Troll?

264 8 1
                                    

"Nasan si Zylex?" I asked Erin.

Mag aalas onse na kasi ay hindi ko pa nakikita si Zylex. Sabagay halos 3 narin naman kami natulog kagabi. I chuckle ng maalala ang nangyari

"Ewan dun. Puntahan mo nalang sa kwarto" sabi nya habang nakahawak sa batok

Dali dali naman akong naglakad papunta sa kwarto nila. Pagbukas ko ay nakita ko syang nakahiga habang may kausap sa phone. Hindi nya yata napansin ang pag dating ko. Kumunot naman ang noo ko. Sino naman kaya ang kausap nya?

"ANO?! Saang hospital?.... Oo papunta na ko" Nagmadali itong bumangon habang napapamura pa "Shit"

Ng maglakad sya palabas ay nakita nya ko pero hindi ako pinansin at nag derederetcho sa labas na ikinainis ko naman

"Hoy san ka pupunta?!" Hinabol ko sya at napansin kong sumakay sya sa bagong Mercedes Benz nya

"None of your business" Inis na sabi nito at sumakay na.

Dali dali naman akong sumakay sa passengers seat

"Baba!"

Hindi ko sya sinunod kaya naman pinaharurot nya na agad ang sasakyan

"Bat ka ba nagmamadali? Ano bang nangyari?" Nakahawak sa ulong sabi ko

"Just shut up"

Nanahimik naman ako at wala pa atang limang minuto ng makarating kami sa ospital. Dali dali syang bumaba at sinundan ko naman

"Bat tayo nandito?"

He doesnt answer at pumunta sa isang nurse na nasa table

"San ang room ni Jhela Montereal?"

Nanlaki ang mga mata ko "ANO?! Bakit nandito si Tita? Anong nangyari sa kanya?" Nataranta ako bigla

"Sir Room 201 po"

Dali dali kaming naglakad papunta don.

Oh My God anong nangyari?

Nang makapasok ay iginala ko ang paningin ko

"Margaux" Lumapit si Tita sakin at niyakap ako

Kunot noong tiningnan ko sya. para namang walang nangyaring masama

"Tita ano po bang nangyari?"

"Ah. Nakagat kasi ako ng langgam kanina kaya ako pumunta dito. Tapos biglang may pumasok na doktor at sinabing Stage 4 na daw ang Cancer ko. Syempre nagulat ako. Imagine kinagat lang ako ng langgam. Mamamatay na agad ako. Yun pala nagkamali lang ng kwartong pinasukan"

Nalaglag naman ang panga ko

"ANO BA MA?! AKALA KO NAMAN KUNG ANO NANG NANGYARI SA INYO. Nakagat lang kayo ng langgam dumeretcho na kayo dito sa ospital? Ugh!" Ginulo ni Zylex ang buhok nya

"Trip lang" cool na sagot ni Tita

"Nagpakuha ka pa talaga ng kwarto Ma no?"

"Hoy Zylex wag mo nga kong pagsalitaan ng ganyan. Nanay mo parin ako"

Matapos ng nakakabaliw na nangyaring yon sa ospital ay sa bahay muna nina Zylex kami pumunta. Sinabi ko naman kay Darren na padala nalang nung gamit namin na naiwan sa resort

"Margaux pwede bang dito ka nalang muna matulog?" Nakapout na sabi ni Tita habang nag di-Dinner kami

Napatingin naman ako kay Zylex "Sige po"

"Dun ka nalang pala muna sa kwarto ni Zylex matulog. Sira kasi ang Aircon ng Guest Room"

Nanlaki ang mga mata ko at nag init ang pisngi. Hindi ako tumanggi. Pagkakataon ko na yun no

"Ma!"

"Aangal ka?!" Nakita kong sinamaan ni Tita ng tingin si Zylex kaya huminga nalang ito ng malalim

Pagkatapos magdinner ay pumunta na agad kaming kwarto dahil may pasok pa bukas. Pinadala ko nalang ang susuutin ko bukas

"Parasite ka talaga no?" Tiningnan ko naman ng masama si Zylex

Nasa kwarto nya kami ngayon. Nakaupo sya sa mini sofa habang nanunuod ng TV at nakataas pa ang paa sa lamesa.

"Parasite ka dyan" sabi ko at nahiga na sa kama nya "Hoy! Nga pala Zylex. Alam mo na ba yung tungkol sa Event na lalabanan natin?"

Tiningnan ako nito habang nakakunot ang noo. I think he still doesnt know it

"Inter School Pageant" sabi ko at umirap.

Dahil nga sa kami ang nanalo sa Pageant sa school. Kami din ang ilalaban para sa Inter School Pageant. Kasali ang ibat ibang Universities don. Malaking Opportunity yon kasi maaari kang makuhang Fashion Model. Ang alam ko ay isa ang Ateneo at Lasalle sa sumasali sa event na yon

"Ayokong sumali don" sabi nya at ibinaling muli ang tingin sa TV

"Ayoko din naman. Sa araw ng Contest pwedeng sabihin kong may sakit ako at wag ng pumunta pero hindi ko gagawin kasi nangako ako kay Justin na sa oras na mapasali ako don. Gagawin ko ang makakaya ko para manlang makarating din ako sa Manila"

Hindi kasi ako pwedeng basta bastang pumunta ng Manila dahil ayaw ni Daddy. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw nya. Atleast magawa kong excuse ang modeling para makita si Justin

"Di ko tinatanong. Pumunta ka kung gusto mo. Sigurado namang pipilitin din ako ni Mommy don"

"Sungit mo. By the way nagpaalam ako kay Tita na lumabas tayo bukas. Dadalawin ko lang ang puntod ni Mama"

November 1 narin kasi bukas at matagal ko ng hindi nabibisita ang puntod ni Mama

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon