"ako to." ani rudie nang maalimpungatan ako.Hindi ko namalayang nakatulog pala ako.
"Anong nangyari,anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"Pinagmamasdan lang kita,naisip ko lang na paano kaya kung ikaw ang napatay nung mga iyon o kaya ay ako.Hindi ko man lang maipararamdam sayo na gusto kong magbago para mahalin mo rin ako."naka ngiting aniya.
" Iyan lang ba ang sasabihin mo?tinakot mo pa ako."ani ko.
"suplada ka pa din talaga." nakangiting aniya.
"kilala na ako sa campus bilang badboy,bully at mayabang,ayoko sanang tanggalin yon ma pride kasi ako,pero nung nameligro ang buhay ko,natin parang gustong umurong ng...ng balls ko." aniyang natawa nadala din ako sa pagtawa niya.
"Kalokohan pa rin talaga ang mga sinasabi mo." ani ko.
"Hey love birds,hapunan na." ani jean.
"iwww." ani kong natatawa.
"Nakabalik na ba si Grecko?" tanong ko sa kanila.
"Hindi pa,pero noong nagpunta kami ng bayan kanina,naroon daw sila sa lugar kung saan nakita natin ang carnival." ani glen.
"Sana makauwi na tayo,ayoko na talaga dito." ani jean.
"Under investigation pa tayo,hindi tayo dapat basta umalis,gusto ko ding malamab ang nangyayari dito." ani Dave.
"Kailangan nating makausap si lola tinay." ani xander...
kinabukasan ay agad naming hinanap si lola anita o mas kilala sa tawag na lola tinay.Nang makita namin siya ay umilap ang kaniyang mga mata.Akma siyang tatakbo ngunit napigilan siya ni xander.
"Lola sandali kailangan namin ng kasagutan sa nangyari samin lalo na sa mga kaibigan namin."ani xander.
"Sinabihan ko na kayo,hindi kayo dapat pang magtagal dito."ani lola tinay.
"Bakit po?hindi po namin maintindihan,sino po ba yong mga nakasalamuha namin noong isang araw?kung patay na si adolfo.sino iyon?"muling tanong ni xander.
"Wala kayong makukuhang maayos na kasagutan kay lola tinay,ulyanin na siya dahil sa katandaan."ani Grecko.
Agad lumakad palayo si lola tinay nang bitiwan ni xander ang mga braso nito.
"Naguguluhan kamj sa nangyari sa amin,sa mga kaibigan namin,paanong nangyari ang mga nangyari kung patay na ang mga taong nakasalamuha namin?"ani glen.
"Iyan din ang hinahanapan ko ng kasagutan,saan nga uli kayo kumain noong isang araw?"tanong no grecko.
"Sa la mariscos,isang sea food resraurant."ani dave.
"Sumama kayo sa akin."seryosong ani grecko.
Lahat kami ay tumalima at sumakay sa van na pag aari ni grecko,45 mins ang nakaraan ng marating namin ang seafood restaurant na sinasabi namin.Sa aming pagtataka ay isang abandonadong lugar ang naroon,masukal ang parteng entrance ng lugar,luma at sira sira ang bintana ganoon na din ang mga mesa at iba pang gamit doon,malayong malayo iyon sa restaurant na pinuntahan namin noong isang araw.
"Nasunog ang lugar na ito noong year 1997 sa hindi malamang dahilan,maraming namatay including customers at crews,ipinagpalagay na lang noon na sa isang naiwang stove na nakabukas ang pinagmulan ng sunog pero ang totoo walang makapagsabi kumg bakit ito nagliyab.Paanong dito kayo kumain?"takang tanong ni grecko.
"Nakita namin sa online vlog ng lugar."ani glen na ipinakita ang cellphone nya binuksan nya ang app kung saan nakita niya ang mariniares na tourist destination,naguluhan siya at tila natakot na paulit ulit ini scroll ang screen ng cellphone.
"Anong nangyayari glen?"tanong ni rudie.
"W-wala yung pangalan ng restaurant sa listahan ng restaurants sa isla."ani glen.
"Oh God mababaliw na ata ako,ano ba ito."ani jean.
"Sabihin mo sa amin kung anong nangyayari dito."ani rudie na kinuwelyuhan si grecko,agad ko silang inawat ngunit nagsusukatan ang mga tingin nila.
"Hindi ko alam sa inyo,kayo nga ang dapat kong tanungin niyan.anong nangyayari sa inyo,nagdadrugs ba kayo?"ani grecko na marahas tinabig ang kamay ni rudie.
Nang nagring ang cellphone ni grecko ay lumayo ito ngunit tingin siya ng tingin sa amin ,kaya nakumpirma kong may kinalaman sa amin ang tawag na iyon.
"Kailangan na nating makatakas dito."ani xander.
"Sumama kayo sa akin."ani greco.
nang makarating kami sa lugar kung saan nagtungo si grecko ay naroon ang crv ni dave,nilingon ko ang paligid,hindi ako maaring magkamali,ito yung lugar kung saan namin nakita ang carnival.
"Sinasabi nyong sira ang crv nyo drew,perp.nang inspeksyunin ng pulis ay wala man lang no isang gasgas sa katawan ang crv.Bukod pa don,umaandar ito."ani grecko.
"Nakuha na din ang labi ng iba pang kaibigan nyo.At alam nyo kung saan namin nakita?"Nang buksan ni grecko ang likod na pinto ng crv ay naroon ang bangkay romina justin at gia,napasigaw at napaiyak kami ni jean.
"Ayon sa salaysay nyo ay sa loob sila ng carnival nawala at pinatay,ngunit bakit nasa likod siya ng sasakyan nyo?idagdag pang wala namang carnival sa lugar na ito!."ani grecko.
"I swear may carnival dyan,ang mga tao ng carnival anf pumatay kina gia."Ani kong nagpapanic na.
"Dakpin nyo ang mga yan."ani grecko.
"WAla kaming alam pakawalan mo kami."ani namin pare pareho kaming hindi alam ang gagawin.
"Alam mo drew gusto pa naman sana kita kaso sa mala anghel mong mukha,may tinatago palang sama."ani grecko habang hinahaplos ang mukha ko.
"Bitiwan mo sya kung ayaw mong masaktan."ani xander.
"ops bata,pagbabanta yan,dagdag kaso yan."ani grecko.
"Malalaman din namin ang sikreto ng lugar na ito grecko,wag kang pakampante."ani rudie.
"Ang dami nyo pang satsat,dalhin na ang.mga yan."ani grecko sa mga tauhan nito.
Habang nasa byahe ay umiiyak ako,gulong gulo ako sa mga pangyayari,paanong kami la ang nadiin gayong kami ang biktima.Nabaling ang atensyon ko kay rudie nang marahan nyang pisilin ang kamay ko.
"Aayusin natin to,makaka alis tayo sa gusot na ito."aniya.
Tumango ako at marahang sumandal sa kanyang balikat.Bahala na ang Diyos sa amin ng mga kaibigan ko.
YOU ARE READING
CARNIVAL OF DEATH
TerrorIsang grupo ng medical students ang nagbakasyon sa isang malayo at tagong isla sa Cebu,upang mag saya at mag hanap ng panibagong adventure at saya,ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay isang nakapangingilabot na trahedya ang babago sa buhay nila...