Sinipag akong mag-update kase baka matagal-tagal na naman akong hindi magpaparamdam. Pagpasensyahan n'yo na. (Bow. Bow.)
Eto na! Basa. Basa.
__________________________
CHAPTER 21
"They're Both Jealous"
[Daralyn's POV]
Kasalukuyan akong naka-upo sa swing ng park, malapit sa bahay. Naalala ko tuloy yung pagkikita namin ni Vince dito. Dito nagsimula yung closeness namin.
Closeness.
Meron nga ba? Ewan.
"Lalim ng iniisip ah? Eto salbabida."
Napalingon ako sa kanya.
"Sira."
"Hahaha. Ano ba'ng iniisip mo d'yan, ha?", tumabi s'ya sa sakin.
"Wala.", wala sa sarili kong sabi. Pagtingin ko sa kanya, nakatingin din s'ya sakin.
"Alam ko meron. Spit it out.", sabay kagat ng donut na hawak n'ya.
Oo nga pala. Kasama ko si Andrew. Hayyy. Ayoko muna sa bahay ehh. Mahahalata nila kuya na may iniisip ako. Pero wala rin pala akong ligtas sa isang 'to. Nakahalata na kaagad eh kaka-upo ko pa nga lang, parang mapapa-hot-seat na ako ng wala sa oras.
"Ganito na ba ako ka-obvious?", tumingin s'ya ulit sakin.
"Sa tingin mo?"
"Eh kung batukin kaya kita para mabilaukan ka na d'yan?"
"Eh di mananahimik na po."
"Tsss.", yan na lang nasabi ko sa kanya.
Kumuha ako ng isang donut sa dala n'ya.
Naalala ko bigla....
"Oh bakit paling-linga ka d'yan? Andito naman ako ah?---- Joke lang. Hehe."
Babatukan ko kase sana eh.
"Ano ba'ng tinitingnan mo d'yan?"
"Wala."
Naalala ko kase ang mga batang PG. Baka kunin nila 'tong kinakain ko este kinakain namin. Mahirap na.
"Puro ka nalang wala. Ay naku."
Sinamaan ko nga s'ya ng tingin. Kainis ehh.
"Oh? Baka matunaw na ako n'yan? Huwag mo ngang ipahalata na gwapong-gwapo ka sa akin."
"Ewan ko sa'yo. Tsaka. Kadiri ka! Kilabutan ka nga. Tamaan ka ng kidlat sa pinagsasabi mo."
"Eto naman. Highblood neto. Tsk. Ano ngang problema?"
"Nakita ko s'ya kanina ehh.", pagsisimula ko.
"Sino?"
"Vincent."
"Oh tapos?"
"Yung babae."
"Ha? Okay. Pwede bang paki-ulit at buuin mo na lahat ng sasabihin mo? Ano'ng akala mo sakin? Sastre? Hindi ko kayang tahiin lahat ng sinasabi mo uy."
"Eto na. Eto na nga oh! Tsss."
Huminga muna ako ng malalim. Tahimik lang s'ya, alam kong nakikinig na 'to.
"Nakita ko si Vincent kanina na may kahalikang babae. Na-una ako sa gym kase inasar n'ya ako. Yun pala, paraan n'ya yun para makasama yung malanding yun!"
BINABASA MO ANG
DA ASSUMING
Teen FictionNakakainis mag-ASSUME noh? Yun bang.... Yung akala mo eh hindi pala ganun sa inaakala mo. Parang ganun.. Get's mo?