[Daralyn's POV]
Assuming?
At isang malaking AKO yun!
Akala ko talaga friends na kami. As in close.
Hindi pala. Hahaha.
Bakit ba ako nadala sa actions n'ya?
Yung sa park, sa seven11 store, sa bahay, sa gym at... sa field. Ba't ba kase bininibigyan ko ng kahulugan lahat ng yun? Bakit ba ako nag-isip na close na kami? Dahil ba sa inaasar n'ya ako at tumatawa ako kasama s'ya?
Assuming nga ako.
Pagkatapos ng sinabi sakin ni Vincent na hindi na ako kasali sa group. Hindi ko matago sa sarili ko na, nalungkot ako. At... dissapointed sa sarili ko.
Hindi ko akalaing masasabihan ako ng ganun. Napahiya ako.
(Author: Tsk. Tsk.)
After ng encounter namin ni Vince sa rooftop, iniwan n'ya ako dun. Ilang minutes akong tulala siguro. Umalis narin ako sa rooftop at umuwi nalang ako sa bahay. Para sa'n pa kung mag s-stay ako dun? Baka mapahiya na naman ako.
Nakahiga ako ngayon sa kama ko.
Umupo ako.
Humiga ulet.
Umupo ulet.
Humiga ulet.
Umupo ulet.
Ano baaaaaa?!!! Nakakainis na!
Tumayo ako at binuksan ang speaker.
*She's staring at me... I'm sitting wondering what she's thinking... Mmmm..*
Mad by Neyo pa yung naplay ko. Hindi ko namalayan na sumasabay na ang galaw ko sa kanta.
Okay lang kung sumayaw ako sa kwarto. Malaki naman ang space tsaka hindi lumilindol kase sementado yung second floor ng bahay. If you know what I mean. Two-story house bahay namin ehh.
Pinagpatuloy ko lang ang pag-interpret sa kanta gamit yung sayaw ko.
Nasa kalagitnaan na ako ng kanta nang may narinig akong palakpak sa pintuan. Nakalimutan ko atang i-lock ang pinto.
Nakatalikod ako kaya hindi ko makita kung sino ang nasa pintuan.
"Sayang naman kung hindi ka sasali sa team n'yo. Galing mo ehh."
Lumingon ako.
"Ate Danna! Ikaw pala."
Ini-off ko muna ang sound bago hinarap ulit si Ate Danna.
"Pasok ka ate."
Umupo kami sa kama ko. Hindi ko s'ya kapatid. Kase 'di ba? Ako lang ang only girl.
"Babe. Kuha lang ako ng juice ha?", bumungad ang mukha n'ya sa pinto.
"Okay babe."
Okay. Hindi ako ang sumagot. Si ate Danna po.
"Kuya! Dalhan mo rin ako ng cookies!"
"Tsk! Oo na!"
"Thank you Kuya Trevor!"
"Pilya ka talaga."
"Oo naman ate! Haha. Aba! Lubos-lubusin ko na. Minsan ka lang pumunta dito ehh. Nagiging masunurin si kuya dahil sa'yo. Dito ka nalang kaya tumira?"
Nagblush naman si ate Danna. Hahaha.
"Pilya. Haha."
"Di nga. Boto ako sa'yo para kay Kuya. hehe."
"Maiba ako. Sumali ka sa team n'yo."
Nawala ang ngiti ko.
"Hindi na. Sinabihan ako ng leader nila na hindi na ako kasali"
I hugged my pillow habang nakasimangot.
"Yung trainor n'yo ang nagpapabalik sa'yo."
"Para sa'n pa?"
"Dara, hindi makakasali yung isang member kase na ospital ehh."
"Ha?"
"Oo. Naaksidente ehh. Sige na. Sumali ka na. Sinabihan ko na ang trainor n'yo na sasali ka. May practice kayo bukas ng umaga sa gym."
"Ate naman ehh. Kulit."
"Sige na."
"Close kayo ng trainor namin noh?"
"Oo nama—-"
"Binabawi ko na. Hindi na ako boto sa'yo para kay kuya."
Tumawa s'ya.
Hinarap ko s'ya na nagtataka kung bakit s'ya tumawa.
"Pano'ng hindi kami magiging close ng trainor n'yo? Ehh...
.. Kapatid ko yung tao. Haha."
_____________________________
So wala na talaga akong nagawa kundi ang pumunta ngayon sa gym.
Ang kulit naman kase ni ate Danna. Kinuntsaba pa n'ya yung mga kuya ko para umu-oo ako. -__-
Kung pwede lang sanang mag-maskara eh! Tsk. Anu ba nemeeen.
"Bakit ka andito?"
Oh. Oh. Andito na s'ya.
Vincent.
"Practice."
Hindi ko s'ya tinitingnan. Alam kong salubong na naman ang kilay neto. Hayyyy.
I stayed calm. Cold muna ako sa kanya. Tulad ng ginagawa n'ya sakin simula kahapon.
"Di ba sabi ko sa'yo na hindi ka na kasali—-?"
"At sino'ng may sabi?"
Napatingin ako... I mean kaming dalawa ni Vince sa bagong dating.
"Oh com' on, Drake. Wag ka ngang magpatawa."
"Mukha ba akong nagpapatawa?"
Teka. Magkakilala sila ng trainor? Nagkatinginan silang dalawa. Mga ilang sandali pa.
"HAHAHAHAHA!"
Tumatawa na silang dalawa. —____—
"Seryoso ako bro."
Naging seryoso yung mukha ng trainor. Tumigil si Vince kakatawa.
"Tss. Fine."
Tumalikod s'ya sa trainor at pumunta s'ya sa may basketball court.
___________________________________________________________________________________________
So... How is it?.. Leave a comment. Hehehe. :)
Sa mga nagtataka kung bakit untitled ang title sa chapter na 'to. Pasensya na po. Talagang wala akong maisip na title. Hehe. Yan din ang gagawin ko sa ibang chapters. (Walang basagan ng... okay fine.. Hehe.)
Vote & comment po!
Tnx!
bangz_ontheedge
BINABASA MO ANG
DA ASSUMING
Teen FictionNakakainis mag-ASSUME noh? Yun bang.... Yung akala mo eh hindi pala ganun sa inaakala mo. Parang ganun.. Get's mo?