XVIII

1 1 1
                                    

"Puting Dugo"

"hala grabe naman"

"kaya pala di siya nagalaw kanina"

"akala ko natutulog lang"

"Sus Ginoo"

"patay nayan?bat walang dugo?"

"a-asan ang kaibigan ko?" nag-aalalang tanong ni Maria sa mga taong nagkukumpulan doon

nakita niya ang pulang jeep at nakita roon ang nakaupong dalagitang akala mo ay natutulog lang

maputla na ito

bigla nalang lumambot ang tuhod ng dalaga dahilan para mapaupo ito ganon nalang din ang pagkagulat ni Calven ng makita ang walang buhay na si Kaye na nasa loob ng jeep

napahawak ito sa kaniyang noo at hindi makapaniwala sa nangyare

biglang dumating ang ambulansiya pati narin ang mga Pulis

bigla nalang nilapitan ni Calven ang dalaga inalo-alo niya ito dahil panay ang hagulgol nito

"bat ka umiiyak nang ganiyan" tanong ng binata sa dalaga mahina lang ito upang di marinig ng ibang tao

napatingin sa kaniya si Maria

"a-anong pi-pinagsasabi mo" sabay iwas ng tingin

"tsk,wala kang alam dito?"bakas sa boses nito ang pagkainis at pagtataka

mas lalong naramdaman ng dalaga na galit ito ng maramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sa kaniya

"Cal,ano ba nasasaktan ako" mahina lang ang usapan nila upang walang makarinig

" sa oras na malaman kong may kinalaman ka dito,ako mismo ang papatay sayo" sabay bitaw kay Maria

napahagulgol nalang ito sabay non ang pagpatak ng malakas na ulan

Unti-unting nagsisilagasan ang dahon ng isang puno hudyat ito na malapit na itong mamatay o kaya naman bagong buhay para rito gayon paman may ibang pinipitas ito at kusang pinapatay

Dali-dali akong umuwi sa condo hindi ko pinansin kung naandon man si Laura o wala

kinuha ko agad ang aking mga gamit at inimpake ang mga ito

Alam ko na ang lahat

nandidiri ako sa sarili ko dahil ilang taon din ako nagpakain sa kasinungalingan

napansin ko ang pagpasok niya sa kwarto pero di ko siya kinibo at nagpatuloy lang ako sa pag-iimpake

"san ka pupunta? " naguguluhan nitong tanong

lumapit siya sa akin at pinigilan ako sa aking ginagawa

"Please Cal, mag-usap naman tayo" pagmamakaawa nito

"tabi" tipid kong sabi sa kaniya

"please Cal" ulit niyang pagmamakaawa

padabog kong itinapon ang aking mga gamit sa sahig dahilan para magulat siya

"hindi kaba nakakaintindi ayuko na nangdidiri ako dahil sa mga pinaggagagawa mo,akala mo ba maniniwala pa ako sayo huh Laura, potangena naman magising kana nga"habang magkabilaan kong hawak ang kaniyang braso at inalog-alog ito dahil sa gigil at galit

"bakit ba *sob* hindi nga ako si Laura *sob* ako nga to si Maria" hagulgol niya

"potangena, at hangggang kelan mo ii-insist na ikaw nga si Maria huh, pota! tama na Laura pagod na ako makipaglokohan" galit kong tugon sa kaniya

MARIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon