Nang gabing iyon ay nag umpisa na ang party,hindi ako nakapag enjoy dahil na rin sa presence ni Rudie,naasar talaga ako sa kanya sa mga tingin nya at sa barkada nyang malakas mang asar.
"Sissy anong drama mo,bakit pa senti senti ka dyan?"tanong ni Donna.
"Pano ba naman mag eenjoy yan andyan ang presence nung morons.Ininvite invite pa kasi" ani jean.
"Im sorry." ani donna at gia.
"Drew naman kasi,oo alam namin na obsess sayo si rudie madami siyang kalokohan pero he's just a typical boy next door na pasaway but he's a gentleman,mala dao ming si."ani gia kumikinang kinang pa ang mata.
"Dao ming si Dao ming si ka dyan,walang ganon girl gising gising ,di ka si san chai."ani kong kinatok pa ang ulo ni gia.
"Hi Girls,ate may nag hahanap sayo,sya daw may ari ng villa." ani xander,sa nadinig ko ay bigla akong sumigla.
"Oh hi greco,anong ginagawa mo dito?" nakangiting bati ko sa kanya.
"Im just roaming around nang nakita ko na nagkaka siyahan kayo kaya nagpasya akong lumapit at magpakilala." ani greco.
"Uhm guys this is greco,greco this is gia,romina,glen,dave,jean,donna,bill,justin,rudie at ang kakambal ko.si xander."pakilala ko sa mga kaibigan ko.
Sabay sabay din silang bumati dito at makikitang muli sa mukha ni rudie na hindi niya gusto ang bagong dating,well manigas siya at mainis sa buong ng party,basta ako masaya na kasama si crushie.
"Uhm guys sya yong may ari ng villa na tinutuluyan natin."ani ko.
"Ah ikaw pala ang kaibigan ni kuya lucas." ani jean na ang tinutukoy ay ang kapatid niya.
"Actually nakilala ko lang siya dahil sa isang mutual friend na dumalo sa exhibit ko,last year."ani greco.
"artist ka pala,sayo yung mga paintings sa villa?"tanong ko.
"Yup." aniya.
"wow galing mo naman buhay na buhay ang obra mo especially the red one,para akong kinakausap." ani ko.
"oh the red hole.lumalaki naman ang ulo ko sa papuri ng magandang tulad mo."ani greco.
Kinilig ang lola nyo mga besh,maganda daw ako.Nang mapasulyap akong muli kay rudie ay lalong nagdilim ang mukha nito,maski ata ang.magaling na pintor ay di kakayaning ipinta ito,lihim akong napangiti,buti nga sayo.
"Wala.akong tiwala sa kanya ate." ani xander.
"Kay rudie?"ani ko.
"Nope,kay Gecko."ani xander.
"Bakit naman?mabait naman sya ah."ani ko
"Basta may iba akong pakiramdam sa kanya." ani xander.
"Kuya naman greco kase ,minsan na nga lang ako magka crush mainit pa dugo mo,chill,uminom ka oh."ani ko sabay abot ng beer.
Nang mapasulyap ako sa mga kaibigan ko ay masaya din silang kakwentuhan ni greco,maliban sa grupo nina rudie.
"See kasundo siya ng mga friends natin." ani ko.
Buong gabing wala kaming ginawa kundi mag saya at mag swimming,nawala na ang grupo sa paningin ko bago pa man matapos ang kasiyahan namin.
Alas kwatro ng umaga nang maisipan naming magsitulog na,may araw pa.mamaya para gumawa ng mga activities.
Alas tres ng hapon ng maisipan naming mag snorkling,tuwang tuwa kami sa mga lamang dagat na nakita namin,nangisda din kami at nanghuli ng alimango at lobsters,syempre nasa tabi ko pa din si grecko,kaya puno kami ng kantyaw sa mga kaibigan ko.
Masaya din kaming nag hapunan,ang sasarap ng luto sa mga nahuli naming lamang dagat,si grecko nagluto,di na din sumabay sa amin sina rudie,OP sila pero wala akong pakialam.
"Bukas mag roadtrip naman tayo madami daw galaang lugar dito.tamang tama sa mga video blog ko." ani glen.
"Sure invite ko si grecko."ani ko.
"Ate wag na,kami naman muna ang pansinin mo at huwag si Gecko."ani xander.
"Ayy selos si twin bro.Ibigay mo na sa akin to please."ani ko.
"Sure pero di na ako sasama."ani xander.
"Anubayan kuya ang kj mo naman."ani ko.
"Hindi ako kj,hindi mo ba nakikita na na out of place na sina rudie satin?kasama natin sila ate."ani xander.
"Wow kelan pa kayo naging friends,diba may atraso sila sayo."ani ko.
"Nang hingi na sila ng pasensya sakin kaya ok na iyon nakikita ko naman ang sincerity nila."ani xander.
"Hep guys,huwag na kayo mag away,Drew siguro invite mo na lang din sina rudie para di na sila ma Op."ani dave.
"no way,di ko sila iinvite."ani ko.
"alexandra,sumpong nanaman ang kamalditahan mo,di ba pwedeng bigyan mo ng isa pang pagkakataon ang mga tao?"ani xander.
"Ayoko!!!"ani ko.
Sa mga away namin iyon no xander ay sina jean dave at glen lang ang sanay dahil sila ang matagal na naming kakilala,sina romina,gia, at donna ay ngayong taon lang namin nakilala at naging kaibigan,kaya di sila makapag salita kahit na kita ko sa kanila na may gustong sabihin.
"Kung ganoon,bahala ka na,basta wala akong tiwala sa Gecko na yon at alam ko na ganoon din ang mga kasamaham natin."ani xander na umalis na.
"Hayyyy kainis!!!"ani ko.
"Girl may point si xander,hindi dapat ma op ang mga kasama natin,besides mas gusto naman natin na idiscover ang mga lugar na ginagalaan natin ng walang guide kundi map diba."ani jean.
Hindi ko na alam ang sasabihin ko.kaya natahimik na lang ako sa sobrang inis,minsan na nga lang ako magkagusto against pa mga kaibigan at kakambal ko kainis.
YOU ARE READING
CARNIVAL OF DEATH
HorreurIsang grupo ng medical students ang nagbakasyon sa isang malayo at tagong isla sa Cebu,upang mag saya at mag hanap ng panibagong adventure at saya,ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay isang nakapangingilabot na trahedya ang babago sa buhay nila...