Chapter 1: Ouch

1.1K 34 3
                                    

A/N: Second trailer on the right. :)

- x- x - x - x- x- x - x - x- x- x - x - x- x- x - x - x

Chapter 1 

" Ma, pabigay naman po ng pera diyan oh para pang-computer po" 

Sabi ko sabay pout sa mama ko, inisa niya ang dalawang kilay niya at namewang. 

"Hoy Ana! Naghihirap tayo ngayon tapos sasayangan mo lang ang pera natin panglaro sa computer? Ano tayo? Bilyonaryo? " 

Mas lumaki ang pout ko at nag puppy eyes ako sa kanya . " Eh kahit ito nalang po ang gift niyo sa akin para sa pasko. Sige na nay tsaka isa pa gagawa rin naman ako ng research eh hehe" 

Iniling niya ang ulo niya at kumuha ng bente pesos sa bulsa niya. Napangiti naman ako ng malaki. "Oh, ito. Nako ikaw talagang bata ka, swerte ka lang at good mood ako ngayon" 

Tumalon ako at agad kinuha yung bente pesos. Yumakap ako kay nanay at " Salamat po nay. I love you po haha." 

Ay oo nga pala, ako nga po pala si Anastasia Lockwood. Sixteen years old at isang dyosa, de joke haha. Agad akong lumabas at pumunta sa computer station. Pagdating ko dun ay ang daming tao na naglalaro. Napa tsk nalang ako at pumunta dun sa nagma-manage dito. 

"Kuya, pagamit po ako ng computer. Yung bali nalang po sa twenty ang time." 

Tinignan muna ako ni Manong 'kuya' ng maiigi hanggang sa tinitigan na. Nako, alam ko namang maganda ako pero grabe naman ata makatulala 'tong si kuya. 

"Hello? Kuya?" 

Iwinagayway ko sa kanya ang kamay ko, napakurap naman siya saka siya napaubo. " Ah eh, sorry napatulala ako. Sorry iha ha, puno na ata ang gumagamit sa computer eh." 

Ay ganun? Tsk, nakakatamad pa namang pumunta sa ibang computer station. Tumango nalang ako habang nakasimangot. 

"Pero teka lang, nakalimutan ko.....may....isa pa palang computer na wala pang gumagamit." 

Nagningning ang mga mata ko at napangiti ako. " Talaga po? Sige 'yon nalang po ang gagamitin ko" 

Tumango siya sa akin saka niya ako pinapunta dun sa computer na yun. Mukhang nakakataka lang kasi mukhang walang masyadong tao dito sa part ng computer station nato. Nagkibit balikat nalang ako saka ako ngumiti ulit. Ayun nakikita ko na ang computer. Wohoo. 

Umupo ako sa chair nito saka ko pina-andar yung On button. Nag-antay pa ako ng ilang segundo kasi ang tagal. Ano ba naman, ang lag naman nito. Tsk. 

Pinokpok ko yung monitor pero bigla nalang itong lumiwanag ng isang nakakasilaw ng liwanag. 

"Ahhh ! " sigaw ko dahil sa silaw. Mga ilang minuto ay nawala din ito. Napatingin ako sa paligid ko saka ko lang napansin na wala naman palang tao dito. Nako, ano ba naman yan. Nasan ba kasi ang mga tao dito? Ako lang ba ang nandito? Tsaka ano yung liwanag na yun? Pechay ah ! Nakakasilaw yung liwanag na yun -___- . 

Tinignan ko ulit yung monitor at napakunot ang noo ko nung nakita ko ang sulat na; 

Do you want to go in an Enchanted Adventure ?


Yes  or   No 

Hah? Ano na naman to? Tss ang lakas naman ng trip ng computer nato, maka-yes na nga lang baka isang napaka-exciting na game ito. Mwehehe. 

Pinindot ko yung yes tapos bigla nalang lumiwanag ulit at napapikit ako tapos naramdaman ko nalang na parang hinihigop ang buong katawan ko. 

Lechugas ! Anong nangyayari?

Naramdaman kong nahulog ako tapos nakaramdam ako ng sakit sa pwet ko. 

" ARAY! " sigaw ko. 

Agad kong hinimas ang pwet ko saka ako tumayo. " Ano ba naman 'yan oh. Pati ba naman pwet ko pagti-tripan pa? Ang hirap talaga pag isa kang dyosa." 

Binuksan ko ang mga mata ko at 

O___________O

Nasaaan ako?! 

Bakit nasa isang forest ako? Tapos puro kahoy lang na maliwanag ang nandidito. Kahit mga puno lang siya ay ang liwanag niya. Parang may ilaw na nakalagay pero wala naman. 

EEEEEEEKK !!

Napatingin ako sa ibabaw at napangaga. O__O

I-i-isang flying cat at isang unicorn?! 

Waaaah! Nasaan ba ako?!?!?!

Naramdaman ko'ng may humawak sa may paanan ko tapos ...tapos...pagtingin ko isang....GUMAGAWALAW NA KAHOY! 

"AAAAAAAAHHHH !!" 

Bigla nalang akong lumipad dahil dun sa punongkahoy. Iwinagayway niya ako na parang bang isang damit lang ako. AAHHHH! ANO BA TO !!! Feeling ko masusuka na ako. Bleugh ! 

" Dragonoid !! Itigil mo na yan ngayon din ! " 

Rinig ko'ng isang boses tapos bigla nalang huminto ang lahat. Parang nasa isang movie ako na nakahinto ang lahat para bang huminto ang oras except ang nakahinto lang ay ako at yung gumagalaw na kahoy. 

Napanganga ako sa nangyari. Tinignan ko kung sino ang may ari ng boses na yun at nakita ko ang isang lalakeng napaka-gwapo ay este isang lalake.

Lumiliwanag ang mata niya at kulay blue ito. Ang...ang ganda tignan. 

Tapos naramdaman ko nalang bigla na nahulog muli ako sa lupa. 

Ouch. 

Enchanted AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon