Chapter 3: Royalties And Rules

858 22 2
                                    

Anastasia's POV 

Napalunok ako dahil sa tahimik na nangingibabaw, paminsan minsan ay may naririnig akong nagbubulongan. Kesyo daw tinawag ko ng ganun at ganito si Lance, kesyo daw ang feeling close ko daw. 

Eh paki nila kung feeling close ako kay Lance? Magkaibigan naman kami ah? Psh. Narinig ko bigla ang isang tawang pamilyar at napaangat ang ulo ko sa may pintuan at nakita ang tumatawang mukha ni Lance.

Tumigil siya sa kakatawa at itinaas ang kamay niya, nag form siya ng isang star symbol sa ere at sa isang iglap ay biglang nawala yung ribbon na nakatali sa akin at lumutang ako pababa. Pagka-apak ko ay saktong nagsalita si Lance.

" It's okay guys, you don't need to bad-mouth her that much. I know her, she's my friend, so if I see anyone picking on her...Well, alam niyo na kung anong mangyayari sa inyo." sabi ni Lance saka niya nilagay ang dalawang kamay niya sa bulsa niya at lumakad papunta sa kinaroroonan ko. 

Napatulala lang ako sa nangyayari...so...ano nga ba ang nangyayari?

Ngumiti si Lance sa akin saka niya hinawakan ang kamay ko. " Halika muna, may pupuntahan pa tayo. " 

"H-huh? Sa-saan naman yun? " nauutal na tanong ko sa kanya dahil sa mga death glares ng mga babae dito. Eh ! Ano bang problema nila? Tsaka bakit nila tinatawag na king si Lance? 

" Hindi ka pa isang official na student dito sa academy. You must meet the headmaster of this school first and you must prove him that you have indeed magical powers. Pero may mga cases din naman na hindi na kailangang patunayan na may kapangyarihan ka talaga kasi kapag malakas daw ang kapangyarihan mo, nararamdaman daw ito ni headmaster." 

Bigla akong namutla sa sinabi niya, kailangan ko'ng patunayan kung may kapangyarihan ako o hindi? Patay! Pano to? Wala naman akong so-called kapangyarihan ha? Nako, nako, nako!!

Kailangan ko'ng maghanap ng paraan na hindi ko makakamit ang headmaster na yan! 

"Ah ..eh....L-lance, mamaya ko nalang siguro pupuntahan ang headmaster.....na-na-natatae kasi ako eh ...hehehe" 

Pagsisinungaling ko, agad ko'ng tinanggal ang kamay ni Lance na nakahawak sa kamay ko saka ako mabilis na tumakbo pero bigla akong napatigil 'nong may narinig akong boses sa gilid ko. Hindi naman ito boses ni :Lance kaya kanino galing ang boses? 

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko ang isang babaeng maganda ngunit parang ang maldita ata ng mukha. 

" Nagsisinungaling ka." sabi nung babae

H-ha? A-alam ba niya na wala akong kapangyarihan? 

Enchanted AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon