XIX

1 1 1
                                    

"Labing mapagpanggap"

"iha, okie kalang ba? " tanong ni Aling Edna sa kaniya

pinunasan niya naman ang mga luhang kumawala sa kaniyang mga mata

"ah opo" mapait itong ngumiti sa matanda

"hindi ka okie, ano ba ang dahilan" tanong ng matanda sa kaniya

bigla niya nalang niyakap ito at sa balikat non ay doon siya umiyak

inalo naman siya ng matanda

"yong ba-babae po kanina" pagsisimula niya at bumaklas ito sa yakap sa matanda upang makaharap ito

"kakambal ko po yon " iyak nitong sabi

bakas sa mukha ng matanda na hindi ito nagulat sa tinuran niya bagkus nginitian lang siya nito

"kamukha mo nga" habang hinihimas himas nito ang kaniyang buhok

"gusto ko po sana siyang puntahan"

"bakit hindi"malamyos nitong tugon

"kaso yong mga trabaho ko po dito" pag-aalangan niyang tugon

"asus, ako na muna ang bahala at ako na din ang bahala na pagtakpan ka sa amo natin" sabi ng matanda na ikinatuwa niya naman

"salamat po aling Edna, di nyo po ako pinapabayaan" nakangiti niyang tugon dito

"walang anuman, alam mo na ba kung saan pupunta? "

"napuntahan ko narin po kasi yon nong isang araw kaso hindi ko po siya nakita" giit niya sa matanda

"oh siya sige basta kung may kailangan ka wag kang mahihiyang lumapit sa akin,maiwan na kita" pagpapaalam ng matanda

mapait siyang napangiti sa hangin habang inaalala ang nangyari noong isang araw

Inaabangan niya ang kaniyang kapatid na lumabas sa campus dahil hindi siya papapasukin ng guard dahil hindi siya nakauniporme at wala siyang I. d kaya naman nagbabaka sakali siyang antayin ang kapatid sa labas

minsan pasilip-silip pa siya sa labas ng gate
"baka nakauwe nayon" sabad niya sa kaniyang isipan

bigla siyang nagulat ng may braso na pumatong sa kaniyang balikat at hinalikan siya sa leeg

kumawala siya dito at hinarap ang lalaki nagulat siya sa inakto nito

"oh bakit? para ka naman nakakita ng multo" prente nitong sabi sabay ngiti

hinawakan ng lalaki ang kamay niya

"tara, kain tayo sa fav place mo? " pag-aaya sa kaniya ng binata

naguguluhan man ay nagpahila siya dito

nasa resto sila ngayon hindi niya parin maiwasang mapatingin sa binata

"bakit? may dumi ba ang mukha ko? " pagbibirong tanong ng binata sabay pacute sa kaniya

natawa naman siya sa inakto nito bago niya linga-lingahin ang paligid

dumating na ang order nila habang kumakain di maiwasan ng binata ang magtanong dahil nakagawian na nilang dalawa nag ganitong set up

"kamusta ang study? " tanong sa kaniya ng binatilyo

napaubo siya bigla at inayos rin ang sarili pinunasan ng lalaki gamit ng hintuturo nito ang labi niya

bigla siyang nahiya sa ginawa nito

MARIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon