Author's Note: As some of you may have notice, I had a little mistake with Raven's name. In the last chapter I named him Raven and in this chapter I named him Obsidian. I just noticed it when I read the story so I'm sorry about that. I have decided to just name him Raven Obsidian. Lmao, it's such an unusual name right? XD
- - - -
Napasimangot ako habang nakasunod ako kay Skyler at ni Obsidian. Kanina ko lang nalaman na Obsidian pala ang pangalan ng lalakeng maldito kanina sa classroom at oo, sila ang ka group mates ko.
Psh.
Nandito kami ngayon sa forbidden forest, naghahanap para sa aming familiars pero kinakabahan ako kasi natatakot ako na baka walang familiar na pipili sa akin. Ano nalang ang sasabihin ko kapag may mga familiars na ang lahat habang ako wala pa?
Napabuntong hininga ako saka ko tinignan ang ulo ni Obsidian. Hmm...Raven Obsidian, what an unusual name, Diba ang obsidian ay isang igneous rock, galing sa volcano? At Raven ay isang black bird? Hm, bakit kaya yun ang pangalan niya?
"Ana! LOOK OUT!"
Agad akong na alarma sa pag sigaw ni Skyler sa akin at napalingon ako sa likod ko. Pag lingon ko ay nakita ko ang isang maliit na...creature? May pointy ears siya at napakaliit niya. Nagpalabas siya ng isang maliit na tinidor at...tinusok niya ako?
"Aw." sabi saka ako nag pout.
Nilingon ko si Skyler at binigyan siya ng isang poker face. "Kailangan mo ba talaga akong sigawan?"
Nagkibit balikat ang mokong saka siya kumain ng marshmallows. "May gremlin eh."
"Huh? Anong gremlin?"
Ngumuso siya doon sa maliit na creature na tumusok sa akin. "Yan, yan ay isang gremlin. Mahilig sila sa pranks pero harmless naman sila."
"I see, then bakit mo ako sinabihan ng look out kung harmless lang sila?"
Tumawa lang bigla si Skyler at hinampas si Obsidian na nasa tabi niya. "Hahaha! Trip ko lang."
"Baliw." sabi ni Obsidian saka niya sinapak si Skyler sa ulo at nagpatuloy sa paglalakad.
Iniling ko nalang ang ulo ko sa kanilang dalawa saka ko tinignan ulit yung maliit na gremlin. Nakatawa na ito ng malakas ngayon at tusok siya ng tusok sa paa ko. Agad akong lumayo dito at sumunod sa kanila ni Skyler.
Hay, mahahanap ko nga ba ang familiar ko? I just hope so.
Napabuntong hininga ako ng bigla akong nakaramdam ng isang nakakakilabot na pakiramdam. Lumingon ako sa likod ko kung sakaling may isang magical creature na sumusunod sa amin pero wala naman. Pero bakit ba feeling ko may nakamasid sa akin?
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy
FantasyWhat if maka-kamit ka ng isang computer na isa palang portal para sa mundo ng mahika ? Ako si Anastasia Lockwood. Ginusto ko lang sana maglaro ng computer pero hindi ko inakala na dahil sa computer na 'yon. Mapupunta ako sa mundo ng mahika at hind...