Jean

1 0 0
                                    

"Simple lang drew,ayokong mawala ang islang ito."ani jean,inihagis niya ang kandila at posporo sa labas ng simbahan kung saan naroroon sina grecko.
"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko sa kanya.
"Ilang taon na ang nakakaraan noong magpasya ang mga magulang ko para mamuhay sa maynila,nang galing sila dito sa isla,isang araw bago ang pista ay kinailangan na naming umalis kaagad dahil sa banta ng namumuong sama ng panahon sa darating na linggong iyon,hindi kami naka dalo sa pista na ilang taong pinaghandaan ni lolo adolfo,hanggang sa nabalitaan na lang namin ang isang masamang balita,nagka tsunami sa lugar kung saan daang daang residente ang nasawi,kabilang na si lolo adolfo,tito grecko at tito zandro,nakababatang kapatid ni papa si tito grecko at dahil sila na lang ang natitira dahil namatay na din ang mga magulang ay hindi matanggap ni papa ang sinapit ng kapatid nya,ilang buwan siyang di nagsalita,di lumabas ng bahay at kadalasan umiiyak,Nahihirapan si mama sa sitwasyong nakikita nya kay papa kaya nang may nakapag sabi sa kanya na lumapit sa isang espiritista ay agad niyang tinalima ito.Ang sabi ng espiritista ay hindi matanggap ng mga tao ang sinapit nila kaya may itinuro sa kanyang isang ritwal nadadasalin nya sa darating noong unang byernes ng buwan na iyon,at kabilugan sa eksaktong paglabas ng bilog na buwan ay muling nanumbalik ang buhay na kinuha ng malagim na pangyayaring iyon,muling sumigla at nagkaganang mabuhay ang aking papa kaya naman sa nakikita kong kasiyahan niya ay wala na lang sa akin kung may mamamatay na iba para lang mabubay pa sina tito grecko,at ito nga dinala ko kayo sa paraiso ng pamilya namin."ani jean,Ngayon ay maliwanag nang lahat sa akin kung bakit si jean ang laging nag aasikaso ng mga lakad namin tulad nitong huli.
"pero kaibigan mo kami jean." ani ko.
"Mas matimbang ang dugo kaysa kaibigan lang." ani jean.
"lintek ka jean,dapat ikaw na lang ang namatay." ani xander.
"kaso nakaligtas ako kaya kayo ang papatayin ko." ani jean na iniumang ang baril.
Natigilan kami ng mga kaibigan ko,hindi ko na alam ang gagawin ko gulong gulo na ako nang may makita akong maliwanag sa pinakang altar ng simbahan.Tila di iyon nakikita ni jean kaya muli ko itong tiningnan.
"Lumapit ka sa sentro ng mesa sa pinakang ilalim ay may maliit na kahon buksan mo ito at doon mo makikita ang iniingatang mga gamit sa simbahan." ani ng boses ni lola anita.
Naging alisto ako at muling nilingon si jean palapit na siya sa amin habang kami ay umuurong papunta sa pinaka taas na altar ng simbahan,tamang tama ang pagkakataon ko na para makarating sa taas ng altar kung saan naroon ang kahon na sinasabi ni lola anita.
"Wala na kayong kawala,any last words friends?" nakangising ani jean.
Nang umalingawngaw ang isang putok sa simbahan ay agad na nabaling ang pansin ni jean dito,kaya nagkaroon ng pagkakataon sina xander na agawin sa kanya ang baril.
Agad ko nang niyuko ang ilalim ng mesa kung saan nakita ko nga ang isang maliit na kahon kinuha ko ito at agad na binuksan,nakita ko agad ang kandila at posporo na sa sobrang kalumaan ay imposible na atang masindihan,ngunit pinagbaka sakali kong muli.
"Ngayon mo sabihin ang mga sinasabi mo kanina jean."ani dave habang hawak at nakatutok kay jean ang baril.
"P-parang awa nyo na ayokong mawala sina tito grecko,ang papa ko ma dedepress nanaman sya."ani jean.
"Wala kaming pakialam."ani dave.
"Mga hayop kayoo."ani jean na muling sumugod.
Habang pinipilit ko nang masindihan ang posporo ay nagulat ako sa muling pag alingawbgaw ng putok na nakapag pabagsak kay jean,duguan ito.
"Ako na pre,mas.asintado ako kaysa sayo."ani rudie na may hawak ng baril habang nakahiga sa gitnang bahagi ng simbahan.
"mamamatay ka na lang ang yabang mo paren."ani dave na inalalayan ito patayo.
"Naroon pa din yung tatlong ulupong sa labas,di makapasok dahil mas demonyo pa sa akin."ani rudie.
Nang masindihan ang kandila ay agad naming isinagawa ang mga dapat gawin,pinili kong tingnan sina grecko sa.labas ng simbahan habang susunugin nina xander ang painting na sinasabing portal na binasbasan ng esporitista para mapabalik ang mga kaluluwa ng mga itong namatay na.
"Magbabayad ka ng mahal drew,mabubuhay ka ng mag isa buong buhay mo."ani grecko.
Nagpaputok pa ng baril si zandro ngunit tila may di nakikitang harang ang pumigil sa bala kaya di tumagos sa simbahan.
Saka sila parang naging usok na humalo sa hangin,ang tanging madirinig mo na lang ay ang kanilang sigaw,hanggang sa itoy mawala nang parang bula.Saka tumunog ang orasan na nagsisilbing orasan ng lahat sa isla,alas dose na ng hatinggabi,ang magandang tanawin ng isla ay napalitan ng sira sirang mga kagamitan,nang puntahan namin ang villa ay naroon ang mga kwartong inookupa namin ngunit sira sira na din ang mga ito sira na ang buong villa kaya nagmistulang tabi tabi lang ang aming mga kama.
"Tapos na,kailangan na lang natin na makaalis dito,uuwi na tayo."ani xander.
Agad kaming tumalima at nagpunta kung saan naroon ang bangkang ipibakita ni lola anita kanina.
Paalis na kami ng makarinig kami ng isang napakalakas na ugong at sa isang iglap ay nilamon kamo ng malaking alon.isa lang ang natamo sa isip ko noong nga oras na iyon.May tsunami nanaman.
"Huwag kayong bibitaw."ani xander na agad akong dinikitan,ganun din ang ginawa nina glen at dave,pinagitnaan nila kami ni rudie mahigpit ang naging yakap nila da amin,habang akoy nada pinakang gitna ay nararamdaman ko ang sakit ng pagtama ng kung ano anong mga bagay sa amin.Nag alala ako para sa mga kasama ko kaya nang may makitang mataas na lugar ay pinilit naming makasampa doon.
Nakahinga kami ng maluwag habang pinapanood ang muking paglamon nf alon sa isla mariniares.
"Paano na tayo?wala na ang bangka.?"tanong ko sa kanila.
"May nakita pa akong bangka sa banda roon noong pauwi tayo galing sa carnival,baka iyon ay hindi nasalanta ng tsunami."ani glen.
Ilang sandali pa ay unti unting huminahon ang dagat,kaya wala na din kaming inaksayang oras hinanap.namin ang bangka at tama si glen,di nga ito nasalanta.
"Pwede na sigiro akong manligaw,bugbog na bugbog na ako mapatunayan lang ang pagmamahal sayo."tumatawang ani rudie,naroon na kami sa bangka at unti unting lumalayo sa isla nang mga oras na iyon.
"Hmm pag isipan ko."ani ko.

CARNIVAL OF DEATHWhere stories live. Discover now