[Andrew's POV]
"Kuya--"
"You're not my brother."
"Haist. Pagpasensyahan mo na si Kuya Trevor. Alalang-alala lang kase s'ya kay Dara."
"Tsss. Pinagtatanggol mo pa yan Leonard?"
"Pwede ba kuya. Huwag mo nga akong tawagin sa pangalang yan. Leo. Leo ang pangalan ko!", madramang sabi ni Leonard.
Nagtalo pa ang dalawang 'to. Tsk. Tsk.
"Parehas lang yun."
"Ewan ko sa'yo."
"Hayyy! Nagtalo pa kayo. Nga pala. Hoy Andrew. Ano ba talagang nangyari?"
"Uhh. Ano kase... Nahirapan s'yang huminga ka-kanina----"
"Ano'ng---?!"
"Kuya Trevor! Relax. Sige, ipagpatuloy mo.", sabi ni Alexis.
"N-napagod siguro sa---"
"'Yan na nga ba'ng sinsabi ko! Bakit ba kase pinayagan n'yo pa s'yang sumali?Nakakasama sa kanya ang mapagod!"
"Hindi rin kuya ehh..."
Napatingin kaming lahat kay Alexis.
"Sumasayaw rin s'ya nung highschool 'di ba? Wala namang nangyari except nung ten years old s'ya. Nung time na...."
"Iniwan tayo ni papa? F**k that!"
"Kuya ang bibig mo!"
"Di ba tama ako? Kapag stressed at emotionally depressed s'ya. Dun lang bumibigay ang katawan at hininga n'ya."
"Tama si Alexis.", pagsang-ayun ni Kuya Leo.
"Hoy. Ikaw Andrew. Ayokong maulit ang gan'to na wala kami. Maliwanag? Ikaw pa naman ang inaasahan naming magbabantay sa kanya."
"O-opo kuya Trevor. Sorry po sa inyo."
"Hayyyy! Ikaw talaga kuya! Huwag mo 'tong takutin. Andrew, ok lang. Alam mo, hindi mo naman kasalanan ang nangyari eh. Nagpapasalamat din kami na binabantayan mo s'ya para samin."
"Ikaw Alexis! Sobrang lambot mo naman sa kanya?!"
"Pakealam mo ba? Le-ohh-nard."
"Sabi nang LEO ang pangalan ko ehh! Tsss! Pasok na nga ako!"
"Napikon? Hahaha."
May sa topak din mga kuya ni Dara. Haha. Joke lang. Baka balikan nila ako dito. Mahirap na. Ayokong magkabukol sa batok nila.
Pumasok na silang tatlo sa loob ng clinic.
Teka nga.
Sa kinikilos at pinagsasabi ko kanina, parang pinagtatakpan ko pa ang ugok na Vince na yun ah! Hayyyy. Kainis na talaga.
__________
[Daralyn's POV]
Umiiyak parin ako. Ewan ko ba, ayaw tumigil ng luha ko. Tsk.
"DARA?! Bakit ka umiiyak?!"
Napatingin ako sa nagsalita. Hindi ko na pala namalayang may pumasok na sa loob ng clinic.
"Kuya? Anong gin---"
"Sino'ng nagpaiyak sa'yo ha?! Ang gung-gong ba na si Andrew?! Sinooo?!"
"HUY. Leonard. Ang O.A. mo na d'yan."
"Sabi na'ng Leo! Ilang beses ko ba'ng uulit-ulitin sa kukute mo na LEO ang pangalan ko?!"
"Haaayy.", nasabi ko nalang sa pagtatalo nila. Pinunasan ko muna ang luha ko bago humarap sa kanila ng maayos.
"Sino'ng nagpaiyak kay Dara?! Ipapa-blutter na natin!"
"Kuya Trevor! Mas O.A. ka pa kay kuya Leo ehh!", nagsmile ko.
"Lyn. Okay ka lang ba?"
"Oo naman! Okay na okay! Ano ba naman kayo? Hahahaha!"
"Pwede ba. Huwag kang tumawa kung hindi naman totoo? Ang sagwa lang kaseng pakinggan."
Nawala ang ngiti ko sa sinabi ni kuya Leo. S'ya talaga ang keen observer. Malalaman n'ya talaga 'pag nagsisinungaling ang isang tao.
"Kuyaaaa~!"
"Oh?! Ba't ka nangyayakap?! Eeeeeww! Lumayo ka nga! Hahaha."
"Kuya Trevor naman ehh."
"Huwag ka na kaseng umiyak. Nasasaktan din kami eh kapag nakikita ka naming ganyan."
Isa-isa ko silang tiningnan. Nag gesture ako ng group hug request.
"Salamat sa inyo."
Tiningnan nila ako.
"Para sa'yo princess. Andito lang kami.", sabi nila sakin ng sabay pa yan ha? Haha.
"Waaaahh! Salamat mga kuya koooo~!"
"Oh? Umiiyak ka na naman?! Nakuuu."
Yinakap nila akong tatlo. Kanina pa kaya nakaready ang mga kamay ko para salobungin sila? Tsk. Hahaha.
Kahit marami kaming beses na hindi nagkakaintindihan. Talagang pinapakita nila na importante ako sa kanila. Kaya nga hanggang kaya ko. Ayokong pati sila mahirapan din sakin. Alam kong may malala akong askit. It's not just asthma. Hindi ako manhid para hindi malaman yun. I carry my own body. Kaya alam ko na malala na ang sakit ko. And that's the reason why they're so protective when it comes to me.
"Nga pala. Si Martin kuya?", tanong ko sa kanila.
"Nandun sa bahay. Hindi na namin isinama. Baka mag-alala pa un."
"Tama lang ang ignawa n'yo kuya. Tara. Uwi na tayo."
"Kaya mo na'ng maglakad?"
"Oo naman! Ako pa! Haha."
"Sabi mo yan ah? Ayoko kaseng magbuhat ng mabigat ngayon ehh."
Nagpanting naman dun ang tenga ko.
"Kuyaaaa! Ano'ng akala mo sakin? Matabang babae?!"
"Joke lang princess! Hahaha."
"Don't call me princess!"
Tawa lang sila ng tawa. Ano pa'ng magagawa ko?
Eh 'di nakitawa narin! Hahahaha.
I'm LUCKY to have them. ^___^
__________________________________
BINABASA MO ANG
DA ASSUMING
Fiksi RemajaNakakainis mag-ASSUME noh? Yun bang.... Yung akala mo eh hindi pala ganun sa inaakala mo. Parang ganun.. Get's mo?