, your dad is in the office" she smiled.
Tango lang ang isinagot ko dito. Nagtungo ako sa hagdanan para pumunta sa aking kwarto. Naglakad ako sa hallway hanggang sa narating ko ang aking kwarto na dito ako sa harapan ng pinto nakatayo kanina pa na parang may gumugulo sa aking isipan.
Hindi ko alam kung ano iyon "Am I overthinking?" I whispered.
Hinawakan ko ang door knob ng pintuan at dahan dahang pumasok sa loob. Pagkapasok ko bumungad sa'kin ang naka bukas na sliding glass door na may puting kurtina na dinadala ng hangin.
Pinindot ko ang switch para buksan ang mga ilaw. Pagkatapos nagpunta ako papunta sa sliding para isara dahil ang lamig na.
Pero bigla akong natigilan ng sumagi sa isip ko ang lahat ng alaala noong ako ay bata pa lamang. I used to play here and live like a princess pero may kasama iyong mapait na alaala.
Tumingin ako sa kalangitaan madilim na ang paligid kitang kita ko ang mga bituin na nag kikislapan tila ba parang may yumayakap sa'kin. "I missed you apo" boses ng isang babae ang narinig ko. "Lola?" mahina kong tanong.
Nag babadya ng tumulo ang luha sa aking mata. Reminisce many memories in my head. "I love you lola" muli kong sabi pero nawala na lang ulit bigla. Isinara ko ang sliding door at pabagsak na umupo sa aking kama.
Tiningnan ko ang kabuuan ng aking kwarto pinagmasdan ito. Hindi ito kalakihan pero may tamang sukat bawat bagay na nakalagay may queen size bed may picure frame sa gilid, may kulay puting closet, color beige na carpet sa sahig at kung anu-ano pa.
Naalala ko 'yung mga panahong highschool pa lamang ako ang lola ko palagi ang na diyan para sa'kin. Kapag may mga hindi pagkakaintindihan ako sa magulang ko siya lagi ang nag papatahan sa akin... pero ngayong college na ako sarili ko na lang.
Sarili ko na lang ang kasama ko.
Masaya ako pero masakit pa rin na wala na sila. It will always keep in my heart and life patuloy lang umaagos ang luha ko dapat kasi hindi na ako nagpunta pa dito sa bahay o sa kwarto ko na ito may mga alaala na hindi na dapat balikan.
YOU ARE READING
Pathway to Success (Chasing Series #1)
RomanceCOMPLETED "Love is unforeseen. How can I reach the success when I'm no longer without you? I hope the said paths of our success and love will cross again" Note: No portrayer intended and please read at your own risk because my characters are flawed.