CHAPTER 11 (The Result of His Anger)

22 5 2
                                    

[Daralyn's POV]

Assuming?

Isang malaking... AKO!

Teka. Ilang beses ko na bang naulit ang salitang yan?

Eh sa totoo naman ehh! Assuming talaga ako.

Akala ko close friend na kami o kahit friends man lang.

Hindi pala.

Kita mo kanina, sinigawan n'ya pa ako? Ano ba'ng nagawa ko sa kanya? Ano ba'ng kasalanan ko sa kanya?

Patuloy parin sa pagpatak ang mga luha ko. Eh sa nasaktan talaga ako sa ginawa ni Vince ehh. Ikaw ba naman sigawan ng ganun? Pahiya kaya yun.

Eto pa yung problema sakin ehh. Madali akong patawanin, kasabay narin na madali akong paiyakin. Kahit na maton ako sa paningin nila.

Nag s-start na umulan. Pero wala paring tigil yung paa ko sa pagtakbo. Ewan kung s'an na ako papunta.

Napadpad ako dito sa.... 

Teka. Asan na ako?

De seryoso na talaga 'to. Hindi ito joke.

Asan ako? No.... Naliligaw na ata ako. Hindi nga 'to joke ok?! Totoo na 'to!

"Oh no! Hindi ko pa dala ang cellphone ko! Naiwan ko yung gamit ko ehh! Tanga! Tanga-tanga ko talaga! Iwan ko ba naman yung bag ko?!  Pa'no na 'yan? Hindi ko na alam kung asan na ako...."

I'm hopeless.

Nakakadag-dag depression naman 'to oh. Kanina nasigawan at napahiya ako. Ngayon naman, naligaw ako. Di ko alam kung asan ako at naiwan pa yung bag ko. Kasama na ang mahiwaga kong cellphone! 

Oh 'di ba? BONGGA! Daralyn. Ang dakilang SHUNGA! Assuming pa! All in one! Tanga din pala.

Namaaaaaan!!! Malas ko talaga!

Pamilyar sakin ang lugar na 'to. Pero dahil sa depressed ako at not to mention na natatakot na ako. Natataranta na din. Basta. Mapuno dito. Ang daming puno.

Sana naman walang ahas dito.

Ahas?

Napatingin ako sa gilid ng paa ko, sa kinatatayuan ko. 

Hugis...

"Ahaaaas!!"

Natipalok ako. And then....

"Ahhh!"

Dumilim na ang paningin ko.

---------------

[Zax's POV]

Hinahanap ko ngayon si Dara.

Gago talaga yung Vince na yun! Akalain mong sigawan ang babae?!

Before ako mang intrude sa storyang 'to. My name is Zax De Vega. 19. Taking up Bachelor of Arts... Classmate ko si Vince. Masungit talaga yun. Pero ewan ko ba. Iba ang impact sakin ni Dara ehh.

Falling for her? I don't know...

Balik tayo.

Oo. Boyish si Dara, na parang ang lakas-lakas n'ya. Pero babae parin yun! Siguradong nasaktan yun sa ginawa ni Vince. Tumakbo ehh.

Ikaw ba naman sigawan ng ganun? Siguradong kung sa iba nangyari yun ganun din ang gagawin.

Pero kung sa iba nga nangyari yun... Well, maybe... Hindi ako susunod..

Asan na ba yun?! Hindi ko alam kung saan s'ya nagpunta.

"Baka umuwi na yun?"

Impossible. Nasa'kin pa ang bag n'ya ehh. Matawagan nga. 

DA ASSUMINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon