Chapter 4: Dorm

681 30 2
                                    

A/N: Waaah salamat po sa lahat na nag-comment at nag vote sa story na ito. Maraming maraming salamat po talaga. I hope na mag-enjoy din kayo sa chapter na ito ^_____^.

----

Anastasia's POV 

Napalunok nalang ako at naramdaman ko ang pawis sa noo ko. Those are the rules? Paano nalang ako kung araw na ng Test of Magic? Anong magic ang ipapalabas ko? At pano nalang kung pupunta ako sa headmaster na yan? 

Hindi talaga ako bagay dito dapat kasi hindi nalang ako naglaro ng computer eh. Aisht. Bakit ba kasi ako napunta dito? Wala naman akong kapangyarihan ah?

"Ah so Lance? Saang territory pala ako na belong?" 

Ngumiti si Lance sa akin saka niya hinawakan ang kamay ko. "Wait anong ginagawa mo Lance?! O_O"

"Kaya nga pupuntahan natin ang headmaster ngayon para malaman natin 'yan. Halika ite-teleport kita 'don."

"Huuh?! Whaat?!!" 

Naramdaman ko'ng parang lumipad kami at sa isang iglap ay nasa isang office na kami ni Lance. Napatulala nalang ako at naramdaman ko'ng namumutla na ako. Patay, pano na ito? Huhu

"Sige aalis na muna ako Ana. Hanapin mo nalang ako pag tapos na kayong mag-usap ni Headmaster." sabi ni Lance saka niya binitawan ang kamay ko at sa isang kurap ko ay nawala na siya sa pananaw ko. O__O I am so dead. Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang isang batang napakaputi. 

Magkaiba ang kulay ng mata niya. Ang isa ay puti at ang isa ay violet. Hawak niya ang isang maliit na ibon. Napalunok ako saka ako lumapit sa kanya. 

"Ahmmm excuse me? Bata? Nasaan ang headmaster dito? Pwede bang umalis nalang ako dito sa office na ito?! Huhu alam mo kasi sa totoo lang hindi ko alam kung bakit napunta ako sa mundong ito. Hindi ako nararapat dito sa mundong ito eh. Huhu." 

Inisa 'nong bata ang ulo niya at tinignan ang mga mata ko. Ngumiti siya sa akin at napahinto ako kasi parang lumiliwanag ang mga mata niya. 

"Ako si Archer King. Ang headmaster dito." 

Loading....

......

"Huh?"

Ngumiti sa akin 'yong bata saka siya tumango sa akin. Ano daw ang sinabi niya? 

"HAHAHAHA!! Nako naman Archer eh, wag ka nga'ng magbiro. Ang bata bata mo pa ta's alam mo na'ng magbiro ng ganyan hahaha nakakatawa ka naman. Nice joke." 

Nag pout si Archer sa akin saka siya tumayo sa kinauupuan niya at tinignan niya ang view sa labas ng bintana. 

"Ako talaga ang headmaster dito. Naging ganito lang ang appearance ko dahil sa isang curse but enough about that. Anastasia Lockwood, I know everything about you." 

Enchanted AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon