XXII

0 1 2
                                    

"Mga mapagpanggap na Salita"

Bigla ko nalang naramdaman ang pagluwag ng hawak sa akin ni Pleadis dahilan para tignan ko siya napansin ko nalang ang pagsuka nito ng dugo at unti-unting paghandusay ng katawan pababa

nakita ko si Laura na nakatayo habang hawak-hawak ang bibig niya

puno ng dugo ang kamay nito nakita ko rin ang bakal sa tabi niya na puno ng dugo bago ko tinignang muli ang nakahandusay na katawan ni Pleadis

napaluha nalang ako sa nakita subalit ganon paman laking pasasalamat ko kay Laura dahil baka tinuluyan na ako ni Pleadis kung sakali subalit ayukong humantong sa ganito kaibigan ko parin siya kahit papaano

"wa-wala na akong maisip na ibang paraan" paliwanag nya bakas ang takot sa kaniya dahil garalgal na ang boses nito

"gawain mo ba talaga to?"sarkastiko kong tanong sa kaniya habang di ko maalis ang mga mata ko dito

"wa-wala..." pagmamaangmaangan niya kahit alam ko naman ang totoo

"potangena,Laura sinabi mo na yong ginawa mo kay Maria diba" pagalit kong sabi sa kaniya

dahilan para magulat siya at maiyak sa takot

"oo *sob pero hindi ko sinasabing ako ang pumatay sa kanilang lahat *sob" paliwanag nito habang pinupunasan ang luha

"tsk,hanggang kelan ka magsisinungaling ba?

"dahil yon yong totoo" sigaw niyang sabi

"dahil ang totoo..." sabay punas niya ulit ng mga luhang kumawala sa kaniyang maamong mukha

hindi ko maiwasang makita sa kaniya si Maria dahil sa pareho nilang imahe subalit sa tuwing naalala ko ang kalapastangan niyang ginawa dito naiinis ako at gusto ko siyang patayin sa galit

"ang toto niyan ikaw..." hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil mas napapangunahan siya ng kaniyang emosyon kaya nahihirapan siyang magsalita dala ng kakaiyak

"i-ikaw " pinagmasdan niya ako na para bang naaawa siya sa akin na natatakot hindi ko mabasa ang emosyon niya

hinawakan ko ang kaniyang bisig

"ano!?" pagalit kong tanong sa kaniya subalit yumuko lang siya at umiling-iling

"anong ako?potangena Laura pinaglalaruan mo ba ako?" mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kaniya

"ikaw ang pumatay sa kanila" biglang tumahimik ang paligid tanging ingay lang ng mga insekto ang siyang maririnig mas lalo pang lumakas ang hagulgol nito

wala ako sa sariling napatawa sa tinuran niya

"ano?,ako ang pumatay sa kanila?"matawa-tawa kong sambit sa kaniya

kahit kailan hindi ko makukuhang paslangin ang mga kaibigan ko sambit ko sa aking isipan

"baliw kana,at kung ano-ano ang mga pinagsasabi mo" turan ko sa kaniya

mas lalong tumindi ang luhang nagsisilabasan sa mata ni Laura hindi ko mapigilan pero bigla ko nalang pinisil ng aking kamay ang kaniyang pisngi

"wala kang karapatan na lapastanganan ang pangalan ko sa bagay na ikaw naman talaga ang gumawa" galit kong sambit sa kaniya

"na-nasa-nasasaktan ako" pagpipigil niya sa ginagawa ko

sabay bitaw ko dito

"alam kong malabo mong maalala,pero wala akong alam" pagpupumilit nitong sambit

"pwede ba tama na ano pa bang kasinungalingan ang gusto mo pang sabihin sakin? galit kong tanong sa kaniya

"dahil yon naman talaga ang totoo,oo nakapatay ako pero hindi ibig sabihin non ako na ang pumatay sa kanilang lahat" paliwanag nito habang pinupunasan ang mga luhang kumawala sa kaniya

MARIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon