Lola Anita

0 0 0
                                    

"Hindi ako sasama."ani grecko.
"Huh bakit?"tanong ko sa kanya nang ayain ko siya.
"Tama ang mga kaibigan mo,hindi dapat ma out of place ang talagang mga kasama nyo,halata ko namang gustong gusto ka ni rudie at naiintundihan ko siya sa pagiging iwas niya sa akin."aniya.
"so nadinig mo pala."ani ko.
"sorry,di ko intensyon na makinig,nagkataon lang na may kukunin ako sa garden ng villa,aksidente kong nadinig ang pagtatalo nyo dahil sakin.pasensya na kayo."ani grecko.
"No its ok,pasensya ka na din sa mga yon ha,hindi naman talaga sila ganon,nagkataon lang na kasama nga yong grupo nina rudie."ani ko.
"It's ok,di rin naman talaga ako makakasama sa inyo kase may lakad din ako."ani grecko.
"Ate aalis na tayo."ani xander na tinanguan ni grecko.
"Pano drew aalis na ako." paalam sakin ni grecko bago tumalikod at tuloy tuloy na umalis.
Wala akong imik sa buong byahe namin,naiinis pa din talaga ako sa kanila,sabihin na nilang maldita ako brat o kung ano ano pa basta ayoko sa grupo nina rudie.
"We're here."ani dave.
Humanga ako sa lugar na iyon,para iyong gubat na makikita mo lang sa mga pelikula,nagtataasan ang mga puno at napakasarap sa tenga ng huni ng ibon,sa di kalayuan ay may madidinig kang lagaslas ng tubig at nang puntahan namin iyon ay isa pala iyong talon,napaka ganda,tila nawala lahat ng inis ko at nadala ng kapayapaan sa lugar na iyon,lumanghap ako ng sariwang hangin,lalong nakalma ang pakiramdam ko,sa di kalayuan ay matatanaw mo ang buong syudad ng mariniares,dito mo masasabi na alagang alaga ang buong lugar na ito,tila lahat ng bagay dito ay iniingatan at pinagyayaman ng mga taong nakatira dito,parang ang sarap na mamuhay dito kaysa sa manila.
"Ok guys narito tayo ngayon da mount pandakila sa bayan ng mariniares cebu,isa itong tagong isla sa cebu kung saan dagat at bundok ang nakapaligid dito,kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko na tatanungin natin kung ano ang pakiramdam nila sa lugar,anong masasabi nyo sa lugar na ito?."ani glen.
"ang masasabi ko lang,pag nakatapos ako dito ko gustong buuin ang buhay ko,napaka ganda at napaka payapa."ani ko.

..
"ok guys swimming naman tayo."Ani donna.
Kanya kanya na kaming hubad handa na kami sa paliligo,matapos ang dalawang oras ay muli kaming bumyahe,tama si glen halos puro bundok at tubig ang makikita mo sa lugar,may ilan ilang mga bahay ngunit kita mo pa din na di napapabayaan ng mga residente ang ibat ibang yamang natural sa lugar.
"Gutom na ako,kain naman tayo."ani ko.
"Pre ikanan mo,may seafood restaurant daw Dyan sa baba." ani glen.
Nang makarating sa restaurant ay agad kaming nag order,kain marino na ang ginawa ko pati ng mga kasama ko,super gutom kaming lahat.Paalis na kami nang makaramdam sina gia at donna ng tawag ng kalikasan kaya nagpunta sila sa banyo,gusto ko sanang umalis na dahil hindi ko na gusto ang tingin ng mga tao,di ko napansin iyon kanina dahil sa sobrang gutom pero nang matapos kami ay saka ko lang napagmasdan ang paligid,bakit para kaming specimen kung pagmasdan ng mga taong ito,hindi ako natatakot pero nag aalala ako dahil sa paraan ng pag titig nila ay baka mapa away ang kakambal ko o ang grupo nina rudie pag hindi nagustuhan ang tingin ng mga ito.
"Sinasabi ko sa inyo umalis na kayo dito habang may panahon pa,hindi maganda ang trato ng mga tao dito sa mga turistang tulad nyo."nagulat ako nang may dumaklot sa braso ko,iyon pala ang matandang nakita ko noon sa pamilihan.
"bitiwan mo ako."ani ko.lumapit na din sina jean sa akin at inawat ang matanda.
"Umalis na kayo dito mga bata,hindi ako baliw,ayoko nang ginagawa nila sa mga taong dumadayo dito,umalis na kayo pakiusap."ani ng matanda.
"Bitiwan mo siya lola anita."ani ng isang may kalakihang lalaki.
tila natakot ang matanda at dagli akong binitiwan,saka kumaripas ng takbo.
"Pasensya na kayo kay lola anita,medyo ulyanin na kasi at may sira ang ulo.ako nga pala ang mayor sa lugar na ito,ako si Adolfo Garcia." aniya.
Matapos naming magpakilala ay agad na din kaming umalis sa lugar na iyon,tulad ng iba bawat madaanan naming tao ay nakatitig sa amin,naging concious na ako sa kapaligiran dahil na din sa matanda na tinawag nilang lola anita.Bakit niya kami pinapaalis sa lugar na ito?Pumunta pa kami kung saan saan sa islang iyon hanggang sa di na namin namalayan ang oras,padilim na nang maisipan naming umuwi,ngunit sa kinamalas malasang sandali,nasira pa ang van nina dave,dahil sa hindi namin pwedeng iwan ang mga kumag ay pinili naming antayin sila kahit na madilim na at nasa isang ilang na lugar na kami,wala nang kabahayan sa bahaging iyon ng isla at wala ka din makikita kundi bundok at mga puno na lalong nagpapa dilim sa kapaligiran dahil natatakpan ang sinag ng buwan.
"Anubayan di pa ba matatapos,nakakatakot na dito ha."ani gia.
"Malapit na,huwag ka mag alala madami naman tayo tsaka poprotektahan namin kayo."ani justin na nakapag pairap sa akin.
"Alas otso na boys,di na biro ang oras."ani jean.
"Kung sana kasi pinayagan nyo na isama si grecko di sana tayo ganto ngayon."ani ko.
"tama na nga kayo sa karereklamo nyo,magagawa na ito."ani xander.
Isat kalahating oeas pa ang nagdaan bago tuluyang mag start ang van.
Agad kaming umalis sa lugar na iyon,malayo na kami nang mapansin ni xander na parang paikot ikot na lang kami,kaya napag pasyahan niyang sumenyas kay dave para huminto muna,bumaba si xander at lunapit sa van,by the way dalawang sasakyan kami,ang van ni dave at ang crv ni xander.
"Gosh,baka natikbalang tayo,doon pa lang sa pinanggalingan natin kanina ay para nang may nakatingin sa atin,oh my baliktarun natin mga suot natin." ani romina.
"Hello bakla,nasa millenial stage na tayo,wala na yang mga ganyan ganyan."ani jean.
Tulad din ng nararamdaman ko ang nararamdaman ni Romina kanina doon sa lugar kung saan nasira ang van,pero hindu supernatural ang nararamdaman kong nakatitig,parang tao din tulad nang naramdaman kong titig ng mga tao kanina sa restaurant ang naramdaman ko sa lugar na iyon.
"Ako lang ba o kayo din,napansin ko na iba ang titig sa atin ng mga tao kanina."ani jean.
"Baka naman nagagandahan lang sa akin girl."ani romina.
"Naiwan daw ni dave ang map kung saan tumirik ang van kanina,kaya pala paikot ikot na tayo."ani xander.
"we're lost oh my God." ani romina.
"Anong gagawin natin,wala pa namang signal dito."ani ko na nakatingin sa screen ng phone.
"Babyahe pa din tayo,susundan na lang natin ang dinaanan natin kanina."ani xander na muling ini start ang sasakyan.
Parang napakahabang byahe ang nangyari sa amin pagod at antok ang kalaban namin,nakakainis na.Alas dose na nang hating gabi ay nasa daan pa din kami,Laking pasalamat naman namin nang makakita kami ng liwanag sa di kalayuan,tingin namin ay isang hotel,magpapalipas na kami ng gabi saka kami babyahe kinabukasan.
Ngunit pare pareho kaming nanlumo nang ang bumungad sa amin ay idang carnival,maliwanag dito,nag ooperate ang mga games at ang rides ngunit bakit parang walang tao?Tanong ko sa isip ko.
"Mag hanap na lang muna tayo ng taong pwedeng mapag tanungan para pare parehas tayong nakauwi na."ani xander na umibis na nang sasakyan,ganun din sina dave at ang iba pa,kaya pati kami ay nagsibaba na.
Iba ang kilabot na dala sa akin ng lugar nang makababa ako,kung dahil sa lamig o sa iba pa ay hindi ko alam,basta ang gusto ko ay makauwi at makapag pahinga na sa villa.

CARNIVAL OF DEATHWhere stories live. Discover now