CHAPTER 10 (He Is Jealous!)

28 5 1
                                    

[Daralyn's POV]

Nakaupo ako ngayon sa may poste ng ring. Sinandal ko yung likod ko.

Grabeee. Nakakapagod. Eto yung namiss ko! Haha. Hindi ang pagod ha? Namiss ko ang ganitong feeling. Ako lang talaga ang girl sa group namin, sabi nila eh. Kala ko naman may dadating pang myembro na girl.

Namigay na siguro si V-Vince ng inumin. Nakita kong umiinom na ng mineral water si Zax ehh. So mineral water nga ang nasa plastik kanina.

Haixt.

Kinuha ko yung bag ko na nasa tabi ko lang. Kumuha ako ng face-towel. ang dami ko naring pawis eh. Ewww. Joke lang.. Hehe.

"Oh."

Ha? May nagsalita ba?

Napaangat ako ng tingin.

Nagkatitigan kami.

"Tss. Kukuni mo ba o hindi?", naiirita n'yang sabi.

Sunget talaga.

Nairita na nga siguro. Hinagis n'ya sakin ang bottle of mineral water. Buti nalang catcher ako. Nasalo ko kaagad! Haixt. Eh pa'no naman po kase.... Kinausap n'ya ako na parang nagaalala din s'ya sakin kahit halata parin ang kasungitan sa  boses n'ya. Caring na yun! Binigyan n'ya ako ng tubig ehh! Iiiiiiiihh! Kinikilig ako! Hahaha. Pasensya na. Hindi ko maiwasang kiligin ehh.

"Mukha kang sira d'yan."

"Ay kalabaw!"

"Grabe ka naman? Kalabaw na ang gwapong itsura ko? Ang brutal mo talaga kahit kelan."

Nag-act pa s'ya na parang nasasaktan talaga s'ya. Yung parang natamaan s'ya sa dibdib?

"Eh kung hindi ka naman gago.. Siraulo ka! Ano'ng gusto mo? Himatayin ako sa galak na ginulat mo ako? Eh halos mamatay ako?! Grabe ka makasulpot. D'yan pa talaga sa likod ko. Ibang klase ka."

"Tsk.Tsk. Tsk. Yan ang napapala mo eh. Binigyan ka lang ng tubig kinilig ka na dyan."

O/////O

Namula ako dun ah. Kase totoo naman talaga yung sinabi n'ya.

"Ehhh? Pa'no mo nalaman?"

Umupo s'ya sa tabi ko. So nakasandal din s'ya sa poste ng ring. Gets n'yo yung set-up namin?

"Ehh halos umikot na sa ulo mo ang ngiti mo. Teka. Nagtoothbrush ka ba? Ang dilaw ng ngipin mo ehh! Ewwww!", ang tono sa boses n'ya eh parang diring-diri talaga.

 "Aba't!"

Kinulong ko ang ulo n'ya sa bisig ko at sabay sapok at kamot ang inabot n'ya sakin! Wala akong pake kung malagas ang buhok n'ya! Tae! Kinikilig ako kanina tapos umeepal ehh! Hah! Buti nga sa kanya!

"Tatawa-tawa ka pa dyan ha?! Etong sa'yo! (Pak!) Eto pa! (Pak! Pak!)"

"Haha. A-aray! Tama na Dara! Ang s-sakit! Hahaha. A-aray!"

Bumitaw na ako. Napagod ako ehh. Haha.

"Hahahahaha!"

Tawa kami ng tawa ni Andrew.

Eto yung namiss ko ehh. Yung makulit at mapag-birong si Drew. Ayoko nung Andrew na may crush sakin. Akward yun. (Nod. Nod.)

"Dara!"

Oops! Tawag na ako ng trainor namin. 

"Sige Dara. Tawag ka na oh. Galingan mo ah?"

"Hah! Ako pa?! Haha. Sige. Hatid mo ako mamaya ha?"

DA ASSUMINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon