Chapter 2 : Who is he?

866 25 3
                                    

Anastasia's POV 

Ang ..gwapo niya. Sino kaya ang lalakeng to ? Tumayo ako at kaagad na lumayo 'don sa gumagalaw na kahoy. Mahirap na, baka ihagis na naman ako ng kahoy na yan pero teka bakit nga ba gumagalaw 'yon at......Teka ! 

Nasaan nga ba ako?!?!?! 

Wuhuhu. Mommy, asan ka na? 

"Sorry about that. Nasaktan ka ba?!" 

Napalingon ako sa may ari ng boses na yun at nakita yung lalake, hindi na lumiliwanag ang mga mata niya. Isang normal na blue eyes nalang ang meron. Napatulala ako sa mukha niya dahil talagang napaka-gwapo niya. 

"Na-nasaan ako? Ano ba itong lugar na ito tsaka sino ka? " Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin saka siya lumapit at pinat niya bigla ang ulo ko. 

"Nasa mundo ka ng Enchantaria at ako si Lance Skyes anyway ipapaliwanag ko nalang sayo ang lahat pag nasa academy na tayo." 

" Eh? Academy? " 

" Oo tama, pupunta tayo sa Enchanted Academy" 

Tapos naramdaman kong parang lumilipad kami then pagdilat ko sa mata ko nasa harap na kami sa isang napakalaking castle este teka....skwelahan ba ito? *O* 

Woooow ! Grabe ang laki ng eskwelahan. Teka nga lang pero pano kami napunta dito?....

" UWAAAAH !!! Anong nangyari? Pano mo ginawa yun ? tsaka yung kanina rin pano gumalaw ang ---" 

" Shh, sabi ko naman sayo ipapaliwanag ko ang lahat diba?" 

Pinutol ako ni Lance saka biglang bumakas yung gate ng academy, pinapasok niya ako saka kami naglakad. Kahit na kinakabahan ako at nalilito hindi ko napigilan ang sarili kong hindi mapahanga sa palibot ko. 

Ang sosyal ng academy na ito. May sariling fountain na napakamalaki tapos mukha pang castle ang academy tsaka may parang malalaking mansion na nakapalibot dun sa main na building.

"Gaya ng sabi ko kanina, nasa Enchantaria ka at ito ang Enchanted Academy. Ito ang skwelahan para sa mga taong may mahika at ito ang mundo kung saan buhay ang mga creatures na kakaiba. " 

Napatigil ako sa narinig ko at dahan dahan kong hinarap si Lance. Si-sinabi niya bang ma-mahika? 

" Teka academy para sa mga taong may kapangyarihan? Then bakit ako nandito? Bakit ako nasa mundo niyo? " 

Nagnoot ang noo ni Lance at saka niya ako hinarap. " Eh? Diba may kapangyarihan ka din? Ano pa ba ang reason kung bakit ka napunta sa forbidden forest ng academy?" 

Enchanted AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon