The more you hate

756 16 0
                                    

“Hoy Zylex anong ginagawa mo dyan?" Nasa harap ko lang kasi yung upuan nya and obviously nasa gitna kami ng klase

“Ano bang problema mo? Pwede ba wag kang makulit!" Sabi nya at pinagpatuloy ang pagsusulat nya

“Wala akong pakealam sa nararamdaman mo! Ano ba kasing dinodrawing mo dyan?!" Sabi ko at sinilip yung ginagawa nya

“BAT BA ANG KULIT MO?! WALA KA NA BANG ALAM GAWIN KUNDI ANG PESTEHIN ANG BUHAY KO?!"

“Mr. Montereal! Baka gusto mong lumabas sa klase ko?" But then hindi namin pinansin ang prof namin

“Unang una hindi ako magpapansin sayo ng ganito kung hindi kita gusto. Kaya manahimik ka nalang dyan! Pangalwa wala akong pakealam kung napepeste ko ang buhay mo at let me tell you Hindi ko ginusto na magkagusto sayo!" At nagwalk out ako sa klase. Arte nya masyado. Pasalamat nga sya na sya yung nagustuhan ko. Sa ganda ko ba namang to? Aba!

Pumunta ako kung saan nagkaklase si Yna. Nakita kong nagtuturo yung prof nila pero derederetcho akong pumasok. Bastos na kung bastos.

“Hoy babae! Sumama ka sakin" naagaw ko kaagad ang atensyon ng buong klase pati narin ng Professor.

“Ms. Xian" bulong nung prof at nagbuntong hininga nalang.
Tumayo naman kaagad si Yna at sumunod sa akin

“Kain tayo. Nagugutom ako"

“Dahil lang sa nagugutom ka? Kaya mo ko pinuntahan sa GITNA NG KLASE? Bakit? Nasakin ba yung kutsara, plato at tinidor?!"

“Wag ka ngang maarte dyan. As if namang hindi mo gusto" I said then roll my eyes

“Di ka pa talaga nakapagpigil no? Tatlong minuto nalang naman at break na" inirapan ko lang sya.

Pumunta kami sa Cafe sa tapat lang ng school namin. Di sya masyadong malayo. Eh sa ayokong kumain sa Canteen ng school KO. Nakakasawa ang mga pag kain. Madami din naman ang kumakain na students dito. Malaki kasi ang Cafe na to

“Di ka ba kakain?" napansin ko kasi na di sya umorder

“Concern ka ba o ano? Diet ako"

“Pa Diet diet ka pang nalalaman sa buhay mo" sabi ko at nagsimula ng kumain.

Naasar naman ako nung biglang umingay sa Cafeteria.
Pag ganyan yang mga yan ibig sabihin may dumating-- at mukang kilala ko na kung sino sila.
Hindi ko sila nilingon at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko ng biglang higitin ni Yna ang plato ko

“Ano ba?!"

“Dun tayo oh" bago pa ako makaangal nahila nya na agad ako. Tss

“Uyy kayo pala" sabi ni Darren ng makita kami

“Ito oh. May bakante pang upuan" sabi naman ni Erin

Naupo na kaagad si Yna sa tabi ni Joshua at nag sweet sweetan na naman na akala mo eh wala ng bukas -_-

“Landi nyong dalwa!" Sabi ko habang umuupo sa tabi ni Yna.
Abat ni hindi manlang ako pinansin? Parang walang narinig. Tss. K

“Bat dito kayo kumakain? Ha?" Tanong ko kay Kian na nasa tabi ko tsaka umirap

Kumunot naman kaagad ang noo nya “Pake mo ba? Iyo to?"

“Pake mo ba? Iyo to?" Ginaya ko sya while making face.

“Tss. Isip bata"

“Ikaw naman. Masungit! Wala ng ginawa kungdi kumunot ang noo at hindi marunong ngumiti. Gano na ba kadami ang problema mo? Parang pasan pasan mo palagi ang mundo eh" sabi ko sa kanya

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon