Girl Pick Up

265 6 0
                                    

"Goooooood Morning Philippines!" Sigaw ko pagkapasok sa kotse ni Zylex.

Im just trying to be jolly.

Napapikit ang isang mata ni Zylex sa ingay ko "Can you please low down your voice?!"

"Bat ba? Nagbabago na nga ako para sayo eh" tumingin ako ng seryoso sa kanya

Napabuntong hininga sya at tumingin din sakin ng seryoso "You know what? You dont need to change yourself for someone"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko "You mean. You love me just the way I am?"

"I dont said I love you. But do you think I will love you if you change yourself?"

"Well I think probably yes" nakahawak pa ako sa baba ko.

Napailing nalang sya at nagmaneho na ulit.

If he will love me kung ano ako diba dapat matagal na? Isang taon na naman akong nagpapakatotoo sa sarili ko ah? Pero hindi naman nya ako nagugustuhan

Napatigil ako sa pag iisip ko ng makarating kami sa parking lot.

"Nga pala. Fetch me up at 8 tomorrow" sabi ko at kinindatan sya sabay labas ng kotse.

Ano kayang mangyayari sa date namin bukas? Hindi kaya magtapat na sya ng nararamdaman nya sakin?

Nabatukan ko ang sarili ko. As if namang may nararamdaman nga sya sakin.

Bago ako pumuntang room ay nagdaan muna ako ng CR. Naiihi na kasi talaga ako.

Habang nasa loob ako ng cubicle ay hindi inaasahang narinig ko ang usapan ng ibang babae

Janine. Mabait naman pala si Ms. Margaux. Tinulungan ka pa nga nya nung isang araw
Oo nga eh. Akala ko talaga wala syang alam gawin kundi maging bitch
Bagay naman sila ni Zylex diba?
Oo naman. Maganda at sexy naman si Ms. Margaux eh. Yun nga lang may Attitude

Nanggalaiti naman ako sa inis. Pinag uusapan ba naman ako?

Nang lumabas ako ng cubicle ay nagulat sila sa muka ko.

Tama! Yung isa ay yung nerd na tinulungan ko nung isang araw

"Ms. Margaux e--eto nga po pala yung panyo nyo"

Hindi ko sya pinansin at derechong lumabas

"Wag na. Baka may Germs pa" I said before I leave.

Pagdating sa room ay tumabi agad ako kay Zylex.

"Zylex!" Kinulit kulit ko sya.

Kumunot lang ang noo nya at hindi manlang ako sinulyapan.

"Huy! Zylex! Yuhoooo~" Inalog alog ko na sya pero di nya parin ako pinapansin

"Zylex ang sarap mong mahalin" sabi ko at ngumiti sa kanya.

Lumingon naman sya sakin sabay sabing "Talaga? Anong lasa?"

Bumagsak naman ang balikat ko. Binabara nya ba talaga ako?

"Zylex Airport ka ba?"

"Hind--"

"Kasi kahit anong lipad ng isip ko. Sayo padin lumalanding ang puso ko" I wink at him.

Nakakakilabot naman ang sarili ko.

"Isa nalang at masasapak na kita" hinarap nya pa sakin ang kamao nya

"Minamalat na naman ang puso ko" I pouted. Nakita kong nagsalubong ang kilay nya "Lagi kasing sinisigaw pangalan mo"

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon