Two years later.
"Ate ok na ba?"tanong ni xander na animo modelo na paikot ikot sa salamin.
"anu ba naman kuya,para kang bakla,alis dyan nag memake up ako eh."ani kong itinulak siya.
Ang araw na ito ang pinaka importanteng araw sa amin ng kakambal ko,ang graduation day namin.
Nang makabalik kami galing sa isla mariniares ay nagulat kami sa sinabi nang aming mga magulang,Isang buwan na raw kaming pinaghahanap ng mga awtoridad dahil nga sa ang paalam namin ay isang linggo lang kami sa islang pupuntahan namin.Idagdag pang may nagreport na may nahulog na van sa isa sa mga lugar ng cebu,iyon ang van ni dave ngunit sa aming pagtataka ay hindi sa isla mariniares naganap ang pagsabog,ganoon din anf crv ni xander na natagpuang nasusunog sa kalsada malapit sa pinag hulugan ng van.Araw araw noon na may tanong ng tanong na pulis sa amin kung ano ang nangyari ngunit hindi sila naniniwala sa kwento namin,ini drugtest pa nga kami dahil inakala nilang adik kami.Dalawang taon na mula noong nanggaling kami sa Isla na akala namin ay kasiyahan ang makukuha namin ngunit magdadala pala sa amin sa kapahamakan at pagkawala ng ilan sa mga kaibigan namin.
"Maam drew aalis na daw po kayo."ani ng katulong.
King di kami lumaban para sa buhay namin ay di namin dadanasin ang saya ng pag tatapos ng isang doktor,laking pasalamat ko noon sa mga coast guard na nakakita sa bangka naming palutang lutang sa gitna ng dagat.
Habang tinatanggap ko ang aking diploma ay kitang kita ko sa.mata ng magulang ko ng kapatid ko at ng mga kaibigan ko ang pag hanga sa akin na proud sila sa akin.
"Wew galing talaga ng girlfriend ko oh,pakiss nga."ani rudie.
"asus paraparaan ka talaga."nakangiting ani ko.
oo boyfriend ko na siya,binigyan ko siya ng pagakakataon na patunayan ang sarili nya sa akin at masasabi kong tuluyan na nga siyang nagbago at minahal nya nga ako ng totoo,nawala na ang rudie na dati ay mayabang at bully ng school.
"yan yung summa cum laude?sino.kausap nyan?parang baliw."ani ng isa sa mga magulang na naroon.
"Halika na babe."aya ko kay rudie.
"ano boys,kaya nyo pa bang bunuin to."ani ko kina dave .glen at kay xander.
NGumiti sila at di tumugon dahil nag aya na ang magulang ko na uuwi na kami.
"Samin na kayo mag celebrate ha treat namin ni kuya."ani ko kima dave.
"Halika na anak."ani mommy.
Kwento pa din ako ng kwento sa mga kaibigan ko,nakikita ko ang mga taong nadadaanan namin na nakatingin sa akin,maaring pag hanga o inggit ang nararamdaman nila,kaya proud na proud ako sa sarili ko,aba pinag hirapan ko yata ito.
Nang makapasok sa van ay nakangiti pa din ako.
"ma,doon po tayo sa paborito namin ni xander na buffet ha.treat namin para sa inyo."ani ko.
"Anak,ayaw ko mang sirain ang kaligayahang nararamdaman mo,pero hindi na tama ang nangyayari."ani mommy na ipinagtaka ko.
"ano pong ibig nyong sabihin ma?"tanong ko.
"Anak dalawang taon nang patay sina xander,rudie,glen at dave.ikaw na lang ang nakabalik sa islang pinuntahan nyo."ani mommy na parang bombang sumabog sa pandinig ko.
"Ma ano bang sinasabi nyo?ito kaya sila nag attend din ng graduation."ani kong bumaling sa katabi ko at bandang likod ng van,ngunit wala akong nakita kahit na sino.
"Anong nangyayari?prank ba to ma?asan si xander mommy?"nahihintakutan nang ani ko.
"Ikaw lang ang nakasakay sa bangka nang makita ka ng coast guard na nag hahanap sa inyo,mula noon ay di ka na namin makausap dahil lagi mong kinakausap ang mga kaibigan mo,ngunit wala na sila anak."umiiyak na ani mommy.
"Hindi totoo yan ma,buhay pa sila,buhay pa kakambal ko,boyfriend ko na nga si rudie diba,pinakilala ko pa siya sa inyo,madalas tayo mag dinner together.
"Anak,nagpepretend lang kami na naroon si rudie dahil ayaw ka naming mag breakdown."ani daddy.
"Hindi totoo yan,buhay pa sila ma!!" umiiyak na ani ko doon na nagdilim ang paningin ko.
Nang magising ako ay madilim na,nasa kwarto na ako at muli kong naalala ang sinabi ni mommy.Muli akong napaluha,bumangon ako at nagpunta sa teresa sa kwarto ko.Nakatanaw ako sa malayo habang umiiyak,Naramdaman ko na may umupo sa bandang kaliwa ko.
"Bakit di mo sinabi sa akin?"tanong ko sa kanya."Dahil alam kong di mo matatanggap,at magkakaganyan ka."ani xander.
"Pero nagmukha akong sira ulo sa paningin ng iba kuya."ani ko.
"Narito talaga kami mahal."ani rudie kasunod nina glen at dave.
"Anong gagawin ko?"lumuluhang tanong ko sa kanila.
"Simple lang mahal,unti unti mo kaming pakawalan.masakit man pero kailangan."ani rudie.
"paanong nangyari?diba magkakasama tayo sa bangka?"takang tanong ko.
Lumapit si.rudie sa akin at niyakap ako,napakalamig ng naramdaman ko.Saka muling kong nakita na tila nanonood ako ng isang pelikula ang nangyari sa amin sa isla noong panahong muling nagka tsunami habang yakap yakap nila ako ay unti unti silang nakakabitaw sa bawat salpok ng kung ano anong matitigas na bagay.Nang makita namin ang burol kung saan kami umakyat ay ako na lang ang naroon,nang tingnan ko ang bandang ibaba ay naroon sila,walang malay na tinatangay ng tubig.Nakita ko din ang pagtulak ko sa bangka at ang nang makita ako ng coast guard.
"Iyan ang nangyari noong mga oras na yon.Pinili namin na iligtas ka dahil sa mahal ka namin,mahal na mahal ate."ani xander.
Umiiyak ako,iyak na nauwi sa hagulhol na kalaunan ay humupa narin.
"Aalis na kayo?"tanong ko.
Marahan silang tumango at ngumiti.
"Kung ganon ay malaya na kayo,kuya,mahal,dave,glen,salamat sa lahat lahat."ani ko.
Pagkasabi ko noon ay unti unti silang nawala.
"Anak,malalamigan ka dyan,matulig ka na."ani mommy.
"Opo mom,5 minutes."ani ko.
Pag alis ni mommy ay muli akong tumingin sa dilim ng gabi,napaiyak akong muli at ngumiti,sa.pagtalikod ko at pagsasara ng pinto ay doon ko natanggap na mag isa na lang ako,na wala na ang kakambal ko ang boyfriend ko at ang dalawang kababata ko.Maraming salamat sa pagbabasa nyo ng salaysay ko.sa ngayon ay isa na akong ganap na doctor sa isang sikat na ospita dito sa manila,muli maraming salamat sa inyong pagbabasa.
..Wakas.
Please follow me for more.
YOU ARE READING
CARNIVAL OF DEATH
HorrorIsang grupo ng medical students ang nagbakasyon sa isang malayo at tagong isla sa Cebu,upang mag saya at mag hanap ng panibagong adventure at saya,ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay isang nakapangingilabot na trahedya ang babago sa buhay nila...