Chapter 5: Question

654 29 6
                                    

              

                 Anastasia's POV 

Napalunok ako habang nakatayo ako sa harap ng dorm ng royalties. Kanina lang umalis si Luis at sabi niya pumasok lang daw ako sa dorm kapag ready na ako at since nandoon na ang mga gamit ko sa kwarto ko hindi ko na daw kailangan mag-alala. 

        Pero heto ako ngayon, pawisan, malakas ang kabog ng puso at parang mahihimatay na sa kaba. Paano ako hindi kakabahan kung ang mismo ang mga royalties ang makikita ko araw araw? Tapos sila pa ang mga malalakas na charmers dito sa skwelahang ito habang ako? 

Unknown! Hindi ko pa nga alam kung ano ang powers ko at hindi 'din ako nakakasigurado kung may kapangyarihan ba talaga ako. Paano nalang kung nagkamali ng hinala si headmaster Archer? Paano nalang kung wala talaga akong kapangyarihan sa katotohanan? 

        Pinunasan ko ang pawis ko sa noo ko saka ako humakbang patungo sa malaking pintuan ng dorm. Okay, this is it, Ansatasia.

Kailangan mo lang pumasok sa dorm at pumunta diretso sa kwarto mo and then walah! Magiging safe ka na. Sana nga lang hindi ko makakamit ang isa sa mga royalties. 

        I sighed and opened the door. 

        "WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!" 

Alam niyo kung bakit ako nakasigaw? Dahil may isang fire monster sa harap ko. Tapos naramdaman ko nalang ng bigla akong lumutang papataas sa ere kaya todo ang pagsigaw ko. Nag roar sa akin 'yong fire monster na mas ikinapasigaw ko. 

        Pero bigla ko'ng narinig ang isang tawa sa ibaba. Pagtingin ko ay nakita ko ang isang lalakeng may violet na buhok at may piercings sa tenga niya. Suot niya ang black na uniform at panay ang pagtawa niya. 

Sigaw lang ako ng sigaw hanggang sa naramdaman ko nalang na nahulog ako at nag landing ako sa sahig pero bago ko pa makamit ang sahig ay lumutang ulit ang katawan ko pero papunta sa direksyon 'nong lalakeng tumatawa. 

        Tumigil sa kakatawa 'yong lalake at naging seryoso bigla ang mukha niya. Nakalutang parin ako sa ere at kaharap ko ngayon ang seryosong mukha niya. 

        "Who the hell are you?"

Napalunok ako sa tono ng boses niya kasi parang galit siya at napakatakot 'yong mukha niya. 

        "I-I-I'm A-Anastasia L-Lockwood. I-I was sent here by the headmaster." 

Nauutal na wika ko. Biglang nag-iba ang seryosong mukha niya at naging nalito ang mukha niya. 

        "You mean the old geezer, Archer King? Why would he send a newbie like you? Are you a new royalty?" 

Pinanliitan niya ako ng mata kaya agad akong umiling sa kanya. Mas naging lito ang mukha niya tapos naramdaman ko nalang bigla na nahulog ang mukha ko sa sahig. Ouch. 

Enchanted AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon