CHAPTER 12 (Realization)

26 4 0
                                    

[Daralyn's POV]

Nagising ako agad sa naging panaginip ko.

Panaginip.

Oo. Isang panaginip na kung saan ay isang pangyayari noon na ayaw ko nang balikan.

Bakit? Bakit yun pa?

Yun yung unang beses na narealize ko sa sarili ko na isa akong taong "Assuming".

Assuming talaga.

Sagad sa buto.

Nawalan ako nun ng malay. At pagkagising ko nasa ospital na ako.

Parang tulad ngayon. Nahimatay at nagising.... sa clinic nga lang ako nagising. Pero teka. Nahimatay?

Naalala kong nasa parang gubat ako. Tapos nahulog ako sa bangin at may sumagip sakin. Hindi ko maaninag masyado yung mukha n'ya. Blurry ehh. Pero.... Ang boses n'ya.

Hindi ako pwedeng magkamali. S'ya nga siguro ang nagligtas at nagdala sakin dito sa clinic.

Pinagmasdan ko ang paligid dito sa clinic habang nakahiga sa kama.

I saw someone.

He's lying his head down sa bed na hinihigaan ko. Gumalaw s'ya ng konte at kinusot ang mga mata n'ya. Bagong gising ata. Naidlip s'ya siguro sa kakabantay sakin.

Nagtama ang mga mata naming dalawa. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Deep inside......

Why?

Why am I feeling this....

Dissapointment?

Bakit parang dissapointed ako na s'ya ang nakikita ko ngayon? Ba't ba parang nag-iba ang timpla ng mood  ko nang humarap na s'ya sakin? Dahil ba.... S'ya ang dumating at hindi si-----

"Vincent."

"Ha?", napatingin ako sa kanya.

"Tsk. Si Vincent lang naman ang nasa isip mo. At nanghihinayang ka. Or should I say. Akala mo S'YA ang andito at hindi ako."

"Andrew---"

"Tama ako 'di ba?"

I can now see pain in his eyes.

Bakit Drew? Bakit ka nasasaktan? Akala ko ba klaro na na.... kaibigan lang kita. At hindi ko na kayang ibigay ang higit pa dun.

Yan ang gusto kong sabihin sa kanya.

Pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya.

Somehow kase, I feel the guilt.

Yumuko nalang ako. Aminin ko man o hindi.

Nag-assume na naman ako.

Nag-assume ako na si Vincent nga ang sumagip sakin.

Bakit ba kase pareho sila sa tono ng pananalita?!!

"Daralyn! Tama ako 'di ba?!"

Napaigtad ako sa biglaang pagtaas ng boses n'ya. Tsaka, tinawag n'ya ako sa real name ko. Naiinis na s'ya siguro sakin. Bakit naman s'ya naiinis? Ano ba'ng nagawa ko?

Hindi ko nga ba alam?

Bakit ba hindi ko 'to masabi sa kanya?! Sa halip parang nag-guilty pa talaga ako. Hayyyy. Kahit ako hindi ko alam ang isasagot ko, kung oo ba? o hindi? Kase alam kong alam n'ya ang sagot dun.

"Hindi ko alam."

"Ha? Hindi mo alam? Nagpapatawa ka ba? Well, Daralyn Parkinta. Congrats! Nakakatawa."

DA ASSUMINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon