"Paano na tayo sa lunes pa ang naka takdang pag alis natin dito,at by schedule ang pag byahe sa barkp,di tayo mapapasakay." ani donna.
"Kung maaring bayaran ng malking halaga,gawin natin yon,maka alis lang." ani rudie.
"Paano na sina Justin?" tanong ni bill.
"Magsumbong tayo sa pulis,may matibay tayong ebidensya laban s kanila" ani glen.
"kung kasabwat ang mayor dito,hindi malayong kasabwat din ang mga pulis kailangan nating magdoble ingat para wala nang mabawas pa satin." ani xander.
"Tama si xander,kailangan lang nating makaalis dito,saka tayo mag punta sa mga pulis."ani ko.
Nagulat kami nang biglang pumutok ang gulong ng van,oo sa isang van na lang kami dahil nang tingnan namin ang crv ni xander ay butas na ang mga gulong nito.
Sumigaw kami sa takot dahil nagpa gewang gewang kami.Kung hindi maingat mag maneho ang kapatid ko ay baka natumba na ang van o nahulog sa bangin.
"Oh my God."bulalas ko nang makitang ang unang bahagi ng van ay naka sungaw sa isang bangin,muntik na talaga kami,nanginig ako sa sobrang takot,di ko alam ang gagawin ko.
"Please ate wag kang magpanic,stay calm,kailangan lang nating kumilos papunta sa pinaka likod ng van para doon tayo lahat bumaba,dahan dahan lang."ani xander.
"Mauna ka drew,aalalayan kita."ani rudie na inilahad ang kamay.
Dahan dahan akong kumilos,nanginginig ang mga tuhod ko nang ihakbang ko ito,napasigaw at napaiyak pa ako nang bahagya itong gumalaw.
"Hawak kita,dahan dahan lang."ani rudie.
Nang makarating sa bandang likod ng van ay dahan dahan ko ding binuksan ito.
"mauna kayo please."ani donna sa iba pa naming kasama.
Sumunod sa akin ang kakambal ko sunod si jean,glen,dave at rudie nang si bill na ang lalabas ay napasigaw si donna at nag panic.
"ayoko pang mamatay,please ayoko pa."aniya kaya walang nagawa si bill kundi aluin siya ganun din ang ginawa namin.
"Mauna ka na donna,aalalayan kita."ani bill.
Kumilos si donna,ngunit doble ata ng panginginig ng tuhod ko ang sa kanya,kaya medyo naging malikot ang van.
"Stay calm donna,huwag kang masyadong magpadala sa takot."ani jean.
Malapit na si donna sa pinaka likod ng van kung saan kami naroroon nang muli siyanf umurong,naging dahilan iyon para umarangkada ang van pababa ng bangin,nakatalon palabas si bill ngunit huli na ang lahat,nakasama din siya sa pagkahulog ng van.Iyak at sigaw lang namin ang tanging madidinig mo sa katahimikan ng umagang iyon,lalo pa nang sumabog at sumiklab ang napakalaking apoy na galing sa van.
"Ayoko na dito,please tama na." umiiyak na ani jean.
Umiiyak akong niyakap siya at inalo.
"Makaka alis tayo dito ok."ani ko.
"Paano pa,wala na tayong sasakyan,wala na din akong kaibigan,kasama ko na sina justin at bill simula pa nang mga bata pa kami,pag wala ang magulang ko sila ang kasama ko,pag masama ako sa paningin ng pamilya ko,sila ang takbuhan ko.kung alam ko lang na dito sila mamamatay,sana nga di na ako sumama."lumuluhang ani rudie.
Noon ko lang sya nakitang ganon,umiuyak,mahina,wala yung mayabang at preskong lalaki na madalas bumuntot buntot sa akin sa campus.kakaibang rudie ang nakita ko sa ngayon.
Lumapit ako at walang pag aatubiling niyakap siya,sa pagkakataong ito,totoo ang concern ko sa kanya.
"I'm sorry."ani ko.
Nasa ganoon kaming sitwasyon nang may dumating na dalawang monster truck,palapit ito sa amin,medyo nagliliwanag na noon ngunit di ko pa din maaninag kung sino ang bumaba mula roon.
"AYOs lang ba kayo?kanina pa namin kayo hinahanap,actully kagabi pa,nakita namin na may sumabog sa parteng ito,nasaan ang mga kaobigan nyo?"tanong ni grecko.Oo si grecko at ang mga kasamahan nya na galing sa bayan kasama na ang chief of police sa lugar.Naging alisto ang mga lalaking kasama ko,maski ako ay hindi ko malaman kung ano ang dapat kong maramdaman galak ba na nakita nila kami o pangamba na baka isa sila sa gustong pumatay sa amin.
"A-ayos lang kami,ngunit pinatay ang mga kaibigan namin."ani jean na umiiyak.
"Saan? sini ang pumatay?anong nangyari?"sunod sunod na tanong ni grecko.
"Sa carnival ,naligaw kami at nakita namin ang carnival na iyon,nang magpunta kami para magtanong ay brutal nilang pinatay sina justin."ani jean.
"Carnival?walang nagtatayo ng carnival dito,bukod sa liblib na ang parteng ito ay hindi mahilig sa carnival ang mga tao dito."ani ng chief of police na batay sa name plate ay Z.Bautista ang nakalagay.
"Ngunit dun kami galing,naroon pa nga ang mayor,narito lahat sa camera ko."ani glen na ipinakita ang camera,ngunit sa aming pagtataka ay blank tape lang ang naroon at walang narecord ni anuman sa mga ginawa namin ng nakaraang araw.
"Sigurado ka bang si mayor ag nakita mo."tanong ni Z.bautista kay glen.
"Oo sigurado ako,nagpakilala siya sa amin noong kumain kami sa isang seafood resto kahapon."ani glen.
"Paano naroon ako,at paanong magpapakilala ako sa inyo sa una palang kilala nyo na ako."ani grecko.
"I-ikaw ang mayor?"sabay sabay na tanong namin.
"the one and only. lasing ba kayo guys?"aniya.
"Hindi kami lasing.Totoo ang sinasabi namin."ani ko.
"kung ganoon ay halina kayo,kailangan naming makuha ang salaysay nyo sa presinto."ani Z.Bautista.
Atubili man ay sumunod kami,nagtataka din kami sa mga pangyayari at nang mga oras na iyon ay tila isa lang ang tumatak sa isip namin Na kailangan naming matuklasan ang hiwagang bumabalot sa lugar na ito.
YOU ARE READING
CARNIVAL OF DEATH
HorrorIsang grupo ng medical students ang nagbakasyon sa isang malayo at tagong isla sa Cebu,upang mag saya at mag hanap ng panibagong adventure at saya,ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay isang nakapangingilabot na trahedya ang babago sa buhay nila...