Painting

0 0 0
                                    

"Dyan na kayo habang iniimbistigahan pa namin ang ikakaso sa inyo,hindi kayo dapat tinanggap sa lugar na ito."ani Zandro.
"Wala kaming kasalanan,kayo ang may alam na hindi namin alam,pinipilit nyo lang kaming idiin para pagtakpan kayo."ani Jean.
"Huwag kang mag akusa,baka mas lalo ko pang bigatan ang sinyensya nyo."ani zandro.
Inawat ko si Jean at pinaupo sa tabi ko.magkatabi lang ang mga selda namin nina xander,maliit lang ang presintong iyon,madali lang takasan kung sakali,ngunit sa dami ng tao sa labas na nasaksihan ang pag dakip sa amin ay malabo kaming maka hakbang man lang palabas ng presinto.
Naihawak ko ang dalawang kamay ko sa aking ulo,marahas akong huminga ng malalim,paano na kami,masisira ang reputasyon ko pag nalaman at ito ng magulang ko,at si xander,tiyak na siya ang masisisi nina daddy.
Habang lumilipas ang oras ay lalong tumitindi ang tensyon ko,ramdam ko din na ganoon din ang mga kasama ko,kumakagat na ang dilim,nag uwian na ang iba sa mga pulis pati na rin si zandro,wala man lang nagbigay sa amin ng pagkain.
Nagulat kami nang biglang sumungaw ang ulo ni lola anita sa aming selda,may dala dala itong susi.
"Tumakas na kayo,umalis na kayo dito,delikado na ang mga buhay nyo."ani lola anita.
"Bakit po,hindi po namin maintindihan."ani ko.
"Wala na isla ng mariniares,simula pa noong taong 1993,lahat ng taong nakatira dito ay nasalanta ng isang rumaragasang alon,Kasalukuyang ginaganap ang pista noong mangyari yon kaya walang sinumang naka ligtas sa insidente kasama na ang asawa kong si adolfo at ang apo naming si grecko at zandro"ani lola anita.
"Asawa kayo ni lolo adolfo?paano pong  nangyari na nakaka usap namin sila at nahahawakan?"tanong ni xander.
"Iyon ay dahil sa hindi nila matanggap ang kanilang pagkamatay,paulit ulit silang bumabalik para makakuha ng panibagong buhay na maaring magdugsong sa pananatili nila dito sa lupa.Mas makakabuting umalis na kayo ngayon habang hindi pa idinaraos ang pista,wala din silang kapangyarihan sa mga oras na ito,kaya magmadali  na kayo."ani lola anita.
"Kayo,ano po kayo lola?"tanong ni Glen.
"Tao ako noong panahong nangyari ang trahedya sa isla ay nasa abroad ako bumalik lang ako nang mamatay ang asawa at mga apo ko,matagal na akong nananatili sa isla para magbigay ng babala sa gawain ng asawa at mga apo ko,ngunit wala sa kanila ang naniniwala sa akin,sana sa ngayon bago pa man ako bawian ng buhay ay may mailigtas akong biktima ng lugar na ito."ani lola anita.
Nang mabuksan ang selda ay agad kaming itinuro ni lola anita sa daan patungo sa isang bangkang de motor,kumpleto din ito ng life vest para sa mga gagamit nito.
"Umalis  na kayo,at huwag na huwag nyo.nang balakin pang bumalik,ang mga kaibigan nyong namatay dito ay dito na din mamumuhay hanggat hindi rin nila natatanggap ang kanilang pagkamatay,magmadali na kayo."ani lola anita.
"LOla sinasabi ko na sa iyong huwag kang makialam."ani grecko na biglang lumitaw sa madilim na parte ng lugar na iyon,kasama niya sina zandro adolfo at ilan pang mga taong bayan.
"Mahal kong asawa,hanggang kailan ka ba tututol sa ginagawa namin ng mga apo mo,Ayaw mo ba kaming makasama?habang buhay."ani ng nakangising si adolfo.
"kung ang magiging kapalit ay ang panibagong buhay na naman ng mga batang ito ay hindi ako makapapayag adolfo,manahimik na kayo,matagal na kayong namamalagi dito sa lupa,wala na kayong karapatan dito."ani lola anita.
"Kung ganon lola isa ka palang kalaban,sigurado naman akong patuloy kang mabubuhay dito pag pinatay kita ngayon."Nakangising ani zandro.
"Sige patayin mo ako,kumpara sa inyo matagal ko nang ginustong wakasan ang buhay ko,kaya nasisigurado kong di ako mabubuhay pang muli sa islang ito."ani lola anita.
Pinaputok ni zandro ang hawak nyang baril,kinabig ito ni adolfo at nagpambuno sila para huwag nang mabaril pang muli si lola anita.
Habang hawak ang nakahandusay si lola anita ay may ibinigay siya sa aming isang larawan larawan kung saan naroon sina zandro,grecko,adolfo at ang mga taong bayan.
"Kailangan nyong madala ang larawang iyan sa simbahan kasama ng portal na magtatawid sa kanila sa lugar kung saan sila nararapat."ani lola anita.
"ano pong larawan?"tanong ni rudie.
"ang painting ni grecko,malalaman nyo iyon kung tipong kinakausap o tinatawag kayo pag tumingin kayo doon,ilagay nyo sa pinakang gitna ang larawan nila at sunugin sa altar ng simbahan bago pumutok ang bukang liwayway hindi pwedeng sumapit ang pista dahil mas lalakas sila at hindi nyo sila mapipigilan."ani lola anita. Magsasalita pa sana siya ngunit hinugot na niya ang kanyang huling hininga.Lumuluha akong tumingin sa paligid nagkokomosyon pa din ang maglololo.
"Anitaaa,huwag kang mamamatay."ani adolfo.
"Kasalanan nyo ito,kayo ang dahilan lung bakit nangyayari to."galit na galit na ani grecko.
Nagpumiglas kami nang hawakan kami ng mga taong bayan at dalhing muli sa selda.
"Mga hayop kayo,sinusumpa kong mawawala kayong lahat bago matapos ang gabing ito."ani rudie.
"Gawin mo,dahil kung hinde,ikaw ang uunahin ko."ani zandro.
..
"anong painting ang sinasabi ni lola anita?"tanong ni dave.
"Sa dami ng painting ni grecko idagdag pa na nakakulong tayo dito,aabutin na tayo ng bukang liwayway,at worse baka napatay na tayo."ani jean.
"Ang pulang painting ni grecko."ani ko.
"sigurado ka?"sabay sabay nilang tanong sa akin.
"natatandaan nyo noong una kong makita yon,para akong tinatawag non at may bumubulong sa tenga ko para titigan yon.kailangan nating makatakas dito."ani ko.

CARNIVAL OF DEATHWhere stories live. Discover now