XII

0 1 0
                                    

"Salagimsim sa Akin"

Kay's P.O.V

Ilang araw ko ng napapansin ang bawat kilos ni Maria at ni isa don ibang-iba sa Mariang nakasanayan ko noon.

Alam kong galing siya sa aksidente at alam ko rin ma maapektuhan ang kaniyang memorya dahil sa pagkakauntog sa kaniya pero ilang buwan na pero bakit walang pag-babago sa kaniyang behavior

napatagilid ako sa aking kinahihigaan ngayon kaharap ko na si Maria na mahimbing na natutulog

"Maria" pabulong kong sambit habang pinagmamasdan ang mahimbing na mukha nito

"oh, you're still alive? " sabad ni Saima

lalapitan ko na sana sila dahil alam kong kawawa na naman si Maria sa grupo nito pero bigla akong napahinto ng bigla nalang nitong sinampal si Saima

"isa pa naririndi na ako sa bibig mo " maangas nitong iniwan ang grupo ni Saima

samatala si Saima di parin makapaniwala sa ginawa sa kaniya ni Maria kahit ako dahil kahit anong gigil pa ni Maria kay Saima hindi niya kayang pagbuhatan ito ng kamay

...

"hoyyy Maria, dito kana sa tabi ko" saad ko

"si Calven? " palinga-linga ito sa loob ng club

"andiyan lang yan, ano kaba di ka non ipagpapalit saka patay na patay kaya yon sayo" saad ko ulit

nagulat ako ng bigla nalang ito uminom ng alak na nasa table namin

sa gulat ko di ko maiwasan na mapatanong sa aking sarili at biglang nawala ang pagiging tipsy ko

maya-maya pa ay dumating na silang lahat

hinalikan ako ni Pleadis sa aking lips at hinapit ang aking bewang

"lasing kana huh"

"tipsy lang" timawanan ko siya

nakaupo na kaming lahat pero dahil sa kadaldalan ko kapag lasing di ko napigilan ang aking sarili

"alam mo It seems like you're not Maria" lasing kong sambit sa kaniya dahilan para patigilin ako ni Pleadis sa kakadaldal

"uhmm, ano ba babe nope, "pagpigil ko dito dahil tinatakpan ng kaniyang palad ang aking bibig

tiningnan ko muli siya

"you know what, Maria don't drink coz she hated the smells of alcohols pero ikaw grabe makalaklak kanina hahaha" patawa-tawa kong turan

natahimik ang lahat dahil sa sinabi ko

"guys, I'm so sorry my girlfriend is wasted na so see you tomorrow? " paalam nito sa mga kaibigan namin at binuhat niya akong pabridal carry papunta sa parking area

...

"ganda naman ng sulat mo" puri ng isa naming kasamahan sa dorm

nagtotoothbrush ako ng marinig ang usapan nila nagbibiro lang ang mga ito kaya naman pakamumog ko sinabayan ko ang biro nila

"future Doctor yan eh"

"ui, Kay mauna na ako sa school huh see you there nalang " paalam sakin ni Maria

"sige, ingat" sakto paglabas ko ng Cr ay wala narin siya sa loob

hinanap ko ang suklay ko kung asan pero nakita ko sa kaniyang higaan kaya naman kinuha ko ito pero aksidente kong nakita ang kaniyang notebook at tiningnan ang nasa loob non

laking gulat ko ng makita nag mga sulat roon

napakalinis at klarong klaro ibang-iba sa sulat kamay niya noon

Malalim akong napabuntong hininga dahil sa aking nalaman matutulog na sana ako ng bigla nalang tumunog ang aking cellphone kaya naman tiningnan ko ito

nagmisscall sakin si Pleadis

Baby💜
hey,bat gising pa?
sent 11:08 P.M

maya maya pa ay nakareceive agad ako ng text sa kaniya

from:baby💜

ikaw nga din ee, what bothers you?

sasabihin ko ba? o hindi na muna hahayaan ko nalang siguro na mapansin din nila ang ikinikilos ni Maria

kaya nagtipa nalang ako ng aking irereply ng biglang may magsalita na ikinagulat ko dahilan para mahulog sa mukha ko ang aking cellphone

"pucha! " gulat kong sambit at tumingin kung san galing ang boses si Maria ito habang nakahigang tagilid at nakatingin sa akin

"Maria ano ka ba,ginugulat mo ako eh" inis kong sambit dahil sa pagkagulat

"ang lalim kasi ng iniisip mo ,may problema ba?" malambing nitong sabi
tiningnan ko sya na para bang sinusuri ang bawat sulok ng muka nito tanging ilaw lang ng lampara ang nagiging liwanag para maaninag ang muka ng aking kaharap gayun din ako

"wala,nag iisip lang ako kung ano ang irereply ko sa text ni Pleadis"nakangiti kong sambit sa kaniya

"asus" napansin ko ang pagtayo niya di ko alam kung san ito pupunta

"san ka?" tanong ko sa kaniya

"kusina"tipid nitong sabi

" nauuhaw ako ee" at pumunta na ito sa kusina

minsan di ko maiwasan ang mapatanong dahil sa iba niyang kinikilos pero itong ngayon gawain niya talaga ito ang magising ng ganitong oras para uminom ng tubig di ko alam pero sabi niya sakin dati parang naging hobby niya na ang ganitong gawain

nginitian ko sya ng bumalik na ito sa kaniyang kama maya-maya pa ay nahiga narin

nakalimutan ko ng replyan si Pleadis

di ko namalayan na nakatulig nalang ako

Maria's P. O.V

"ohw hey bitch zup?" ani ni Saima na wala na namang magawa sa buhay kaya nilipasan ko ito sa corridor pero hinila niya ang aking braso dahilan para mapatigil at mapaharap sa kaniya

"Saima,pwede ba wala akong gana makipag-away" nakita ko itong nakangisi pati narin ang kasama niya

"ohw I'm scared, hey look hindi ko mapapalampas nag pananapak mo sakin kahapon" pataray nitong sabi

"buti nga sayo" mahina kong tugon sapat para ako lang ang makarinig

"what?may sinasabi ka?" inis nitong sambit

"wala" inalis ko ang kamay niya sa aking braso at iniwan sila para di na humaba ang gulo

"hey kinakausap kita," nag patuloy lang ako sa paglalakad

"akala mo ba di ko malalaman ang totoo huh"may paghahamon sa boses nito

napatigil ako at nilingon sya ano na naman kaya ang pinagsasabi ng babaeng to nahihibang na nga talaga ito kaya binalik ko ulit ang aking gawi at naglakad papalayo sa kaniya

"anong totoo? " sambit ko sa aking isipan ng makita na naman ang pagtatalo ng dalawa

MARIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon