Alas onse ng gabi,tahimik na tahimik na ang buong kapaligiran,tahimik kaming naka upo lamang sa seldang kinaroroonan namin,hindi pa kami nakaka move on sa pagkamatay ni lola anita sa kamay ng sarili nyang apo.
"Paano na tayo makakatakas dito?"tanong ni jean.
Natuwa sila nang ilabas ko ang susi na palihim na ibinigay ni lola anita sa akin bago siya binawian ng buhay.
"Kanina ko pa sana ilalabas to kaso mayroon pang tao sa labas kaya itinago ko muna."ani ko.
"Hindi tao yon,multo na yung mga yon na hindi maka move on na patay na sila."Ani dave.
"Ano pa inaantay natin?buksan na natin ang pinto."ani glen.
Nang mabuksan ang pinto ay dahan dahan kaming nagmasid sa paligid,madilim na at tahimik na tahimik ang tanging ilaw lang ay ang mga lamp post na magkakalayo,mas pinili naming dumaan sa madilim na parte ng lugar,nang makarating sa labas ng villa ay umikot kami sa bandang likod nito ng may maulinigan kaming tila bulong,bulong na di lang nagmumula sa isa o dalawang tao,nang silipin namin ay nakita namin ang napakaraming tao,naka upo ang mga ito at nakayuko na animoy nakadapa sa bandang unahan ay naroon sina grecko.zandro at adolfo.Bumubulong ang mga ito na animoy nagdadasal sa lubugan ng araw.
"kailangan nating mag ingat,maari nating mabulabog yang mga yan,pero kailangan din nating agad na makuha ang painting na iyon bago sumapit ang alas dose ng gabi."ani xander.
"Ako na ang kukuha non."ani ko.
"sasamahan na kita."ani rudie.
Pumasok na kami ni rudie sa loib ng villa,habang sina xander ay nag punta na sa harap ng simbahan at tiningnan kung may nagmamasid din doon.
kung tutuusin ay napakaliit lang ng islang iyon kumpara sa ibang napuntahan namin,kapansin pansin na sobrang linis ng kapakigiran doon pwera sa harap at loob ng simbahan,kung noong una ay hindi namin napapansin yon sa ngayon ay malinaw na sa amin ang dahilan.Hindi makalapit man lang ang mga taong naroon dahil nga sa hindi nila matanggap ang pagkawala nila ay ayaw rin nilang mabasbasan ang mga kaluluwa nila...
Nang makapasok sa villa ay agad naming hinanap ang painting,nang makita namin ay agad kinuha ni rudie iyon,ngunit may napansin ako dito kaya pinigilan ko siya.
"Hindi yan ang tunay na painting."ani ko.
"Paano mong nalaman?diba ito yung nakita mo noong una nating dating dito?"ani rudie.
"Oo pero bakit parang wala yung tila tinatawag nya ako."ani ko.
"Dahil ang isang yan ay peke at ito ang orihinal.tingin nyo ba hindi ko nadinig ang sinabi ni lola sa inyo?at tingin mo ba drew hindi ko nakita na iniabot sayo ng lola ko ang susi ng selda?Hinayaan ko lang lahat para lang makaranas kami na lumalaban ang bibiktimahin namin."ani grecko na basta na lang sumulpot sa bandang likod namin.
"Patay na kayo grecko,kailangan nyo nang tanggapin yon."ani ko.
"Huh!buhay pa kami di mo ba nakikita?buhay kami dahil sa mga turistang gaya nyo.Kaluluwa nyo ang bumubuhay sa amin kaya siguradong isang taon nanaman kaming mamumuhay ng matiwasay."ani grecko.
"Patay na kayo,matagal na,huwag mo nang ipilit na mabuhay pa,dahil papatayin kita pag sinaktan mo sila."ani rudie.
"Wow loverboy,yon ay kung makakaligtas ka din,uunahin kita alam mo ba yon.At isa pa alam nyo ba kung bakit ito ang portal patawid sa kabilang buhay?Dahil sa kasabihan dito noon na makagagawa ka ng portal ng mga patay kung gagamitan mo ng patak ng iyong dugo ang isang bagay at napili kong bigyan ng kulay iyon sa talento ko,ang pagpipinta.Gusto ko lang naman sanang makausap noon ang namatay kong mga magulang ngunit binawi na ang pagkakataong iyon ng lugar na ito.dito kami pinatay ng alon ng dagat na pinagkukunan namin ng buhay."ani grecko.
"Insan kailangan na nating bilisan,kalahating oras na lang pista na kailangan na nating maihanda ang mga bisita."ani zandro.
"Sige susunod....
"ang dami mong satsat."ani xander na hinataw si grecko ng isa oa sa mga painting nito,ganun din ang ginawa nina dave at glen kay zandro.
"Halina kayo,nakahanda na lahat sa simbahan."ani xander.
Nang lumabas kami ay nagkakasiyahan na ang mga tao,naroon na din ang carnival na katulad ng carnival na pinanggalingan namin.
Nakatingin sa amin ang karamihan sa mga tao,sabay sabay ding bumaba ang tingin nila sa painting na hawak ni xander.
Bahagya kaming gumalaw palayo sa mga tao ngunit nang may magsalita ay agad na naging alerto ang mga ito.
"Kunin nyo sila at huwag hayaang makatakas."ani adolfo.
Sumugod sa amin ang mga tao,nalito kami ngunit agad na naging alisto,tumakbo kami papunta sa kalsada papuntang simbahan ngunit may nakaharang na ding mga tao roon.
napapalibutan na kami ng tao nang isa isang nawala na tila usok ang mga ito.
"May nakuha pa akong agua bendita sa simbahan,epektibo itong pambasbas sa mga kaluluwang di matahimik."ani jean habang natakbo kami,ay ibinigay niya sa amin angbilan pang tube na may lamang agua bendita.
Patuloy kaming napapalibutan ng tao,patuloy din silang nawawala sa tama ng agua benditaBago kami makarating ng simbahan ay nakita naming nakaharang sina grecko,adolfo at zandro na nakaharang sa daraanan namin,humanda kami para wisikan din sila ng agua bendita ngunit nagulat kami nang tila usok lamang ng sigarilyo ang nangyari sa kanila.
"Oh bakit gulat na gulat kayo?Ah siguro nagtataka kayo kung bakit hindi kami nawala tulad noong mga taong bayan.Iyon ay dahil sa mga namatay nyong kaibigan."Nakangising ani zandro na iniumang ang baril na dala niya.
Napaatras kami,napatda sa nadinig.
"Walang pagbabago,patay na kayo,kaya mas matakot kayo sa kaya naming gawin na hindi nyo kaya."ani xander.
"At ano naman iyon bata?"ani adolfo.
"Ito."ani xander na bigalang sinugod si zandro,ganun din ang ginawa nina glen at dave kay adolfo at grecko.
"Tumakbo na kayo sa loob drew."Ani xander.Habang nakikipag agawan ng baril kay zandro,umalaly na din si rudie at naki agaw ng baril,sa sobrang lakas ng pagbalya ni rudie ay tumalsik ang baril at nakuha iyon ni grecko.itinapat niya sa akin baril at akmang ipuputok nang sanggahin ni rudie ang bala na dapat sa akin,tinamaan siya.
"Takbo na drew,takot ang mga iyan sa basbas ng simbahan."aniyang hirap na hirap sa pagsasalita.
"Tanga ka talaga rudie,bakit mo sinahod yung bala hindi naman candy yon."ani kong tinatampal siya.
"Tumakbo ka na."aniyang nawalan ng malay.
"Rudie,rudie."Ani ko ngunit di siya nagreresponse,mabilisan kong inicheck ang pulso niya,mahinang mahina ito,kaya natakot ako para sa kaligtasan niya.
"Drew,takbo."sigaw ni xander na nakikipag buno pa din kay zandro.
Agad kong dinampot ang painting at itinakbo sa loob ng simbahan,inilagay ko iyon sa pinakang altar at nang kukunin ko ang kandila ay wala ito,maski ang posporo na inihanda nina glen ay wala.
"Ito ba ang hinahanap mo drew."ani jean na hawak hawak ang kandila at posporo.
"Jean,anong ibig sabihin nito."ani ko.
YOU ARE READING
CARNIVAL OF DEATH
TerrorIsang grupo ng medical students ang nagbakasyon sa isang malayo at tagong isla sa Cebu,upang mag saya at mag hanap ng panibagong adventure at saya,ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay isang nakapangingilabot na trahedya ang babago sa buhay nila...