XIV

2 1 0
                                    

"Maria"

Kay's P. O. V

"I'm just a little bit worried about your signature Ms. Natividad because as I observed magkaibang-magkaiba ang signature mo dito "

"ah, Madam pasensiya na po galing po ako sa aksidente na napuruhan ang aking ulo sana iconsider nyo naman po yon"

"I know, pero di lang yon ang napansin ko sayo kalawiti kana siguro di naman yon dala ng aksidente right? "

"ahm, kaya ko naman pong magsulat sa kanan, napagod lang po ako nong araw na nakita nyong nagkakalawiti ako"

"okie,if that's what you say so,pero sana wala kang tinatagong kasinungalingan,about your GWA please if you have a problem you can talk to me okie"

"hayst" buntong hininga ko

"tama si Pleadis I should not overthink myself about Maria"

habang nakahiga at nakatingin sa kisami biglang pumasok si Maria

"hoy, lutang ka sis" pagbibiro nito

napabalikwas ako at umupo sa kama ko habang tinititigan ng masinsinan ang kaniyang kilos

"oh tingin-tingin mo diyan? "

"wala, bawal? " maarte kong sagot sa kaniya na ikinatawa niya

"turuan mo nga ako dito "

ipinakita niya sakin ang kaniyang libro na maraming sulat ng lapis

"alin ba? "

"ito oh"

ipinaliwanag ko sa kaniya ito at nakuha niya naman kaagad ito ang ikinatutuwa ko kay Maria madali siyang matuto sa mga bagay-bagay

"luh teka " napatayo ako at ginagaya ang paghawak niya ng lapis

nakita ko sa mukha niya ang pagtataka dahilan para mapakunot ang kaniyang noo

"diba dynamic quadrupod ka kung magsulat bakit parehas na tayo humawak ng lapis? "

"alin ba ito? " ipinakita niya sakin kung pano siya magsulat

"eh sa ganito naman talaga ako magsulat "

"huh di ah" paglalaban ko sa kaniya

"oh sige ikaw na mas nakakakilala kay Maria"

natahimik ako sa sinabi niya

"sino kaba talaga? " wala sa sarili kong tanong

bigla nalang ako natauhan kaya ibabalik ko sana ang aking itinanong

"I... I mean..." utal kong tugon

"sometimes you need to kill your past in order for you to live" nginitian niya ako at bumalik na ito sa pagsusulat

natulala ako sa kaniyang tinuran dahilan upang kailanganin ko pang kumurap ng ilang ulit bago bumalik sa aking wisyo

maraming konteksto ang pwede mong mabuo dito ano ang tinutukoy niya? pag-iisip ko sa aking sarili

nginitian ko nalang siya para hindi niya mahalata ang iniakto ko sa at wala sa sariling bumalik sa kama

Maria's P. O. V

Gabi na ng aking namalayan nakababad ako sa laptop ni Calven dahil tinatapos ko ang proposal para sa isang requirement dito sa school.

tatayo na sana ako ng may kumalabog bigla dahilan para magulat ako

"ay buray! " napahawak ako sa aking dibdib

"may tao ba diyan? " walang sumagot kaya naman umalis na ako baka kung ano pa mangyari sa akin dito sa loob

MARIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon