"You're my familiar? But how did you know?"
Humakbang yung bata ng maliit at ngayon ay nakita ko na ang whole body niya. Ang liit niya promise. Para siyang isang four years old. Lumiliwanag ang mata niyang violet at hawak niya ang kwentas niyang may heart na pendant. Nag tilt siya sa ulo niya at tinignan ako ng maiigi.
"I felt your aura as soon as you stepped into this forbidden forest. One look was all I needed to know that you're my owner and I am your familiar."
Parang nagningning ang mata ko sa sinabi niya. So may familiar talaga ako? Oh thank God! Tinitigan ko ng maiigi ang familiar ko. Eh kasi ang cute niya ang sarap kurutin.
Ngumiti ako sa kanya at humakbang papalapit pero biglang gumalaw yung dragonoid kaya agad akong napatigil. Atatakihin na sana ako nung dragonoid pero tinignan ito ng familiar ko at bigla nalang tumigil sa kakagalaw yung dragonoid.
"Dragonoid is a shy tree. Kaya ipagpatawad mo nalang siya kung aatakihin ka niya. He's just afraid of new charmers."
Muntikan na akong mapanganga sa sinabi ng familiar ko. Yang kahoy na yan? Shy? SHY?! WTF! Ibang klase ding mahiya ang punong kahoy na yan. Nanakit ng tao kapag nahihiya.
Ngumiti ako ng papilit saka ko tinignan ang familiar ko.
"What's your name?"
Ngumiti sa akin ang aking familiar at umalis siya sa kakatago doon sa likod ng dragonoid at nilapitan niya ako. "Cassiel."
May sasabihin pa sana ako pero bigla nalang siyang pumikit at nagulat nalang ako nung biglang tumigil yung daloy ng oras at lumutang siya papataas pero hindi naman gaanong kataas yung maabot mo lang. Inisa niya ang dalawang kamay niya at may pinagsasabi siyang hindi ko maintindihan.
"Aahh!!" sigaw ko nung naramdaman kong lumutang din ako at ngayon ay kaharap ko na si Cassiel. Binuksan niya ang mga mata niya at parang na-hypnotize ako sa mga mata niya. Magkaiba na ang kulay ngayon. Ang isa ay green at ang isa ay violet. Ngumiti siya sa akin at inisa niya ang kamay niya.
Lumabas ang isang drop ng dugo sa index finger niya at ganun din ang nangyari sa index finger ko. May isang cup na lumabas sa gitna naming dalawa at doon tumulo yung dugo naming dalawa tapos lumiwanag yung cup at naramdaman ko nalang ang kakaibang feeling.
Hinawakan ko ang isang mata ko dahil sumasakit ito bigla.
"Argghh!!"
Mga ilang minuto ay nawala din ang sakit kaya nakahinga na ako ng maluwag.
"The contract is done." aniya bigla ni Cassiel.
"Huh?"
Bago pa ako makatingin sa mukha ni Cassiel ay bigla nalang lumabas ang isang salamin sa harap ko.
"Take a look at your eye."
Ginawa ko naman ang sinabi ni Cassiel at laking gulat ko nalang sa isang crescent moon na may may magical circle na nakalagay sa right eye ko.
BINABASA MO ANG
Enchanted Academy
FantasyWhat if maka-kamit ka ng isang computer na isa palang portal para sa mundo ng mahika ? Ako si Anastasia Lockwood. Ginusto ko lang sana maglaro ng computer pero hindi ko inakala na dahil sa computer na 'yon. Mapupunta ako sa mundo ng mahika at hind...