Hello I'm drew,girlash ako twenty from the capital city of the Pilipinas,Manila,laki ako dito at buhay manilenia ang kinalakihan ko,kaya pag mga roadtrips sa ibat ibang probinsya go ako,syempre bago ako maka gora todo paalam muna ako sa parents ko medyo strict kase sila,sakitin kase ang lola nyo mga teh,hindi ako makaka alis ng bahay kung wala akong kasamang aso este chaperone pala,ang kapatid ko actually kakambal ko siya si xander,pareho kaming nasa ikatlong taon sa college taking up medicine,ow yes kaming dalawa ang nag tatake non sa magkaibang schools sa manila sa kagustuhan na rin ng aming mudang at pudang,pero nang magkaroon ng problema si xander sa school na pinapasukan niya ay nag transfer siya sa school namin,magkaiba kami ng section kaya bihira lang din kaming magkita,pero close naman kami ng kambal ko,di nga lang alam ng nakararami na kapatid ko siya dahil na rin sa kagustihan niya,baka daw kase masira ang magandang image ko pag nagpakilala kami na kambal,medyo basagulero kasi ang twinnie ko kaya ganern.Aaminin ko medyo challenging ang course na kinuha namin,pero carry naman,sa katunayan nga I'm one of the popular students sa school dahil na din siguro sa mga kalokohan at pagiging achiever ko.by the way high way sa hinaba haba ng buhay ko sa school dumating na uli ang araw na pinaka hihintay ko,ang bakasyon.
Nakaplano na kami ng vacation trip ng mga friends ko sa isang malayong isla sa cebu ang Mariniares,hindi masyadong popular ang lugar.Pero ayon sa research namin ay maganda ang lugar na iyon sagana sa lamang dagat at ibat ibang pasyalan kaya iyon ang napili naming pagbakasyunan,nakapag paalam na din ako kay mader at pader dear at as usual kasama ko nanaman ang kakambal ko na speaking of the devil ay kadarating lang at base sa nadidinig kong sermon ni pudra ay napasabak nanaman sa suntukan.
Bumaba ako at pinakinggan ang nangyari.
"Dad sinasabi ko na sa iyo na binabastos nila si drew at sila ang nauna dahil akala nila ay boyfriend ako ni drew."ani xander.
"Ilang beses ko na ding sinasabi sayo na huwag mo nang patulan,atsaka sana nagpakilala kang kambal kayo,ikaw lang naman ang may gustong huwag malaman ng ibang tao na related kayo diba,tingnan mo ngayon ang nangyari sayo."ani daddy.
"At ano dad pag nasira si drew sa school dahil sakin magagalit ka pa din."ani xander.
"Sa palagay mo anong ginagawa mo ngayon."ani daddy.
"Nemecio,hayaan mo na ang anak mo,nauna naman pala ang mga nang away sa kanya."ani mommy.
"at ano linda,kukunsintihin mo nanaman ang anak mo?kaya lumalaki ang ulo nito eh."ani daddy.
Sa pagkakataong iyon ay nagpasya na akong lumapit,dahil hindi matatapos ang panenermon ni daddy sa kakambal ko,mabait si xander hindi siya iyong tulad ng iba na mag wo walkout sa sermon ng magulang kaya kailangan talagang pigilan si daddy para matahimik na lahat.
"Ahm daddy ang wringkles oh lumalabas.galit ka na naman."ani ko.
"itong kakambal mo napaaway nanaman."ani daddy.
"dad pinagtanggol nya lang naman ako,saka isa pa bastos naman talaga ang grupo nina rudie bagay nga sa kaniya ang name niya."ani ko.
"Isa ka pa,kinukunsinti mo din ang kakambal mo,huwag mo nang ipagtanggol iyan kung ayaw mong sa bahay ka lang buong bakasyon."ani daddy.
"Ay ikaw naman kasi kuya alexander,bakit naman kasi ang tigas ng tigas ng kamao mo nakabasag ka nanaman tuloy ng mukha,uli uli umiwas ka na lang,halika na nga at nang magamot ko iyan."hila ko sa kakambal ko.
Nang kami na lang ay natatawa akong humarap sa kaniya dahil busangot ang mukha niya.
"Chill iniligtas lang kita,at tge same time iniligtas ko din ang bakasyon grande natin,kung matetengga tayo sa bahay dahil sa kamao mo nako kuya mamamatay ako."ani ko.
"Yung mga kaklase mo kase ate,hindi na ko tinigilan,di ka.naman ganon kaganda para pag agawan nila."aniya.
Binato ko siya ng unan na ikinatawa niya.
"Hoy alalahanin mo kambal tayo kaya kung hindi ako maganda,edi hindi ka din gwapo."ani ko.
"madami ding naghahabol sa akin no,idagdag pa ang bad boy looks ko."ani alex na nag mwestra pa ng pogi sign.
"ode mana ka lang sakin."ani ko.
cesarean si mama noong ipanganak kami kaya ipinagpalagay namin na sabay talaga kaming kinuha sa tiyan ni mama kaya kuya ang tawag ko sa kaniya at ate ang tawag niya sa akin.
MAgsasalita pa sana siya ng mag ring ang cp ko,si jean ang bestfriend ko ang tumatawag.
"Girl next week na ang alis natin papuntang cebu,na settle ko na lahat ng mga kailangang i settle,nakapag paalam na ba kayo?" aniya.
"Ow yes,sino sino ba tayo?"tanong ko.
"ako,ikaw,xander,gia,donna,glen,dave,romina at sina rudie,bill at justin."ani jean.
"Huh kasama iyong mga yon."gulat na ani ko at napasulyap sa kakambal ko.
"Oo ininvite sila nina donna at gia alam mo naman ang mga friends nating iyon patay na patay sa tatlong moron na yun."ani jean.
Nang maibaba ang tawag ay sinabi ko kay xander ang tungkol sa pagsama nina rudie,ayaw na sana niyang tumuloy ngunit napapayag ko din dahil sa pagpapa cute ko,hays bukas na bukas sasabihin ko na talaga sa lahat na si xander ay kakambal ko.
YOU ARE READING
CARNIVAL OF DEATH
HorrorIsang grupo ng medical students ang nagbakasyon sa isang malayo at tagong isla sa Cebu,upang mag saya at mag hanap ng panibagong adventure at saya,ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay isang nakapangingilabot na trahedya ang babago sa buhay nila...