"Sinasabi nyo na si Adolfo Garcia ang mayor na nagpakilala sa inyo?"tanong ni zandro bautista ang pulis na kasama ni grecko na sumundo sa amin.
"Oo siya nga,naroon din si lola anita,ang matandang kausap ko noong isang araw."ani ko.
"Paanong mangyayari na kausap nyo si Adolfo Garcia? Sampung taon nang patay ang lolo ko,ang dating mayor sa bayan na ito."ani grecko.
Muli kaming nagulat sa mga nalaman namin.
"Tanungin nyo si lola anita,siya ang makapagpapatunay na totoo ang sinasabi namin."ani jean.
"Aaminin ko noong buhay pa ang lolo ko ay uso talaga ang carnival sa amin,ngunit nang misteryoso siyang mamatay sa huling carnival na itinayo dito ay di na muling pinatayuan pa ng carnival ang isla sa tuwing magpipista."ani grecko.
"Ang magtitinda ng karne at gulay sa palengke titig na titig siya sa akin,di ko maaring malimutan ang itsura niya at ang cashier sa binilhan kong minimart andon sila,nakita ko."ani ko.
"sigurado ka ba?"tanong ni grecko.
Isinama nya kami sa bayan kung saan humingi siya ng copy ng cctv nang buong lugar,mula sa palengke,inuna naming tingnan ang pwesto ng tindero nang karne at gulay noong panahong naroon ako,imbes na lalaki ay babae ang naroon at titig na titig nga ito sa akin.
"Siya ba ang nakita mo?"tanong ni grecko.
"H-hindi."ani ko.
"Siya at ang anak nya lang na babae ang tumatao sa pwesto nila araw araw,walang asawa si nanay emilita kaya paanong may pupwesto na lalaki sa stall nila?"takang tanong ni grecko.
Sunod naming pinanood ay ang cctv ng minimart,tulad nang nauna,imbis na lalaki ang cashier noon ay babae ang kaharap ko at inabutan ko ng bayad sa mga pinamili ko,paanong nangyari yon?
"Siya ba ang nakita mo sa sinasabi nyong carnival?"ani grecko?
Iling lang ang naging sagot ko,paano nangyari yon?litong lito ako.
"Paano si aling anita,naroon siya."ani ko.
"Kilala siya dito bilang aling tinay,walang natawag sa kanya ng pangalang iyan kundi si lolo adolfo,atsaka naipaliwanag ko na sayo,wala siya sa sariling pag iisip kaya kung ano ano ang lumalabas sa bibig niya."ani grecko.
Nagtataka ako sa katahimikan ng mga kasama ko,tila ni isa sa kanila ay walang balak makipagtalo,kaya umupo ako at umiyak.
"Mabuti pa magpahinga na muna kayo,ako na lang ang bahalang magpahanap sa iba pang kaibigan nyo,ako na din ang bahala sa bangkay nina bill at donna.pakihatid sila sa villa zandro."ani grecko.
Bago kami ihatid ay may ipinakita sa amin si zandro na isang lumang picture,kung saan may isang grupo na naroon,kabilang na si adolfo,taong 1993 ang naka saad sa litrato.
"Kuha yan noong unang itayp ang carnival dito sa amin.lahat ng mga tao sa.larawang yan including lolo adolfo ay patay na."ani zandro.
Pinagmasdan namin ang larawan at nagulat at nagilabot sa nakita namin,ang lahat ng naroon ay iyon ang mga nakita namin sa carnival na pumatay sa mga kaibigan namin.
"May nakikilala ba kayo sa kanila bukod kay lolo adolfo?"tanong no zandro.
Sasagot na sana ako nang mariing pisilin ni xander ang kamay ko,nakuha ko ang ibig niyang sabihin kaya umiling ako sa tanong ni zandro...
"Ano sa tingin nyo ang naganap sa atin?gulong gulo ako."ani dave.
"Nalilito din ako,anong nangyari sa atin?kung matagal na palang patay si adolfo at ang mga taong naroon sa carnival,bakit nila tayo nasaktan at napatay pa sina justin?"ani glen.
"Tingin ko ay may alam sila sa sinasabi natin,pilit lang nilang tinatakpan ang mga pangyayari.Kaya dapat tayong mag ingat sa mga sasabihin natin sa kanila."ani xander.
"Ok ka lang ba?"tanong ko kay rudie dahil napansin kong tulala siya.
"hindi ko lang alam kung anong sitwasyon ang napasukan natin,kung ligtas na ba tayo,o kung dapat ba tayong magtiwala sa mga tao dito."ani rudie.
"Pero anong gagawin natin,baka kung anong isipin nila sa atin kung basta tayong aalis dito na iiwan natin ang mga pangyayari at hindi lang basta pangyayari,namatay pa ang mga kaibigan natin."ani jean.
"Kung ganon,maging mapag matyag kayo,di natin alam kung sino ang kalaban natin dito."ani xander.
"Mabuti pa magpahinga na kayo,magbabantay kami ni glen sa ngayon,mamaya naman kami magpapahinga,pag nakasapat na ang tulog nyo."ani dave na sinangayunan nina rudie,xander at jean.
Kung ako ang tatanungin ay ayaw ko nang ipikit pa ang mata ko,takot ako sa maaring mangayri pag wala akong malay sa paligid ko.
YOU ARE READING
CARNIVAL OF DEATH
HorrorIsang grupo ng medical students ang nagbakasyon sa isang malayo at tagong isla sa Cebu,upang mag saya at mag hanap ng panibagong adventure at saya,ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay isang nakapangingilabot na trahedya ang babago sa buhay nila...