Anastasia's POV
Napalunok ako sa tanong ni Hannah saka ako huminga ng malalim. Okay, think, Ana! Think! Ano ba ang pwede ko'ng isagot sa tanong niya?
"Uhm...isang normal na kapangyarihan lang ang meron ko basta hindi ko kayang lumipad."
Stupid! Bakit ba ang lame ng sagot ko?
Nag roll eyes lang sina Lashee At Hannah sa akin at sinabihan ako ng whatever saka sila lumipad pababa. Sumunod naman si Archer, Travish at Lexer. Napabuntong hininga ako saka ako tumingin kay Lance. Nakatingin siya sa akin na parang...natatawa? Bakit siya parang natatawa?
Ngumiti siya sa akin saka siya lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Ana? Are you nervous?" tanong niya habang nakangiti.
"What? Ha...ha..ba-bakit naman ako kakabahan?"
"Well, umuutal ka and you're sweating a lot." saka siya nag smirk.
"You're just imagining it, Lance."
Ngumiti ulit siya ng mapanga-asar saka niya ginulo ang buhok ko. "Sure, whatever you say."
Pinalo ko lang ang kamay niya saka ko naramdamang nag teleport kami. Pagdilat ko sa mata ko nasa harap kami ng isang malaking pintuan at may mga estudyanteng pumapasok sa pintuan. Lahat sila ay nakasuot ng isang cloak at sa loob ng cloak nila ay ang uniform nila. Tinignan ko ang suot ko at isang marumi na t-shirt na may nakalagay ng mukha ni Spongebob at isang gusot gusot na pants.
Wow.
Napaka fashionista ko 'no? (note the sarcasm)
Narinig ko ang chuckle ni Lance sa gilid ko kaya napatingin ako sa kanya at pinanliitan siya ng mata. Iniling niya lang ang ulo niya saka siya nag form ng star symbol sa ere at sa limang segundo naka uniform na ako. Napanganga nalang ako.
Napansin ko 'din ang bulong-bulongan ng mga estudyante dito. Nakatingin sila sa amin ni Lance at may kung anong pinagsasabi,
"Anong ginagawa ng isang royalty dito sa lower class?" rinig ko'ng sabi ng isang babaeng estudyante.
Wait. Anong pinagsasabi nila? Kung nababaguhan sila sa isang royalty dito then...
"Lance? Hindi ba tayo magkaklase?" tanong ko sa kanya. Akala ko ba magkaklase kami?
He smiled sheepishly at me. "Iba ang klase naming mga royalties, Ana. I'm sorry I lied to you, hindi tayo magkaklase but I will visit you here when I have time."
Napakunot nalang ang noo ko at naramdaman kong luamlakas ang kabog sa dibdib ko. Hindi kami magkaklase? Then, mag-iisa lang ako sa klaseng ito? Wala akong kaibigan at wala akong makakausap?!
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy
FantasyWhat if maka-kamit ka ng isang computer na isa palang portal para sa mundo ng mahika ? Ako si Anastasia Lockwood. Ginusto ko lang sana maglaro ng computer pero hindi ko inakala na dahil sa computer na 'yon. Mapupunta ako sa mundo ng mahika at hind...