CHAPTER 7 (Confession & Confusion)

26 7 2
                                    

[Daralyn's POV]

"Oo naman, sasali ako."

"Alam ko. Gusto mo ehh."

Napatingin ako sa kanya.

"Passion mo na ata ang pagsasayaw ehh.", dugtong n'ya habang hindi nakatingin sa'kin.

Ahhh... Akala ko kung ano na ang idudugtong n'ya. *sigh*

"Oo naman!"

Tumingin nalang ako sa field.

May nag p-practice ng soccer ngayon.

"Ayan. Ngumiti ka na."

Ngumiti ba ako?

Ahh.. Oo..  :)

Napatingin ulit ako sa kanya. Nakatingin din s'ya sakin.

"Andrew."

Mula sa smiling face, naging serious na ulit ang mukha n'ya.

"Sorry talaga sa nasabi ko kanina sa gym. Dun palang kita nakitang ganun kasaya ehh."

"Matagal na kaya akong ganun."

Totoo po yun. Hindi po kase ako plastik.

"Nagseselos ako ehh."

HA?

"Ano ka ba?! Kabarkada kita. Bakit ka magseselos eh ganun din ako sa inyo?"

Tumatawa pa nga ako.

"Yun na nga ehh!"

O___O

Yumuko si Andrew.

"Ba't ka ba ganyan?!"

"Nagseselos nga ako!"

"Eh bakit ka kase nagsesel------"

"Nagseselos ako kase GUSTO KITA!"

Nagkatinginan kami nung sinabi n'ya yun. Parang nabingi ako dun ah?

"H-ha?"

Kitams?  --__--

"Gusto kita."

"Andrew."

"Tsss."

Sumandal s'ya sa bleachers na inuupuan namin.

"Hindi ko nga alam kung bakit gusto kita ehh."

Ohh please... Totoo ba 'to? Panaginip ba 'to?

(Author: Gising ka uy!)

This time ako yung nakayuko. Hindi ako sanay sa ganito ehh. Although madami na din ang nagtangkang mag-confess sakin. First time kong may nag-confess sa personal. Oo. Sa personal po. Kase naman sa takot nila na baka mabugbog ko sila, sa sulat nalang nila dinadaan yun.

Hindi ko alam kung anong sasabihin o gagawin ko.

"Sumali ka."

At iniwan na n'ya ako.

Pati yung pagka-kaibigan namin.

Tumayo ako.

"Andrew!"

Tumakbo ako sa kanya.

Tumigil s'ya sa paglalakad. Still not facing me.

Yinakap ko s'ya sa likod. Wala akong  pake kung dumami ang haters ko dahil sa ginagawa ko. Eto lang kase ang paraan para mapagaan ko ang loob ni Andrew.

DA ASSUMINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon