CHAPTER 2(We Meet Again)

55 7 0
                                    

[Daralyn's POPV]

Andito ako ngayon sa gym.

Nga pala, yung sa canteen. Busy ako sa pag d-drawing kanina ehh. Pagtingin ko sa labas. Wala na s'ya.

Siguro anghel  yun sa langit. Pinadala ni Lord para bantayan ako. Chosss lang. Hahaha.

As what I've said. Andito ako sa gym. Actually, madami kami ngayon. Hindi ako nag-iisa. Haha. K. Nga pala, 2nd year na ako sa course na Fine Arts. Ano'ng ginagawa namin dito? Di ba nga sabi ko madami kami ngayon? Kasama ko yung mga k-teamate namin para sa Foundation Week ng school. Mag m-meeting kami ngayon para sa the said event at para makapag appoint ng mga comittees.

Malapit na ang Foundation Week. Isang linggo na nga lang ang preparation namin. Next week na kase yun. Tsaka, it's monday already. Hassle? Sinabi mo pa! Hayy naku...

"Okay guys. When I say a group of class, hands-up ok?", nagsalita na yung isa sa mga adviser ng team namin.

Composed of 4 class kase sa kada-team.

"Fine Arts first year section D?"

Nag hands-up na sila. Syempre mapapatingin ka sa kanila. Kami-kami lang naman ang andito sa gym. I mean ang team namin. :)

"Fine Arts second year section A?"

Oy. Amin na pala. Nag hands-up din kami.

"Fine Arts fourth year section A?"

Nag hands-up din sila. Todo tingin naman kami. Karamihan kase sa klase nila is boys. At ang g-gwapo nila. Pramiiiiis! Hahaha.

"Fine Arts third year section B?", patuloy ng adviser namin.

BEEP.

Oy. May nag text. Binuksan ko muna ang cp ko. Naka lock kase. Binasa ko yung text. Hindi ako nakatingin nung nag hands-up ang third year. Sayang.

Sus! Nameeeen! Gm? Adik 'to ah? Joke. Hehe. Akala ko kase kung importante na yung nag text. Hindi pala.

"Mr. Veniakosa. Why aren't you raising your hand?"

"Ma'm, I'm disabled."

Tawanan.

"Oh yeah? Can't you raise the other hand then? Don't tell me they're both disabled?"

Tawanan ulet.

Teka.

Sino ba 'tong kaaway ng adviser namin? Tatlo sila dapat  ehh. S'ya lang ngayon yung naka toka samin. (Toka talaga? Hahaha.)

Naka-upo kase kami kaya hindi ko makita yung inaaway ni ma'm. Ay. Si ma'm pala yung inaaway.

^_^v

"Nga pala. Mr. Veniakosa will take charge in Hip-hop competition. To those who are willing to join please go to him after our meeting."

"Pero ma'm-------"

"No but's Mr. Veniakosa, is that clear?"

"Yes ma'm."

"Is that clear Mr. Veniakosa?!"

Tumayo s'ya.

"Yes ma'm Santos."

Teka. Wait.

S'ya yun ehh.

Tama! Yung lalake sa labas ng canteen! Akalain mo yun? K-teamate ko pala s'ya?!

Nag patuloy yung meeting. Kung sinu-sino na yung inassign sa mga prespective competition para sa Foundation Week. Mapa sports or cultural competition, may naka-assign.

Ako?

Taga linis! Joke. Wala. Member lang ako ng team.  Haha. Pero gustong-gustong-gusto ko sumali sa Hip-Hop competition! Hahahahihihi. Panagarap ko rin yan ehh. Highschool pa ako nun na'ng makasali ako sa grupo na Hip-Hop yung sinasayaw. Tapos nung college sa first year, hindi ako nakasali.

Sa sobrang excite ko na sumali ngayon sa team namin. Nawala sa isip ko kung sino yung naka-assign dun. Teka. Sino nga ba? Nakalimutan ko na. Kakausapin ko nalang yung classmate ko na kabarkada ko. Sasali din yun ehh.

"Andrew. Sasali ka 'di ba?", tanong ko.

"Oo, bakit Lyn? Sasali ka rin ba?"

"Oo naman! Hip-hop dancer ako nung higschool ehh."

"Ganun ba? Edi magaling. Siguradong nasanay ka na."

"Oo nam---------"

"Kaya pala may sa tomboy ka na aura. Haha."

"Gago!"

Hinampas ko nga. Haha. Nagtawanan kaming dalawa.

Tama kayo ng basa. Haha. May sa tomboy ako. Pero hindi ako tomboy ha? Boyish lang ako. Magka-iba ang tomboy sa boyish. Gets mo yun? Okay?

Boyish ako. Sa porma minsan. I mean, kadalasan pala. Hahaha. Pero kapag naka Korean get-up na ako. Sasabihin nilang, "Dara! Pa-autograph! Haha.", pang-asar nila n'yan sakin. Ehh, babae din ako noh! Haha.

Mga kabarkada ko lang naman  ang nang-aasar sakin ehh. At lalaki sila. Tama. Hindi babae mga kaberkz ko kundi mga boys. Kaya nga minsan naisip kong sana naging lalaki nalang ako. Ang gwapo ko kasi pag nagkataon. Hahaha. Kaya lang madami ding babaeng galit sa akin. Kesyo daw lalaki yung mga kabarkada ko at ako lang yung nag-iisang babae. Pake ba nila?

Set aside the issue muna.

Hinahanap pa namin ni Andrew yung naka-assign sa Hip-Hop comittee. Lumapit kami kay ma'm Santos.

"Miss, sino po yung naka-assign sa Hip-Hop?"

Kapag sa college kase "Miss" ang tawag na mga estudyante sa mga babaeng professor. Kahit may asawa na. Tanda kase yan ng respeto.

"Ayun", turo ng adviser namin.

"Tara Lyn. Dun ata tayo sa mga nagkukumpulang mga estudyante. Dun nakaturo si ma'm ehh."

"Sige."

Medyo nakikita na namin yung naka-assign. Umaalis na kase yung iba. Tapos na sila siguro. Nakatalikod pa samin yung naka-assign. Teka. Lalaki ba yung naka-assign? Pamilyar din sakin ang ayos ng buhok n'ya.

"Uhmm. Brad. Pwede pa kaming sumali?"

"Okay. Pangalan?"

Hindi parin lumilingon ang lalaki. Pamilyar talaga s'ya sakin. Urggggh. Sumasakit ang ulo ko kakaisip.

"Andrew Mendoza at Daralyn Parkinta."

Si Andrew nalang ang nag-sasalita. Mahiyain ako ehh. Hahaha.  :P

"Paki-lagay nalang yung number n'yo para----"

Lumingon na s'ya.

"Makontak kaagad namin kayo.", patuloy n'ya.

Teka.

Wait.

Loading. Loading. Loading. Loading. Loading. Buffering. Buffering. Buffering. 

Ting!

S'ya nga!

_______________________________________________________________________________

Sino?!!

Hahaha.

Sino kaya yung hinuhulaan ni Daralyn na pamilyar sa kanya?

Abangan!

At abangan din ang magiging reaksyon ng tatlo. Kung sinu-sino?

ABANGAAAAN! Hahaha.

Tnx for reading this chapter. Vote and comment po is HIGHLY appreciated!

Tnx uleeet! LOVELOTS!

bangz_ontheedge  

DA ASSUMINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon