Chapter 22

262 10 59
                                    

"Tatlong araw na akong hindi pumapasok" wala sa sarili kong sabi habang nakahilata sa unit.

Tiningnan ko ang cellphone ko ng makita na napaka daming message sa'kin ng mga kaibigan ko.

From: Dwyane

Ayos ka lang? Bakit hindi ka pumapasok?

From: Reina

Nag-aalala na ako sa'yo ha. Ang daming lesson kaya pumasok ka na diyan you need to catch up.

Napasapo ako sa aking noo na makita ang mga message nila, hindi ko na nga binuksan 'yung iba pa at baka abutin ako ng hapon kakabasa sa mga 'yon.

Nag-text ako kay Callix pero napaka tipid niyang mag reply ngayon. Alam naman namin ang kalagayan namin ngayon everything now is complicated. Kaunting pagkakamali mo lang ay may kalalagyan na epekto.

@ashalvarez: Ano gawa mo?

@callixrmrz: Studies, I'm busy.

Napairap na lang ako the nerve of this guy! Ang cold. Isang linggo na naman ang lumipas at tapos na ang palugit na binigay sa akin ni dad pero ito ako ngayon hindi ko parin maisip 'yung pipiliin ko.

Lumabas ako ng kwarto ko para humanap ng makakain binuksan ko ang refrigerator at kumuha ng Vanilla ice cream doon. Kumuha ako ng spoon at umupo sa may countertop. Sumubo ako ng isang kutsara at napasimangot habang kumkain.

"Ayaw ko munang pumasok. Magtatanong na lang ako kay Rei o kaya sa iba!" I convinced myself.

Umalis ako sa may countertop at iniwan doon ang kinakain nagtungo ako sa banyo para maligo. I removed my clothes at binuksan ang shower rumagsa sa akin ang malamig na daloy ng tubig. I feel like I'm stressed.

I sighed out of nowhere. Pagkatapos kong naligo ay nagbihis ako ng White Cami top at jeans. I decided to go in Bgc right now kahit ako lang magisa. Nag lagay ako ng make up dahil feeling ko ay tumanda ako ng sampung taon. I need to refresh.

Sinarado ko ang pintuan ng unit ko at umalis. Pag karating ko ay pumunta ako sa isang Italian restaurant at kumain. I love their food so much. After eating parang nahimasmasan ako nag shopping ako ng mga new clothes at iniabot sa cashier ang credit card.

Ayaw kasi ni Callix akong kitain, e. Ang dami din nung palusot. Nang ako ay wala ng magawa sa mall ay naupo lang ako sa bench habang pinagmamasadan ang mga tao na naglalakad. Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Sean sa 'di kalayuan.

Mukhang mag isa siya. Tatayo na sana ako para lapitan siya ng makita si Sean na hinawakan ang kamay ng kasama niyang babae. Teka?! Si Skye 'yon ah?

Sabi ko na nga ba, e. Parang may something sa kanila dati ko pa 'yon napapansin. This girl, may tinatago sa best friend niya napasimangot ako habang pinagmamasadan sila sa 'di kalayuan. Tumatawa tawa pa si Yanna napaka landi. I laughed silently.

Nang nawala na sila sa paningin ko ay napagdesisyonan ko ng umuwi. Lumabas ako ng mall para pumunta sa parking area. Binuksan ko ang sasakyan at pumasok.

Habang nasa daan pauwi ay napakunot ang noo ko dahil may tumatawag. Noong una ay hindi ko tiningnan ang name ng caller pero ng huminto ako saglit sa daan ay muntik na akong sumubsob sa unahan. Why dad is calling huh?

Again?! I'm tired hearing hurtful words. I shrugged and just answered it. "Yes, dad?" I said in the line.

"Pumunta ka ngayon sa mansion, hija" sabi niya gamit ang matigas na tono. Humigpit ang hawak ko sa cellphone at pinatay ang tawag nag tagis ang panga ko.

Mahigpit ang mga hawak ko sa manibela habang nag d-drive sa daan. Madilim ang tingin at matigas ang mga expresyon, nakatulala. Nang marating ko ang gate ng aming lugar ay itinigil ko ito sa labas at walang balak ipasok sa garahe ang sasakyan.

Pathway to Success (Chasing Series #1)Where stories live. Discover now