CHAPTER 5 (I Meet Mr. Gwapo Again)

45 6 0
                                    

[Daralyn's POV]

"IKAW??!!!"

"Oh? Teka. Ano'ng ako?"

"Ah! Yung naka-assign sa Hip-Hop comittee! Ikaw yun!"

Nakaturo pa ako sa kanya. Sana gumana ang acting skills ko ngayon. Naku naman kaseee. Ba't ba nadulas ang dila ko? Padalos-dalos ako. Tsss.

"Hahaha. Oo, ako nga."

Tama. Si Vincent Rey po kausap ko ngayon. Ano nga apilyedo neto? Nakalimutan ko ehh. Pasensya naman. Talagang likas na po akong makakalimutin. Ulaynin? Kailangan ko na ata ng Memo Plus Gold. Hahaha. (Advertise mga preeeeendz. haha   XP)

Napatingin ako sa dalang supot ng plastik ni Vince. Seven11. Naalala ko naman na tinakbo ng batang palaboy yung mga chips ko.

 (_   _)" ----> ako

( .   .)?? ----> vince

"Oh bakit?"

"Ang mg chips ko..."

"Kaw kase... Bakit dito ka kumain? Pwede namang sa store. Yan tuloy.."

"Sige. Inisin mo pa ako! Ipaalala mo sa'kin ang sakit ng kapalarang natamo ko! Tsk."

"Aba! Aba! Sunget mo naman. Eh totoo naman ehh."

Oo nga naman.

"Iiiiiiih! Dito ako madalas tumambay ehh! Hindi ko alam na may tumambay narin palang mga batang palaboy dito!"

Totoo yan. Wala talaga akong kaalam-alam na ganito ang mangyayari. Hayyy. Buhay. Parang life nga naman. Depressed ako.

"Hayy. Kawawa ka naman. Oh."

"Ano'ng kawawa---??!"

Susuntukin ko na sana. Kaso tumambad sa mukha ko ang supot ng plastik na dala n'ya.

"A-ano 'to?", tinapay ang laman ng plastik.

"Tinapay?"

"Alam kong tinapay yan. Eh para sa'n 'to?"

Kinuha ko ang supot ng tinapay na hawak n'ya. Baka mangayat s'ya ehh. Hehe.

"Para dito?"

Pinakita n'ya sa'kin ang isang plastik na may lamang...

"Cup noodles?"

"Uh-uh-uh. Dalawa. Dalawang cup noodles."

"Astig ka din noh? Parang sinadya ata ah. Stalker ba kita?"

"Hah! Kung may kinakain ako paniguradong nabilaokan na ako sa sinabi mo. Feeling neto. Nagkataon lang na paglabas ko ng store eh nakita kitang pinagkakaguluhan ng mga batang PG. Tsaka. Dalawa talaga ang usual na kinakain ko."

"Grabe. Haba ng speech mo pre ah?"

Nagkatitigan kami. Tapos. Tapos. Hinalikan n'ya ako.

JOKE!!

Hahaha. As if naman noh? Sa panaginip ko siguro nangyayari pa yun. Haha.

"Hahahaha!", tawa lang kami ng tawa.

"Isipin mo nalang pinadala ako ni Lord para dalhan ka ng alternatives. Haha."

"Hahaha. ano? Parang gamot naman kinalabasan nun? Alternatives talaga ah? Hahaha."

Napagdesisyunan namin na kumain sa loob ng seven11. Baka kase balikan ako ng mga batang PG. Haha. Kung totoo man yung sinabi ni Vince kanina na pinadala s'ya ni Lord. Sana. Hindi na s'ya bumalik sa langit! Hahaha. Sakin na lang s'ya! Hahaha.

Masaya din palang kasama at kausap 'tong si Vince. Parang naging instant close friend kami. Tulad ng kinakain naming cup noodles instant mami, madaling naluto. Hehe. Salamat sa mga batang palaboy. Joke. Haha. Thank you Looooord! Joke ulet! Hahaha.

Tawa ako ng tawa sa mga hirit ni Vince. Sarap na'ng iuwi nito sa bahay. Hahaha. Grabe talaga mag joke.. Kala ko seryosong tao s'ya ehh. Yun pala punong-puno din s'ya ng hormones. Esteh HUMOR pala. Hahaha!  XD

"Salamat sa paghatid sakin ah? Nag-enjoy ako kakatawa."

Syempre todo smile din ang lola n'yo. Pa-cute ako para mapanaginipan n'ya ako. Choos lang. Hahaha.

Hinatid ako ni Vince pagkatapos naming kumain at mag-kwentuhan.

"Ako rin nag-enjoy. Haha. Geh. Kita nalang tayo bukas."

"Sige. Goodnight."

"Good night din. Panaginipan mo ako ha?"

Always kaya! Haha.

"Sira! Haha. Alis na, sasara ko na 'tong gate."

"Sige. Haha."

"Ingat!", pahabol ko.

"Sila sakin!"

"Adik ka talaga. Haha."

"Hahaha. Geh.", at lumipad na s'ya. Joke lang. Umalis na po s'ya. Hehe. Mabuti na rin yun. Baka pigilan ko pa at itali sa kwarto ko ehh. Hehehe.

Hindi ko alam pero hindi na matanggal ang ngiti sa mukha ko. Naka glue na ata ehh. Tapos naka-feel pa ako ng goosebumps sa tyan ko everytime na inaasar n'ya ako. Loko talaga yun. Hehe.

Pumasok na ako sa bahay at dali-daling umakyat ng hagdan.

"Take. My. Shirt. OFF!!!"

Ooops! May probs pa pala ako dito. Hehe. 

"He-he-he. Hi kuya?"

"Bilis!"

On cue eh pumasok na ako sa kwarto ko at hinubad ang shirt ni kuya. Dali-daling nagbihis tapos inilabas ko ang kamay ko sa pinto na may hawak ng shirt ni kuya Trevor.

Hinablot naman n'ya kaagad sa kamay ko.

"Ang baho na neto! Anu ba 'yan?!"

"Grabe ka naman makapanglait kuya! Ehh ang bango ko ata! Mas mabango pa ako sa pabango mo ehh!"

Naiinis na 'to ng sobra. Haha.

"Heh! Magtigil ka nga d'yan! Hindi ka nakakatawa. Kilabutan ka nga sa sinabi mo!"

"Mukha kang sira!", sabay naming sabi.

Hahaha. Inaasar ko pa s'ya ehh.

"Daralyn! Matulog ka na!"

"Hahaha. Pikon!"

Humiga na ako sa kama ko. Hayyy. Nakakapagod. Excited na ako para bukas. Hmmm. Ay ewan! Makatulog na nga! Hehe.  ZZzZZZzzzzzzz... =__=

[Vincent's POV]

Naglalakad ako ngayon pauwi sa bahay.

Grabe. Ang saya-saya ko at nakasama ko si Dara. Ang ganda n'yang ngumiti. Tapos  hindi s'ya maarte sa pagkain. S'ya pa nga ang naka-ubos ng tinapay ehh! Mas matakaw pala s'ya kesa sakin. Haha.

Natutuwa ako na napapatawa ko s'ya.

Ang sarap pala sa feeling na ikaw ang magiging dahilan sa ngiti ng taong gusto mo.

Gusto lang ba? Parang iba ehh.

Ewan. Malalaman ko rin kung ano 'tong bagay na hindi ko maipaliwanag.

"Thanks for the great night that you gave me Dara..."

_________________________________________________________________________________

Hala?

Ano kaya ang nararamdaman ni Vincent towards Daralyn?

Like lang ba? Or is it beyond the explaination?

Abangan!!

Abangan rin ang mga clues kung ano ang feelings n'ya towards Dara. 

May hint na ba kayo???  :)

bangz_ontheedge  

DA ASSUMINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon