XI

7 1 2
                                    

"Sino-sino sila"

Maria's P.O.V

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata inilibot ang aking paningin sa paligid.Medyo malabo pa ang aking mga nakikita pero unti-unti ay luminaw nadin.

Nagtama ang mga paningin namin ni Kay na halatang natutuwa sa aking paggising kaya naman nginitian ko din siya gayon din ang lalaking kasama niya si Marcos

"frenny!!" niyakap ako nito ng mahigpit dahilan para mapa-aray ako dahil sumasakit parin ang aking natamong sugat

"aray!" reklamo ko dito

"ay sorry,Mariaaa pinag-alala mo kami alam mo ba yon akala ko nong makita kita nong isang araw wala kana " nagsimula itong umiyak

"ano kaba buhay ako oh buhay na buhay si Maria" nginitian ko sya

"si Calven?" palinga-linga ko dahil di ko sya makita nagkatinginan ang dalawa na animo'y may gustong sabihin

"asan? " lito kong tanong sa dalawa

"ahh ehh nasa presento sila" sabi ni Marcos habang kumakamot sa noo

"huh?ba-bakit?" naguguluhan kong tanong sa dalawa

"kasi napaghilaan silang prime suspect sa nangyari sayo" kagat labing sabi ni Kay halatang nahihiya sa nangyare

"pe-pero ba-bakit at pano? "naguguluhan kong tugon

nagkatinginan muna ang dalawa bago nagsalitang muli si Kay

"long story Maria basta ang mahalaga maayos kana at isa pa tutal nagising ka naman na so maari nang makakuha ng impormasyos tungkol sa nangyari sayo at hindi sila dawit don" paliwanag nito na bakas parin sa mukha ang pag-aalala

"oo,teka bat pala sila?" taka ko ulit na tanong sa dalawa

"Pleadis? " saad ni Kay

Malalim akong napabuntong hininga dahil sa sinabi ni Kay may dalawang inosente sanang madadawit sa nangyare sakin kung sakaling napatay nga ako ng hayop nayon.

"whattt?No mali lahat ang akusasyon sakanilang dalawa wala silang kinalaman sa nangyari sa akin " Sa sinabi kong yon biglang nabuhayan ang mukha ng dalawa

"eh, sino? "sabay tanong ng dalawa

Umalis na ang lahat at ako nalang ang nasa loob ng kwarto pero may mga pulis parin na nakabantay sa labas ng kwarto.Baka daw tuluyan akong patayin dahil sa nalamang buhay pa ako at nandito sa hospital nagpapahinga

Malalim akong napabuntong hininga habang hinihimas ang tiyan na wala ng laman na bata

unti-unting tumulo ang aking luha sabay ng pagpunas ko ang pagpasok ni Calven

"maria" niyakap niya ako ng mahigpit halatang nangungulila siya sa akin

"C-calven,ang a-anak natin" mangiyak-ngiyak kong sabi sa kaniya

pinunasan niya ang aking luha at inalo-alo ako

isinandal niya ang kaniyang ulo sa aking noo habang nakakulong sa kaniyang palad ang aking pisnge

"sa-salamat naman at buhay ka"namumugto ang mga mata nito ng tingnan ko siya

"sshhhh,mahal kita tandaan mo yan kahit si kamatayan hindi tayo pwedeng ipaghiwalay" pinunasan ko ang mga luha na lumabas sa kaniyang maamong mukha

"hindi ko kaya na mawala ka" niyakap niya ako ng mahigpit

tanging hagulgol lang namin ang maririnig sa loob ng silid

MARIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon