Hindi kayo bagay

308 9 1
                                    

"Dyan na" tinuro ko ang private cemetery kung saan nakalibing si Mama

Pinark nya naman ito sa tabi

Konting lakad lang at narating narin namin yon. Umupo ako sa damuhan at ibinaba ang bulaklak na dala ko habang si Zylex ay nakatayo lang at pinagmamasdan ang mga kilos ko

"Ma. Kamusta ka na? Sorry po kung ngayon lang ako bumisita ha? Naging busy po kasi ako eh" Tiningnan ko ang lapida kung saan may nakasulat na Karen D. Xian "Namimiss ko na po kayo" Napatungo ako at pinigilan ang mga luha sa pagpatak.

Tumayo ako at humawak sa braso ni Zylex. Tinanggal nya naman ito kaagad "Ma ito nga pala si Zylex. Yung palagi kong kinukwento sa inyo" Ngumiti ako "Alam nyo ang sungit sungit nya. Wala syang ibang ginawa kundi kumunot ang noo at magsalubong ang kilay. Hindi rin sya marunong ngumiti Atsaka--"

"Ano bang mga sinasabi mo?!"

"Hindi rin sya marunong ngumiti tsaka ayaw nya sakin. Para syang may Period palagi. Daig pa nya ako. Pero kahit ganon.." tumingin ako kay Zylex "Gusto ko parin sya"

"Oh hayan ha? Naipakilala ko na po sya sa inyo. Sya yung lalaking.." Tumigil ulit ako at ngumiti "Gusto kong makasama sa future ko. Yung lalaking gusto kong unang makita pagkagising ko. Yung lalaking gusto kong ipagluto ng breakfast. Yung lalaking kakantahan ko ng Grow Old with you at higit sa lahat yung lalaking gusto kong maging Daddy ng mga magiging anak ko"

~~~

Late na kami nung makarating sa school. Absent nga ata kami ng half day eh.

Si Zylex naman ay pinilit lang ni Tita na samahan ako kay Mommy kanina

I Look at Zylex na pinaglalaruan ang ballpen nya habang nakatingin sa labas ng bintana

"Anong iniisip mo?" kinulbit ko sya

"Wala ka na don. Wag ka ngang makulit"

"Hoy Zylex! Kahit kelan ang arte arte mo talaga" I said then roll my eyes

Nagulat ako ng may kumulbit sakin. Kunot noong hinarap ko ito pero napangiti din ng makita kong si Dominic yun. Syempre awkward parin ako sa mga sinabi nya pero ano pa bang magagawa? Nandito na yan

"Lunch?"

"Uh Sure--"

Biglang tumayo si Zylex at lumabas na. Problema non?

"Ano tara?" nakangiting sabi nya. Tumayo naman ako at naglakad na kami palabas ng room

"Dominic hindi ka sasabay?" kunot noong tanong ni Zylex habang kasama ang LUX

Umiling lang si Dominic at pinagpatuloy na ang paglalakad

Narinig ko pa ang pag uusap nila habang palayo kami

"Napapadalas naman ata ang pagsasama nung dalwa?"

"Baka sila na"

"Tumigil nga kayo. Pabayaan nyo na sila"

 

Napabuntong hininga nalang ako. Sa Cafe kami pumunta at sa kamalas malasan ay dun din kumain sina Zylex na halos katabi lang ng table namin

"Anong gusto mong kainin?"

"Burger, Fries at Bubble Tea nalang" I said then smile

"Yun lang? Its Lunch dapat nag ra-rice ka" I shook my head then answered

"Diet" I slightly laugh

He tap my head "Ikaw talaga"

Umorder kami ng makakain ng mapansin kong parang may nakatingin samin kaya lumingon ako and find out na si Zylex yon. I can say na sobrang sama talaga ng tingin nya

Tumayo sya at naglakad na palabas pero tumigil sya sa tapat ko at bumulong "Tigilan mo ang kaibigan ko. Hindi ka bagay sa kanya" He said at tuluyan ng lumabas.

Nakuyom ko naman ang kamao ko. Ang kapal ng muka nyang sabihin yun. Parang sinabi nya narin na Low Class na babae ako.

"Okay ka lang?"

Pilit akong ngumiti sa kay Dominic then nodded. Ang Zylex na yun. Malalagot talaga sya sakin

RegretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon