[Daralyn's POV]
"Good morniiiiing!!"
Ganda ng gising ko eh kaya smiling face ko kaagad ang bumungad sa mga kapatid ko.
"Good morning princess!"
Sumimangot ulit ang itsura ko sa sagot ng tatlong kuya ko. Ok na sana ang umaga ko ehh! Ba't ba kelangan pang sabihin ang salitang yun?!
"Don't call me princess! Mga kuya naman ehh!", umakbay sakin si Kuya Alexis.
"Haha. Sorry princ- Ok. Ok. Haha"
Babatukan ko na sana. Buti hindi n'ya sinabi.
"Oh. Tama na yan! Kakain na tayo princess!"
"Kuya Trevoooor!"
"Hahahaha!", mga kapatid ko yan. -___-.
Oo. Nakisali na ang bunso namin sa pang b-bully ng tatlong dakila kong mga kuya. Kumain na kami ng almusal kahit inaasar parin nila ako. Buti nalang I managed na huwag mag mura sa harap ng pagkain. Nakakainis na kase! Tssss. Pagkatapos kong kumain nauna na akong tumayo para makaligo na. Hiyang-hiya naman ako sa mga kasama ko. Bagong ligo silang lahat ehh. -____-
Nang matapos na ako at nakapagbihis na rin. Bumaba na ako.
"Oh. Kuya Trevor? Andito ka pa?"
Buti may makakasabay pa ako. Libre din 'to sa pamasahe. Hihihi.
"Sabay na tayo."
Yes! Hahaha. >:D
"Ahh. Okay. Sina kuya Alexis at kuya Leo?"
"Nauna na sila. Kasama si Martin. Silang dalawa na ang naghatid."
"Wow! Himala ah?! Haha."
"Hahaha. Oo nga eh. Ewan ko nga kung ano'ng nakain ng dalawang yun."
"Mabuti na rin yun kuya noh. Atleast nagiing risponsable na sila. Haha."
Nakalabas na kami ng bahay at sinasarado nalang ni kuya ang gate. May napansin akong motor na nasa tapat namin.
"Sa'yo 'to kuya Trevor?"
"Ha? Ah. Hindi. Kay kuya Leo mo yan. May nagpadala n'yan sa kanya kahapon daw. Hindi n'ya rin kilala kung sino ang sender. Hiniram ko 'to sa kanya. Ayaw gamitin ehh."
BINABASA MO ANG
DA ASSUMING
Teen FictionNakakainis mag-ASSUME noh? Yun bang.... Yung akala mo eh hindi pala ganun sa inaakala mo. Parang ganun.. Get's mo?