VIII

7 1 2
                                    

"Sigaw sa katarungan"

Ilang oras palang ang lumipas ng mangyari ang karumal dumal na sinapit nina Maria at ng anak nito na nasa sinapupunan

ito ako ngayon di parin makapaniwala sa sinapit ng kaibigan ko pupunta ako sa presento para tingnan ang mga gamit na nakuha nong nangyari ang krimen

Isa yon sa mahahalagang bagay para malaman kung sino ang pumatay sa mag-ina

I leave a message for Calven saying that the investigation is on process and there's a new found that would be very helpful para malaman na kung sino ang suspect dahil sa mga finger prints nito.

Ako muna ako nag-aasikaso dahil alam kong shocked parin si Calven sa pagkawala ng mag-ina niya

Nakarating na ako ng presinto dali-dali kong tinungo ang kwarto kung saan naruruon ang mga armas na nahanap sa pagpatay

isa-isa ko itong kinilatis para masuri kong meron bang familiar dito pero wala hanggang sa mapinid ang aking mga mata sa martilyo na nasa gilid tinuro ko ito at napahawak sa bibig ng mamukaan kung saan ko ito nakita at sino ang nagmamay-ari

hi-hindi...

pa-paano at nagawa yon ni...

Pleadis? mahina kong sambit na halatang nacurios ang mga pulis sa aking sinabi at naalerto sa pagkabalisa ko

pulis:kilala nyo po ba kung kanino ito?Ms Ataseven? nakita namin ito sa di kalayuan malapit sa trahedyang naganap may kakilala ba kayong nag mamay ari nito?

gustuhin ko man sabihin pero pano kung magkapareho lang at isa pa bakit magagawa iyon ni Pleadis kay Maria alam niyang wala naman itong galit dito
ang nakapagtataka ay kung bakit may napuntang martilyong isa sa collection
ng binata

isa itong ibedensya para mapatunayan kung sino ang may sala pero pano niya sasabihin na si Pleadis ang may-ari ng martilyong ito ang taong kaniyang iniibig

kaibigan ko si Maria pero nalilito na ako kung ano ang dapat kong gawin

nagulat ako sa pagsulpot ni Calven napansin niya ang pag iyak ko kaya nilapitan niya ako at inalo habang nakasandal ang aking ulo sa kaniyang balikat ay aksidente kong nasagi ng aking kamay ang kaniyang braso naramdaman ko ang mainit na likido sa aking palad at ng makita ko ito nagulat nalang ako bago palang ito nakakasiguro ako

"a-ano yan,bat ka may sugat?" tanong ko sa kaniya ng bumaklas na ako ng pagkakayakap sa kaniya tiningnan niya ito at tinago ng manggas ng damit niya pero halata parin ito

"wa-wala," halata sa muka nito na may tinatago ito

kaya ganon nalang ang aking pagtaka nalilito ako sa aking mga nakikitang pweding maging ebidensya

pero pano at bakit? saad ko sa aking isipan na ngayon ay naguguluhan parin

"kilala ko ang may-ari nito" giit niya habang tinuturo ang kutsilyo sa gitna ng lamesa

bigla akong napatingin sa tinuturo niya pero hindi ko parin maalis sa aking isipan kung bakit siya nagkasugat

"sa mansion ng Buenaventura ang tanging meron niyan"pinakatitigan ko ang kaniyang muka at bakas don ang galit at pagpipigil niya sa nakita

"i-ibig mong sabihin kay Don Alfredo?sa-sa iyong ama?!" mas lalo akong nalito

tumango lamang ito tanda ng pagsang ayon

"customize knife to na may initial na A. B" giit ni Calven

"potangina! pagbabayaran nila ang ginawa nila sa mag-ina ko" pagalit nitong tugon at bigla nalang umalis

"Calven! " tanging sigaw ko ng makaalis ito para sana pigilan siya

hindi ko parin mapagdikit dikit ang mga nalalaman ko ngayon basta ang alam ko di kaya isa sa kanila ang suspect sa pagpatay kay Maria?...

Beat.

Dec 2, 2010

4:30 P.M

Suspek II

Alfredo Buenaventura

pulis:pasensya na po sa abala maari ka po ba naming imbetahan sa presento?nais lang sana namin makakalap ng mga ebidensya hinggil sa nangyari kay Ms. Natividad

bakas sa muka ng matanda ang pagkagulat gayon paman umayaw ito sa imbitasyon ng mga kapulisan

"wala akong alam,makakaalis na kayo"may Awtoridad sa boses nito

pulis:may nakapagsabi po kasi sa amin na pinagbantaan nyo daw na patayin si Ms Natividad kaya nais po sana namin makuha ang statement nyo hinggil dito wala naman mawawala kung makipag kooperasyon kayo sa amin kung talagang hindi kayo nasasakdal

walang magawa ang matanda kaya kahit ayaw naman nito ay sumama ito dito gaya ng naunang nagtestemonya iginigiit din nito na wala syang ideya sa krimeng nangyari

"Oo ako nga ang ama ng kasintahan ng aking anak na sinasabi nyong pinatay ko pero wala akong kinalaman isa akong Mayor at bakit ko dudungisan ang aking pangalan dahil lang sa ayaw ko sa babaeng yon"

"OO! ayaw ko kay Maria dahil isa syang dukha at pobre ayaw ko mabahiran ng dungis ang aming pangalan dahil ang anak ko pumatol sa isang taong pobre kaya pinalayas ko silang dalawa sa aking pamamahay at itinakwil ko ang sarili kong anak dahil itinakwil din niya ako bilang ama dahil lang sa babaeng yon. "

"Oo makapangyarihan ako pero di pumasok sa aking isipan na pagtangkaan ang buhay ng kasintahan ng anak ko kahit paman na inilayo ng babaeng yon ang loob ng anak ko saming pamilya niya.Wala po talaga akong kasalanan inosente ako di ko magagawa ang ganoong karumal dumal na krimen"paliwanag nitong sabi at maluha-luha narin sa bawat paliwanag na binibitawan nito

pulis:ito diba sa inyo ito? pinakita ng pulis ang kutsilyong hawak nito at nagulat nalang ang matanda at nadismaya sa nakita halata ang pagkagulat sa mukha nito

pulis:sa inyo ito hindi hoh ba?

hindi nakapagsalita ang matanda at bigla itong napahawak sa kaniyang dibdib halatang nahihirapan sa paghinga kaya inalalayan ito ng mga kapulisan at idinala sa malapit na hospital

wala pa mang kongretong ibidensya pero paunti-unti narin lumilinaw sa kapulisan ang lahat na maaring may kinalaman nga talaga si Don Alfredo Buenaventura sa pagpaslang sa dalagita

gayon paman maraming pumapasok sa isipan ni Kay at isa lang ang alam niya na hindi alam ng mga awtoridad at kailangan nila itong malaman.

Kay's P.O.V

Agad kong tinawagan si Pleadis dahil gusto ko itong makausap para maliwanagan dahil di ko na alam kung saan ako maniniwala kaya mabuti pang itanong ko ito sa kaniya at least may chance na umamin sya sakin dahil Girlfriend niya ako

nakita ko syang busy kakapindot ng phone niya di ata nito namalayan ang presensya ko kaya tumikhim ako para mapagawi sya sa akin

"zup" habang busy parin sa ginagawa nito

"gusto ko sanang malaman kung nasan ka no-nong araw na may nangyare kay-kay Maria?" pautal-utal kong sambit bigla nalang itong napatigil sa ginagawa at tiningnan ako ng matalim at nakita ko kung pano umigting ang panga niya halatang nagalit ito sa sinabi ko dahilan para hawakan niya ako sa aking braso ng mahigpit

"tingin mo may kinalaman ako?" mahina pero may diin sa bawat salita nito at halata ang panggigigil

"ba-bakit nagtatanong lang naman ako e,teka Pleadis nasasaktan ako" doon binitawan niya ang aking braso pero bakas doon ang higpit ng kapit niya

pareho kaming napalingon ng may marinig kaming tumawag sa kaniya

"Mr.Valentin?" pareho rin kaming nagkatitigan ng makita ang pulis sa harapan namin

hindi na nito inantay na magsalita pa ang pulis at kusa na itong sumama
gayon din sya dahil gusto niya marinig ang bawat paliwanag nito

nasa prisento na kami ng makita rin namin na naandon si Calven halatang may inaantay ito tumayo ito ng makitang papalapit kami sa kaniyang gawi

Malalaman na kaya kung sino ang suspek?

MARIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon